Nagtinginan kami ni Matthew dahil sa request ni Liam na magpunta raw sa church. “You don’t want it po ba? It’s okay, I can just wait for my Mom and Dad here,” sabi ni Liam. Bigla naman akong nawili sa ka-kyutan ni Liam dahil na rin sa mahinhin niyang pagsasalita. Bigla tuloy akong nakonsensya nang maisip kong wa’g nang sundin ang request niya. Napatingin naman sa’kin si Matthew na mukhang hinihingi na yo’ng sagot ko sa request ng bata kaya napabuntong-hininga nalang ako. “Liam, sweetie? It’s not that we don’t want to go to church. Pero sige, para sa’yo we’ll go to church,” sabi ko kay Liam. Tila nagliwanag naman yo’ng mukha ni Liam sa narinig niya mula sa’kin. “Really? Thank you, Mama,” masigla niyang sabi at hinalikan pa ako sa pisngi. “Why do you call him ‘sweetie’? If that’s so,

