... Napapikit ako nang akmang sasapakin na no’ng adik na bossing nila si Matthew dahil bigla akong natakot sa kahihinatnan no’n. Pero napamulat din ako agad nang may marinig akong huni ng whistle. Nasa gano’ng puwesto pa rin yo’ng dalawa at pa rin binibitawan no’ng lalaki yo’ng kuwelyo ni Matthew. Maya-maya ay napansin ko ang paglapit ng isang security guard sa puwesto namin at kasunod no’n ang ang mga kaibigan naming sina Gabby, Drew, at Nico. “Anong nangyayari dito? Gusto niyo bang i-report ko kayo? Bitawan mo na siya at huwag mo nang ituloy kung ano man yang binabalak mo,” paggsita nang security guard lalo na do’n kina Matthew at yo’ng bossing ng grupo nila. Do’n palang binitawan no’ng lalaki si Matthew at lumayo ng distansiya sa’min. “Sumama kayong lahat sa’kin para ipaliwanag a

