Stress week kaya sobrang dami kong ginagawa lalo na sa school. Kailangan magpass ng projects, reports, research, at sumasabay pa ang final examinations namin para sa semester. Hanggang sa trabaho ay pinagsasabay ko ang pagre-review. Pero hindi talaga maiwasan na magkaroon ng sobrang daming customers kaya nababale-wala rin ang pagre-review ko. At tanging sa pag-uwi ko ng gabi at bakanteng oras ko lang sa umaga ako nakapagbasa. “Oy Bessy, tama na muna ‘yan. Tignan mo, sobrang laki na niyang mga eyebags mo dahil sa puyat. Baka mamaya may mangyari pa sa’yo niyan,” pagsita sa’kin ni Gabby. Gaya ng nakagawian ay nasa library kami para mag-review para sa susunod naming exam. Kasama rin namin dito si Nico na todo sa pagre-review habang nagso-solve siya ng nakakalitong equation. Sabagay, engin

