Chapter 41 - Stone heart

2240 Words

Chapter 41 *Zack* Maaga akong nagising tulad ng kinagawian. Wala namang bago. Hindi ko na alam kung papaano pa haharapin ang bawat umagang hindi siya nakikita. Hindi nayayakap at hindi nakakasama. Paano ko pa pipilitin ang sariling maniwala na babalik at uuwi siya sa’kin? Kung minsan ay gusto ko na rin sumuko. Gusto ko na rin mawalan ng pag-asa para hindi na kumirot ang puso ko bawat balik ng imahe niya sa isip ko. Hindi ko na rin makilala ang sarili sa loob ng siyam na buwan. Puro school at trabaho na lang ako araw-araw. At kapag tuwing uuwi ako ay, mabigat na naman ang aking pakiramdam. Dahil wala namang pinagbago, hindi pa rin siya umuuwi. Lahat kami ay naghihintay. Marami na rin ang nakapagsabing baka patay na siya. Masakit isipin at tanggapin kaya hindi kami naniniwala. We believe

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD