… Nagkuwentuhan kami ni Matthew tungkol sa mga alaala niya no’ng mga panahong kasama pa niya ang kan’yang Mommy. Kasama na rin do’n kung papaano sila nagkakilala ni Drew at kung paano nabuo ang pagkakaibigan nilang dalawa. "It's really funny that we started out as competitors when it comes to cooking. But now he's my only friend in whom I can always put my trust. I trust we've been friends for six years, and I'm grateful for the opportunity to meet someone like him,” pahayag ni Matthew. Ibinahagi niya na bago pa man niya maging matalik na kaibigan si Drew ay ilang cooking contest muna ang kanilang nasalihan at sila ang laging magkatunggali. Hanggang sa isang araw ay tinulungan daw siya ni Drew no’ng panahong nagkaroon siya ng problema sa Daddy niya na. Kaya natutuwa ako na nagkaroon ng

