“Ano naman ginagawa natin dito huh, BES?!” “Ano pa ba? Eh di dito tayo maghahanap ng babaeng para sa'yo.” “Sa bar? Hindi pangmatagalan ang mga babae rito,” protesta ni Miguel kay Yolanda. Pero mukhang ayaw magpaawat ng babae. Tila ito si Dora the Explorer dahil naka-backpack pa. Natatawa na lang sya sa kakrung-krungan ni Yolanda. “Ayaw mo ba ng pak girl? Yung mga naglalakihang boobs, ganern?” “Anong pak girl? Baka f**k girl. Nagmamagaling. Ayoko ng mga ganon. Gusto ko yung simple lang pero maganda. Di maarte at sexy kahit di magdamit ng pang-sexy.” Habang sinasabi nya iyon kay Yolanda ay malaya nyang pinagmasdan ang nakatalikod na babaeng kanina pa titingka-tingkayad dahil sa pagsilip sa mga nangyayari sa loob ng bar. May live band kasi kaya nakapila pa rin sila ng

