… Nasa loob na ako ng kotse at kasama ko na rin si Tita Sally na nagpumilit na ihatid ako kahit na pinakiusapan ko na siya kanina. Pagkatapos ng hindi ko inaasahang halik sa pagitan namin ni Matthew kanina ay agad akong lumayo bago pa man kami mahuli ni Tita. At sakto namang dumating na nga si Tita at kahit papaano ay hindi niya kami nahuli. At ngayon ay pauwi na ako at itinuro ang direksyon papunta sa’min. “Hindi ko alam na may namumuong malalim na relasyon sa pagitan niyo ng pamangkin ko. Parang kailan lang no’ng una niyong tagpo no’ng nalasing ka,” biglang pagbubukas niya ng usapan. Hindi ko alam kung anong isasagot sa kan’ya lalo na’t ako rin ay hindi ako makapaniwalang aabot kami ni Matthew sa puntong ito. Napatingin naman si TIta at ngumiti bago ibalik ang tingin sa may daan.

