… “Ano pong ibig niyong sabihin na ipupunta siya sa ibang bansa?” tanong ko kay Manang Mandy. Napahigpit tuloy ang pagkakahawak ko sa mga kamay ko dahil sa medyo kinakabahan ako sa magiging sagot niya. “Ang totoo niyan hija…” “Ano po?” “Joke lang talaga ‘yon,” natatawa niyang sagot. “Uuwi lang talaga siya sa kanila pero sabi niya hindi niya alam kung makapasok daw siya ng trabaho bukas dahil kailangan niyang makausap ng masinsinan ang Daddy niya at kilalanin ang stepmother at step sister niya.” Napabuntong-hininga naman ako sa sinabi niya. “Manang naman eh, wa’g naman kayong magbiro ng gano’n,” sabi ko. “Eh masyado kang seryoso at mukhang maiiyak ka na.” “Pero ‘yon lang talaga ang sinabi ni Matthew?” tanong ko. “Oo, pagkagising mo raw eh samahan daw kitang makasakay ng taxi dahil

