… Hanggang sa matapos yo’ng pelikula ay hindi na bumalik si Matthew. Hindi ko tuloy alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Kung magui-guilty ba ako kasi ako ang dahilan kung ba’t siya biglang nagka-gano’n. “Sa’n pala nagpunta si Matt?” tanong ni Drew. Kalalabas lang naming lahat mula sa movie room. At naisipan naming magpunta munang food court. “He walked out before the movie starts,” sagot naman sa kanila ni Nico. “At bakit naman?” tanong ulit ni Drew at tumingin sa’kin. “H-Hindi ko rin alam,” sagot ko nalang. Napayakap nalang do’n sa binigay niya kaninang stuffed toy na panda at napapaisip kung ano bang mali kong nagawa. Kung nagseselos nga siya gaya ng sinabi ni Nico, hindi ko naman mawari kung matutuwa ba ako do’n o maiinis sa dahilan para magwalk-out siya. “Ayos ka lang

