“Oy bessy! Earth ‘to! Ano bang problema at kanina ka pa nakatulala d’yan?” Napabalik ako sa wisyo nang magsalita ng malakas si Gabby ko. “Wala ‘to. Iniisip ko lang yo’ng quiz ko kanina parang mali kasi ang pagwawasto no’ng sa akin,” pagdadahilan ko. “Talaga ba? Umayos ka na nga dahil malapit na tayo sa restaurant,” sabi ni Gabby at tumango naman ako. Napapaisip pa rin kasi sa’kin yo’ng larawang nakita ko sa box ni Ate Jasmine at pati na rin sa naging pag-uusap namin ng Daddy ni Matthew kahapon. Hindi kasi yo’n mawala sa isip ko at medyo nakakaramdam din ako ng kaba sa maaaring mangyari. Kasalukuyan naman kaming papunta palang sa trabaho namin nila Gabby at Nico. Katatapos lang ng mga klase namin ngayong araw. At dahil biyernes, gabi na naman kami makakauwi. “Are you really okay? It s

