… Bigla akong napamulat nang bigla kong napansin ang pagiging mapusok namin lalo na’t mas lalo na siyang nagiging agresibo sa paghalik sa’min kaya napatigil ako at naitulak siya. Napatitig naman siya sa’kin na may pagtataka sa mukha niya. “Is there something wrong?” tanong niya. “Mali itong ginagawa natin, nawawalan na tayo ng kontrol. Pa’g nagpatuloy ito baka hindi lang yo’n ang magawa natin,” mahinang sabi ko. Napalayo naman siya at napahiga nalang. “Sorry, I should have controlled my emotions,” sabi naman niya at napaiwas ng tingin sa’kin. Kita ko sa mukha niya ang guilt pero may halong pagkadismaya. “Wa’g kang mag-sorry dahil hinayaan ko ring mangyari yo’n,” sabi ko. Tumayo na ako upang magpunta sa banyo. “Maliligo na muna ako. Wa’g mong subukang magpakita sa kanila,” sabi k

