“…Tulala ka, sis...May problema?...” Itinaas ni Yolanda ang hawak na bilog na salamin. Katabi nya sa higaan si Amethyst. “Nagtanong ka pa. Malamang iniisip ko kung paano bibigyan ng love life ang ex mo.” “…Hmmm…Eh di magreto ka sa kanya ng mga girls na kilala mo...O kaya ihanap mo sya sa FB...” “As if namang mapapayag ang Miguelito mo! Ayon nga at di pa rin maka-move on sa'yo, ireto pa kaya sa iba.” “…Kuhain mo muna ang loob nya, sis…I blackmail mo kung kinakailangan...Maymga alam akong sikreto nya na ayaw na ayaw nyang malaman ng iba...Pwede mong magamit sa kanya yun…ahihihi...” Bigla syang nagka-interest sa sinabi ng kaluluwa. “Ay talaga? Tulad ng ano?” “…Takot sya sa ipis...ahihi...” “Pota, yun na yun? Kahit naman ako takot sa ipis eh,” sabay irap nya.

