... Halos dalawang linggo na naman ang nakalipas. Sa halos dalawang linggong yo’n ay ang hindi matapos-tapos na school project at sunod-sunod na reporting, isama pa ang mga surprise at long quizzes. Naging mas malapit naman sa’min ni Gabby si Nico at lagi na itong sumasama tuwing nasa library kami. Tinutulungan din niya kami minsan sa mga projects namin kung minsan kaya mas lalong umusbong ang pagkakaibigan namin kahit na nasa ibang course o department siya. At sa halos dalawang linggong iyon ay hindi ko na rin muling nakausap o nakita pa si Matthew mula nang makasama ko siya sa mall. Gusto ko man sana siyang tawagan o bisitahin sa restaurant ay hindi ko magawa, sa kadahilanan na rin na busy ako at hindi ko alam kung papaano ko siya kakausapin kung nagkataon na nagkita kami. Lagi ko

