… “A-Ano namang nakita mo ro’n?” medyo kabado kong tanong kay Papa. Nakatingin pa rin siya sa restaurant na parang may hinahagilap bago siya napatingin sa’kin dahilan para mas lalo akong kabahan. “May pamilyar na mukha akong nakita ro’n,” sagot naman niya na tila nag-iisip kung sino ‘yon. “Baka naman si Gabby lang ‘yon,” sabi ko naman pero umiling siya. “Pamilyar talaga sa’kin ‘yong isang lalaking ka-trabaho mo. Sa’n ko nga ba kasi nakita ‘yon?” “Sinong lalaki? Tara na nga, Pa. Baka nakabungguan niyo lang ‘yon,” sabi ko habang napapalunok ako. Isang tao lang naman ang alam kong magiging pamilyar sa kan’ya at ‘yon ay si Drew. Malaki rin ang pinagbago ni Drew mula pagkabata pero makikita pa rin ang pamilyar niyang mukha no’ng mga panahong kalaro ko pa siya. Baka pa’g malaman ni Papa

