... “Hey, nakapasok na sila sa loob. Don’t hide your face anymore,” rinig kong sambit ni Matthew. Dahan-dahan kong itinaas ang mukha ko sa pagkakasubsob kay Matthew at sinisilip kung wala na nga ba sila. “Mama, what’s wrong?” nag-aalalang tanong sa’kin ni Liam. Pagkatingin ko sa bata ay bakas ang pag-aalala niya at medyo mangiyak-ngiyak din ang mga mata niya kaya naman ngumiti agad ako sa kan’ya. “Ayos lang ako. Wa’g ka nang mag-alala. Tara na sa amusement park,” masayang sambit ko sa kan’ya at kinurot nang mahina ang pisngi niya. Nagliwanag na naman ang mukha niya at mas lalong na-excite sa narinig niya. Bago pa man kami tuluyang makaalis ay napatingin ako sa loob ng restaurant at nakita kong nakaupo na sila ro’n. At hindi pa rin mawala ang kaba ko. Sana lang walang magsasalita sa

