… Patuloy lamang na naglalaro yo’ng tatlong lalaking kasama namin habang kami naman ay pinapanood lamang sila. Tumahan na rin si Gabby sa pag-iyak pero agaw-pansin yo’ng mga mata niya na kagagaling sa pag-iyak kahit na nagsuot siya ng eyeglass. “Gusto mo na bang umuwi?” pagtatanong ko kay Gabby pero umiling lamang siya. Pinagpatuloy ko nalang ang panunuod sa tatlo pero hindi ko pa ring maiwasang mag-alala sa best friend ko. Ang galing no’ng tatlong maglaro ng basketball. Makikita ang pagkakalapit ng mga puntos nila sa isa’t isa. Makikita rin sa mga mukha nila ang pagka-competitive na para bang walang ayaw magpatalo sa kanila. Maya-maya ay nagpaalam muna ako kay Gabby para bumili ng maiinom namin at para na rin do’n sa tatlong lalaki. Saglit lamang akong bumili at bumalik din agad.

