... Maya-maya ay biglang napasubsob na sa lamesa si Drew dahil sa sobrang kalasingan at pag-iyak niya. “Uy, ano knock-out ka na rin?” pagtatanong ko pa kahit obvious naman na. Napabuntong-hininga nalang ako at napagdesisyunang alalayan siya papunta do’n sa may kwarto ni Matthew. Napansin ko rin kasing basang-basa yo’ng sofa dahil sa mga natapong alak do’n kaya doon ko nalang siya patutulugin. “Oy, gumising ka muna saglit. Alalayan na muna kita papunta dun sa may kuwarto,” paggising ko sa kan’ya. Sinubukan ko nang isabit yo’ng braso niya sa’kin bago siya puwersahang hilain. Napapatumba siya pero pansin kong medyo may malay pa siya kaya naman nakakatayo pa siya. Kahit na bigat na bigat na ako ay sinubukan ko pa ring alalayan siya patungo sa kuwarto. Naririnig ko rin na may mga sinasa

