... “Hey, you’re hugging me tight.” Napalayo naman ako agad sa kan’ya nang ma-realized kong sobrang higpit nga ng pagkakayakap ko sa kan’ya. At napansin kong nakatingin ang mga kaibigan ko sa’kin na may pang-aasar. Kita ko naman si Drew na nagpipigil do’n nang tawa kaya nilapitan ko siya at kinuha ang yosi niya sa bibig niya na sisindihan na niya sana bago ko ito pinutol. “Oy, ba’t mo naman dinadamay bisyo ko?” “Eh ba’t mo rin kailangang magsinungaling sa’kin na hindi siya pumasok sa trabaho? Bwisit ka!” inis kong sabi kay Drew. Napahalakhak naman siya ng malakas dahil do’n. “Ano namang nakakatawa?” “Nakakatawa kaya reaksyon mo kanina, paiyak ka pa na para bang ginto ‘yong nawala sa’yo. Wa’g kang mag-alala AJ dahil ‘di ipagpapalit ni Matt ang trabaho niya sa kung ano man. Kaya chi

