… “Will you really let go of me and for what we’ve started?” Bigla naman akong natahimik at mas naiyak sa tanong niya. Kaya ko naman, ‘di ba? Dahil kung tutuusin ilang buwan lang naman kaming magkakilala at ‘di pa namin lubos kilala ang isa’t isa. Pero kahit papaano ay naging mas malalim na rin ang naging samahan namin. Gusto ko pang kumapit pero at the same time, gusto ko ring bumitaw dahil ayoko lang lumala ang sitwasyon namin lalo na sa mga magulang namin. Natatakot din ako na baka may mga maapektuhan pang iba dahil sa mga pagpapanggap naming ‘to. “Answer me, Aiden. Are you willing to stop this b*llsh*t between us just because of that man’s threat?” malamig na namang tanong ni Matthew. Napansin ko namang pinagtitinginan kami ng mangilan-ngilan na tao rito sa park. “Yeah there’s

