“Good morning! Kain na, Yols. Nangialam na ko sa mga stocks mo huh. Tagal mo kasi gumising eh.”
Zombie mode ang drama ni Yolanda. Tulala syang naupo sa harap ng mesa kung saan nakatalatag ang mga niluto ng kaibigan galing sa kanyang stocks. Sinangag, tuyo, itlog na maalat, pandesal at kape. Lahat masarap, pero wala syang gana.
Magdamag syang hindi nakatulog. Kahit saang salamin o bagay na may repleksyon sya tumingin ay nakikita nya ang babaeng hanggang ngayon ay hindi nya pa rin kilala. Nang makauwi sila ni Kring ng bahay, matapos nyang maligo ay sandali syang napatulala. Saka lamang tumimo sa kanyang isip ang nangyari sa comfort room. Hindi na sya nahinto sa pag-iisip. Paanong nakayanan nyang makipag-usap sa isang kaluluwa, maihi sa pantalon, at nakuha pa nyang makipag-kasundo rito?
Natawa si Yolanda.
“Y-Yols, kinakabahan na ko sayo ah. Matulog o magising ako kagabi, nakaupo ka lang sa gilid ng kama. Nagdra-drugs ka ba huh? Yung totoo.”
Nabaling ang tingin nya sa mukha ng kaibigan. Mukhang hindi ito nagbibiro sa sinabing kaba sa kanya. Maputla kasi ito at nanlalaki ang mga mata. Muli syang natawa. Napatindig naman ng tayo ang kaibigan at umatras ng dalawang hakbang.
“Yols, naman! Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin huh? Gulo-gulo buhok mo, ang putla ng labi mo, at yung mga mata mo, namumula yung mga ugat, tapos nangingitim pa ang mga eyebags mo!”
“Ayokong manalamin kasi… kasi sya na naman ang makikita ko.”
Mabilis na nakalapit sa kanya si Kring at lumuhod sa kanyang gilid.
“Sino Yols? Sino?” kabadong tanong nito.
“Sya,” turo nya sa orasan. Nang mapatingin kasi sya roon ay nakita nya ang repleksyon. Sa likod nya ay nakatayo ang babaeng nakaputi.
Nilingon ni Kring ang orasan. Nang magbaling ng mukha ang kaibigan sa kanya ay may nakasungaw nang luha sa mga mata nito.
“Yols, praning ka na.”
Naluha na rin sya. “Feeling ko Kring, nababaliw na ko,” mahina nyang sabi sa kaibigan.
“Wag mo sabihin yan, Yols. Kumain ka na at bumalik tayo kay Lola Nimpa. Sasamahan ulit kita.”
Nasapo na lamang ni Yolanda ang kanyang mukha at hindi na napigilang humagulgol.
>>>>
Napabuntong -hininga si Amethyst. Ang buong akala nya ay maayos na ang lahat sa kanila ng babaeng nagngangalang Yolanda. Hindi pala. Tumalikod na sya nang makita ang paghagulgol ng babae. Nahihirapan ito, sigurado sya ron. Magdamag nyang binantayan si Yolanda, naghihintay na kausapin sya ulit nito. Ngunit sa tuwing makikita sya ng babae ay nag-iiwas ito ng tingin. Hindi ito natulog magdamag at mukhang malalim lang ang iniisip.
Tumagos si Yolanda sa pader at napadpad sa sala ng kanyang bahay. Naroon si Miguel, tulala sa telebisyong nakapatay at may hawak na bote ng alak.
“…Ang aga nyan, baby, ah!...” puna nya rito, kahit pa hindi naman sya nakikita at naririnig ng lalaki. Naupo sya sa tabi nito. Matagal na pinagmasdan ang lalaki na tila napaglipasan na ng panahon.
Tumunog ang telepono sa coffee table na nasa harapan lang nito.
“Ma.”
“…Hello, Ma... I miss you…” singit ni Amethyst, kahit di naman sya narininig.
“May kasama ka ba dyan, iho?”
“Wish ko lang nandito sya. Bakit kayo napatawag, Ma?”
Sumandal si Miguel sa sofa. Sumandal din si Ame at inihilig ang ulo sa balikat ng asawang tila pagod na pagod. Bakas ang kalungkutan, di lang sa mukha ng lalaki, kundi pati rin sa boses at bawat buntong-hininga nito.
“Iho, sobrang worried na kami ng Papa mo sa'yo. Move on, son. It's been years since Amethyst --”
“Ma, bakit po kayo napatawag?”
Kita ni Ame kung paano nagdilim ang mukha ni Miguel. Kumuyom din ang isang kamay nito. Basta ganon ang lalaki ay nagpipigil na ito ng galit.
Bumuntong-hininga ang matanda sa kabilang linya, patunay na sumuko na sa pagkukumbinsi sa anak na hanggang ngayon ay nagluluksa pa rin.
“Miguel, hindi mo na kami dinadalaw ng Papa mo. Napag-isip-isip namin na bumalik na lamang ng States… since hindi mo naman na kami naaalala.”
Napapikit nang mariin ang lalaki nang marinig ang hikbi ng matanda. Kahit si Ame ay namigat din ang pakiramdam. “I'm sorry, Ma. Pupuntahan ko kayo dyan ngayon. Mag-aayos lang ako ng gamit.”
Gumuhit ang ngiti sa labi ni Amethyst. Masaya sya dahil sa wakas ay naisipan na ni Miguel na lumuwas sa mga magulang. Kung sakaling sumaya doon ang lalaki at makakilala na ng bagong babaeng mamahalin ay makakahinga na sya ng maluwag. Hindi na rin nya gagambalain pa si Yolanda.
“Talaga, iho? Oh sya sige, ipagluluto kita ng mga paborito mo! At saka, Miguel, ano kaya kung sumama ka na samin ng Papa mo sa States?”
“Ma… I'll think about it. Okay? Sige na, tawag na lang ako kapag papunta na ko dyan.”
“Pag-isipan mo, iho. Sige. Mag-ingat ka sa pagmamaneho.”
Pagkapatay ng telepono ay basta na lamang iyon initsa ni Miguel sa sofa. Napailag si Amethyst.
“…Muntik na ko don, baby…” Natatawa si Amethyst sa sarili. As if namang masasaktan sya kapag tinamaan sya ng phone, eh tatagos lang naman yon sa katawan nya.
Tumayo na rin sya at sumunod sa lalaking tumungo na ng kwarto. Nadatnan nya itong nakatalikod at naghahalungkat ng damit sa closet. Napasimangot sya nang makitang parang hinalukay na naman ng manok ang damitan ng lalaki. Di nya tuloy maiwasang alalahanin ang nakaraan, noong masaya pa syang nabubuhay sa piling ni Miguel...
>>>>
“Tsk! Baby, naman! Katitiklop ko lang ng mga damit mo nong isang araw. Bakit mukhang kinahig na naman yan?!” inis na sabi ni Amethyst kay Miguel. Iyon ang isa sa mga ugali ni Miguel na ikinaiinis nya. May pagkamakalat ang asawa, at burara.
Hinawi nya ito at napasandal ang lalaki sa pinto ng damitan. Hubad baro ang asawa at tanging brief lang ang suot.
“Nakakainis ka talaga. Naka-arrange na nga 'tong mga damit mo eh, mula sa T-shirt, sando at short ayon sa kulay. Tapos ngayon nakakai --” Nahinto si Amethyst sa pagsesermon sa asawa nang yumakap ito sa kanya mula sa likuran. Humalik-halik si Miguel sa kanyang balikat habang marahang ibinababa ang strap ng kanyang manipis na nighties. Napahugot sya ng hininga nang sapuhin ni Miguel ang kanyang dibdib at madama nya ang matigas na bagay na bumubundol sa kanyang pang-upo.
“Sorry na, baby…”
“Miguel… a-aalis ka d-di ba?” nauutal nyang sabi. Kung kanina ay ulo ang uminit kay Ame dahil sa damitan ni Miguel na mukang kinalaykay, ngayon ay buong katawan na nya ang nag-iinit sa katawan ni Miguel na walang damit!
Mabilis syang binuhat ng asawa at padapa silang bumagsak sa kama. Ang cover naman ng kama ang nagmukhang kinalaykay dahil sa ginawa nilang mag-asawa.
>>>>
“Are you sure of this, Ms. Rancho? Mahirap nang makahanap ng trabaho ngayon. Besides, isa ka sa mga magagaling na empleyado ng kompanyang ito. Baka naman nabibigla ka lang.”
Nagbaba ng tingin si Yolanda. Ilang araw na nyang pinag-iisipan ang pagreresign sa kanyang trabaho. Hindi na kasi sya makapag-focus. Palagi syang tulala, at minsan naman ay matatawa na lamang at maluluha, na napapansin na ng kanyang mga katrabaho. Kaya bago pa sya mawalan ng ulirat sa opisina at masaksihan ng mga mahaderang insecure sa kanya ay mabuti pang mag-resign na sya.
“Yes Sir.”
“Ang dahilan mo dito sa resignation letter mo ay dahil sa health condition? If don’t mind, Ms. Rancho, totoo ba ang mga balita na may something ka na?” dire-diretsong tanong ng kanyang boss.
Nangsalubong ang mga kilay ni Yolanda. Loko ‘to ah. Gwapo sana, kaso tsismoso!
“Ang harsh naman ng may something, Sir. Hindi po ba pwedeng kailangan kong magpalakas?”
“Para saan?”
Tsismoso talaga. “Para sa isang laban na ako lang ang nakakaalam,” sabay tayo ni Yolanda. Bahala na ang boss nya kung isipin nitong nababaliw nga sya.
Pagbibigyan nya ang babaeng ayaw syang tigilan. Kung bakit naman kasi ganon na lamang ang nararamdaman nya sa tuwing makikita ang malungkot na ekspresyon ng kaluluwang yon. Naaawa sya rito na ewan. Kung sya lamang ang paraan upang tuluyan na itong makaakyat sa langit ay tatanggapin na lamang nya ang kapalaran. Pero sana naman ay ito na ang una at huling kaluluwa na mangangailangan ng tulong nya.
Ilang araw ding pinagdudahan ni Yolanda ang kanyang sarili. Ilang beses nyang nasabi sa sarili na nababaliw na nga sya. Pero sa kabila non ay alam nya sa sarili na matino at nagpa-function nang maayos ang utak nya.
Pumasok sya sa CR, siniguro munang sya lamang ang tao roon. Isa-isa nyang binuksan ang mga pinto upang matiyak, saka sya humarap sa salamin.
“Girl? White lady? Sis or whatever, magpakita ka na. Tara, usap tayo.” Ginaya pa nya ang tono ni Boy Abunda.
“…Hello!...”
“Ay put -- magparamdam ka naman muna bago ka lumabas!” hawak ni Yolanda ang kanyang dibdib sa pagkagulat. Bigla na lamang kasi nagpakita ang babae. Hindi lang yon, nakabaliktad pa ito na tila nakabitin ang mga paa.
“…Na-miss kita, sis… Bakit ngayon mo lang ako kinausap ulit?...” Lumabi pa ito na animo ay batang nagtatampo.
“Tss! Pabebeng multo. Alam mo naman na siguro na wala na akong trabaho noh? Kanina pa kita nakikita eh. Kahit sa eyeglass ng boss ko nakikita kita.” Humagikgik ang nakabaliktad pa rin na babae. “Pumapayag na ko na tulungan ka. Pero bago yun, ano munang pangalan mo?”
“…Akala ko hindi mo na maiisipang itanong ang name ko…” muling humakgik ang babaee. Maya-maya pa ay umayos na ito, nagpaikot-ikot at iwinasiwas ang kahabaan ng damit bago dumipa at nag-pose.
“Buang na multo,” bulong nya.
“…Ako si Amethyst, ang pinakamagandang multo sa balat ng lupa!...”
“Hanep, may intro pa. Ako si Yolanda.”
“…I know! Friends?...” nilahad nito ang kamay. At dahil nakatalikod sya rito dahil nakikita nya lamang ang buong anyo ng babae sa repleksyon ng kahit anong bagay, itinutok nya ang kamay sa kanyang likod para makipag-shake hands.
Lumagpas lang ang kamay ni Amethyst sa kamay nya. Nagkangitian sila.
Friendly ghost huh. Bakit parang bigla syang na-excite?
Itutuloy…
Please Like and Follow <3