Matapos mag-walk ni Matthew ay mas lalong natahimik ang paligid ko. Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Drew habang nakatingin sa’kin. Kaya napatingin naman ako kay Kuya Andy na nasa video call pa rin at nagtataka kung sa anong nangyayari sa’min dito. “May problema ba?” tanong ni Kuya Andy. “A-Ah w-wala. Ano ka ba naman, wa’g mo nga akong tawagin ng kung ano-ano,” pagsita ko sa kan’ya. “Ba’t ba? Ano naman kung tawagin kita no’n? My loves?” sabi pa niya. “W-Wa’g nga, Kuya Andy. At isa pa, ‘di ba nag-usap na tayo tungkol dito?” pagpapaalala ko sa kan’ya sa pag-uusap namin no’ng bumisita ako sa probinsya. “Oo na wa’g mo nang ipamukha sa’kin, ito naman ang seryoso mo. ‘Di ka na mabiro,” natatawang sabi niya pero may bahid na lungkot ang mukha niya. “Kumusta ka naman, d’yan? Buti nagki

