... “Ano na? Payag ba kayo sa alok ko?” pagtatanong ni Drew. “I’ll accept your offer,” diretsong sagot naman ni Nico. “Eh kayong dalawa? AJ?” tanong ulit ni Drew. Napaisip naman ako kung hindi ba ito makakaapekto sa schedule ko sa klase. Hindi naman na siguro dahil patapos na rin naman ang semester ngayon. Ang problema nalang ay kung papayagan na ako ni Mama ngayon. “Pag-iisipan ko pa. Kailangan ko pang magpaalam kay Mama. Huwag kang mag-alala, sasabihin ko naman agad sa’yo kung pumayag na siya,” pahayag ko. “Hindi ko tatanggapin. Maghahanap nalang ako ng ibang mapapasukan kesa naman sa makikita ko ang pagmumukha mo tuwing trabaho,” mataray naman na pagtanggi ni Gabby. “Okay lang, ayoko rin namang nakikita ang pangit mong pagmumukha,” sarkastikong sabi naman sa kay’ya ni Drew. “Ano

