Chapter 42 *Saycie* Nagising ako dahil sa biglaang pagsakit ng balakang at puson ko. Bumangon ako para tumungo sa banyo para umihi. Pagtayo ko sa bowl ay nakita ko agad ang dugo doon! Naalarma ako. Sumasakit pa rin ang balakang ko at puson. Sumasabay na ang sakit sa tiyan ko. Hilab na ba ‘to? Ang sabi ni Ate ay kapag naramdaman ko raw na humihilab na at para akong matat*e, sign na raw ‘yon na manganganak na. Ang sabi niya rin ay grabe daw ang sakit kapag labor na. Hindi pa naman masakit at kaya ko pa naman. Baka hindi pa ready si baby lumabas. Imbes na mag-panic ay inihanda ko ang mga hospital bag namin ni baby. Tinitignan ko kung kumpleto na ba lahat o may kulang pa. Para kung manganganak na talaga ako ay handa na lahat. Habang inaayos ang mga gamit ay napangiwi ako sa sakit. Huminga

