Kabanata 5

2054 Words
Ang sabi ng mga De Realista, kung may umaaligid daw sa amin dito at hindi kaaya-aya ang ikinikilos, huwag kaming magdadalawang-isip na magsabi. They can never tolerate indecency, lalo na rito sa loob ng kanilang nasasakupan! Pero para sa ‘kin, wala namang ganoon dito. Ang tagal na naming nagpupunta rito at namamalagi nina Anwen, pero wala naman kaming nakasagupang ganoon. In fact, the people here are respectful and disciplined. Alam din naman iyon nina Daddy kaya nga pinapayagan na rin kami ni Ate Ellie na pumunta rito sa lupain ng mga De Realista. Si Mommy na lang din ang medyo praning, pero naiintindihan naman namin ‘yon. “Magandang tanghali po, Aling Ruby,” ngiti ko agad sa mama ni Nova pagkarating ko sa mesa kung saan naaabot ng lilim ng mangga. “Oh, Lace, narito ka?! Hindi ba’t Sabado ngayon?” pagtatanong ni Aling Ruby na tila nagmamadali na rin. Mukhang tapos na siya sa inaasikaso rito plantasyon. Naabutan ko nga siyang nag-aayos na ng mga eco bag na madalas niyang dala-dala. “Ah, opo… may usapan po ulit kami nina Nova, eh, ngayong hapon.” “Naku! Eh, aalis kami ni Nova, Lace? May pupuntahan kami sa bayan. Hindi niya pa nasabi sa ‘yo?” sabi ni Aling Ruby at tila nagmamadali na nga. Napanguso ako nang kaunti, naalala ang ganoon ding tagpo kina Anwen. Nagyaya sila ng group study roon pero may mga lakad pala sila. Ngayon naman, si Nova ang wala! Si Anwen naman kaya? “Baka nag-message po si Nova, i-check ko na lang din po, pero ayos na rin naman po ako rito…” “O, siya, sige! Pasensya ka na’t nagmamadali ako, ah? May oras lang din kasi ang pila roon sa barangay at malapit na ang tanghalian!” sabi ni Aling Ruby na ikinatango ko agad. “Ingat po kayo.” Tumango itong muli at hindi na nga rin nagtagal. May ilan pa namang mga trabahador ang narito, pero sa gawi ng kamalig ay wala na dahil nga kaaalis lang din ni Aling Ruby. Siguro maaga na rin nilang natapos. Malinis na ang mesa kaya pinatong ko na agad ang dalang dalawang libro, kaso lang ay naiihi ako dahil naglakad lang patungo rito! May mga banyo naman kaso ay malalayo pa. Kailangan ko pang maglakad ulit. Nagsimula na ako sa paghakbang, naiisip ko nga rin na roon na lang mismo sa bahay ng mga De Realista umihi! Kaya iyon ang direksyon na aking tinahak. Sa gilid lang ako dumaraan dahil maputik ang lupa. Siguro umulan kagabi. Hindi kalayuan mula sa kamalig ay mayroong lumang kubo. May luma ring banyo roon sa pagkakaalam ko dahil minsan, naiisip namin nina Anwen na roon na lang umihi kaysa ang maglakad pa nang malayo patungo sa bahay ng mga De Realista! Kaso lang, natatakot kami dahil nga halos kadikit na ‘yon ng mga puno. Kapag umihi rin doon, posibleng masilipan dahil nga luma na ang banyo at may mga sira na. Pero ngayon, wala namang tao! I considered the idea. Maaga pa naman at maliwanag kaya hindi uubra ang takot sa multo o mga ‘di pangkaraniwang nilalang. Hindi pa ako tuluyang nakakalapit sa mismong banyo, creepy na para sa ‘kin ang mga dahon ng puno na siyang makikita kapag tumingala mula sa loob ng cubicle! Nilingon ko pa ang bahay ng mga De Realista, nagdadalawang-isip kung doon ba o rito na lang talaga! Dito na, Lace. Baka maiyak ka pa sa kakapigil ng ihi at sa panty ko pa mailabas! Kaya dali-dali na akong pumunta sa iniiwasan naming banyo rito, pero tila umatras nang kusa ang aking ihi nang may narinig na kung ano. At first, the low sounds made me tremble. Nanindig ang balahibo ko sa pag-iisip ng nakakakilabot na mga bagay at katatakutan. Handa na akong tumakbo at umatras dahil sa takot. Napatili pa kasi ako nang mahina! Ngunit bago ko pa ‘yon magawa ay tila nagbabago ang tinig na naririnig. Mahina pa rin pero para bang—p-parang hindi multo! “A-Ano ba! Baka may tao!” isang boses ng babae na tila nanghihina. My eyes widened. Napatakip ako sa aking bibig at nanlamig nang husto, natulala ako. “Mayaman lang siya pero hindi mo naman talaga siya gusto!” isang mahina ngunit mariing boses. Ilang beses akong kumurap para labanan ang matinding kaba. Hindi ko alam kung bakit sa halip na tumakbo paalis tulad ng dapat na ginagawa sa mga horror movie, tila naging tangang bida rin ako na nanatili roon upang alamin ang nangyayari! “T-Tumigil ka na! I told you to stop this! I don’t want to be involved in this anymore!” Nagtatalo ang mga boses na iyon. Namilog ang mga mata ko. Pumikit ako at iniling ang ideya! Why does it sound like Ate… like Ate Ellie’s voice? I refused to believe that. Maaari namang magkakaboses ang mga tao. Yes, that could happen. Because there’s no way this is Ate Ellie! “Pero gustong-gusto mo naman ang halik ko, Ellie. Aminin mong ako ang mahal mo at hindi si—” “Shut up now! Oh, God… that feels so g-good! Oh!” Sa gulat at pagkagimbal, muntik na akong bumagsak sa lupa. Napatukod na lang ako ngunit dahil sa mga tuyong dahon ay lumikha nga iyon ng ingay! Kasunod niyon ay ang mahinang tili ng pamilyar na boses. Mabibigat ang kanilang paghinga at base sa narinig na ingay bago makarating doon, hindi ko maipaliwanag kung paano ko ilalarawan ang nangyari! “Sh*t! I’m really gonna k*ll you, Gelo!” pasigaw na bulong ng pilit ko pa ring tinatanggi na boses! Halos takpan ko pa ang aking tenga dahil malinaw naman kung sino ‘yon pero ayaw pa ring tanggapin ng pandinig ko! Hindi ko na alam kung paano ko nadala ang sarili kong mga paa mula sa halos pagkasalampak sa lupa. Mabilis akong kumilos at nagtago sa likod ng katawan ng puno! The cubicle’s door swung open. Nagmamadaling lumabas ang naroon at luminga sa paligid. She looks distressed trying to fix herself. “Hangin lang ‘yon.” “Huwag ka nang magpakita sa ‘kin!” sigaw ni Ate Ellie na nakita ko nang sumilip akong bahagya sa puno. Tinulak niya ang damit sa dibdib ng kaharap. Pagtapos ay luminga siya ulit at nagmamadali nang umalis pabalik sa bahay ng mga De Realista. Ramdam ko ang panghihina ng aking buong katawan sa gulat. Halos tulala ako at naging tuod na yata! Nahigit ko ang aking paghinga at hindi lubos maiproseso ang aking nasaksihan. It’s Ate Ellie! Gustuhin ko mang sumilip ulit upang alamin kung sinong kausap ni Ate Ellie roon at kasama sa tagong banyo na iyon ay hindi ko na magawa. It took me a few minutes, bago ko nagawang sumilip ulit at lumabas sa pinagtataguang puno. Halos tulala ako at nakalimutan ko na rin ang pantog ko. I-It can’t be Ate Ellie and someone else, right? Siguradong iyon ay walang iba kundi si Kuya Lovian! Dahil sa pagkatulala sa nangyari, hindi na ako tumuloy sa kahit anong banyo. Gusto ko na lang umalis at umuwi! Kaya pagbalik sa gawi ng kamalig ay nagmamadali ko nang niligpit ang aking mga gamit! Magme-message na lang din ako kina Anwen! “Senyorita Lace…” Napasinghap ako at halos takasan ng tili. Nilingon ko agad ang nagsalita at nakita si Angelo! Hindi ko alam kung saan siya galing, pero nakita ko ang madalas niyang dala-dalang cart na may lamang mga sako at mukhang nililipat sa kamalig! “Pauwi ka na?” Halos ngayon ko lang narinig ang boses ng pamangkin ni Tatang Isidro, sumabay pa ang walang humpay na pintig ng aking puso. Para sasabog na nga ito at nabibingi na ako! “Oo, uh, u-una na ako,” tila hinahabol ng kabayo kong sinabi habang niyakap ang mga libro ko at mabibilis ang hakbang na nilisan ang kamalig. Halos tumakbo ako at pinikit ang mga mata. Hindi ko rin alam kung bakit bumigat ang pakiramdam ko. Wala na rin sa isip ko ang mga hakbang ko. Parang naiwan pa ang isip ko sa nasaksihan doon sa banyo! Ni hindi ko na rin namalayan ang sumunod na tingin ni Angelo na hindi ko nga alam na nandoon pala! Patakbo kong tinahak ang daan, kahit nagkapatid-patid pa ako! Ngunit nang narating ang gitna hindi pa kalayuan sa kamalig at doon sa banyo, narinig ko na ang paparating na mga yabag ng kabayo. My heart raced like the horse who was then approaching my direction! Hanggang sa huminto iyon nang nakarating malapit sa akin pero dahil sa hirap na hirap sa pagtakbo sa putikan, halos hindi ako makalayo kahit huminto na iyong kabayo. “Lace?” isang baritonong boses na may pagtataka. Hindi ko pa man iyon nililingon, alam ko na agad na nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay ng nagmamay-ari niyon, kaya nang inangat ko ang paningin ko ay hindi nga ako bigo! But then, I was shocked to see who it was! My lips parted. Sa gulat, nagawa kong matulala. “What’s the matter? Para kang nakakita ng multo,” malamig na sabi ni… Kuya Lovian! Huh?! B-Bakit siya nandito? Paano nangyari ‘yon?! H-Hindi ba’t nandoon lang siya sa… Agad akong napa-sign of the cross. I uttered a prayer with my pale lips. Umangat ang mga kilay ni Kuya Lovian, he bit his lower lip and his jaw ticked a bit trying to suppress an amused smile. “Kuya Lovian?” takot at gulat kong tanong. Namamalikmata ba ako? Nananaginip? Nakuha ba ako ng engkanto sa mga puno?! “Yeah? It’s me, Lace. What’s wrong?” tanong niya ulit na sumeryoso at nilingon pa ang aking pinanggalingan. “Bakit ka tumatakbo?” Hindi ako nananaginip! Totoong nakasakay sa kabayo si Kuya Lovian, tulad ng palagian. Namana niya iyon sa ama na mahilig ding mangabayo. He’s always seen around on top of his horse. Bilang kilalang haciendero, maraming humahanga sa kaniya! Gulong-gulo pa rin ako. Hindi ba’t nandoon lamang siya sa banyo kasama si Ate Ellie? Kaya paanong narito ito at sakay ng kabayo?! “Nakita mo ba si Ellie?” pagtatanong niya. Umiling agad ako sa aking namutlang mga labi. “B-Bakit n’yo po hinahanap si Ate Ellie? Hindi ba’t magkasama kayo?” tila pang-horror kong tanong. Yakap-yakap ko na ang aking libro habang napapatingala na lang sa taas ng kabayo at matangkad pa si Kuya Lovian. His face remained serious. He searched for my eyes just to raise his brows. “Umalis siya sandali. Hinahanap ko at baka naligaw. It’s been half an hour since she left the house,” sabi ni Kuya Lovian saka tiningnan ulit ang paligid. Sa takot na may makita rin siya roon sa lumang banyo, nagawa kong magsalita! “Baka umuwi na po? U-Umuwi na yata si Ate Ellie!” nauutal kong sinabi. Sa seryosong ekspresyon ay tumango lamang si Kuya Lovian. “Kung ganoon, I should send you home, too. Mukhang pauwi ka na rin,” sabi niya at saka bumaba sa ibabaw ng kabayo na walang kahirap-hirap. Tatanggi na sana ako pero ang isip ko ay lutang pa, iniisip pa rin iyong nasaksihan sa banyo, ang narinig na mga halinghing, ang pagtatalo. At hindi ako maaaring magkamali. I-It’s my sister! It’s Ate Ellie! Kung ganoon, s-sino ang lalaking kausap niya? “Hindi na po. M-Maglalakad na lang ako!” “Sumakay ka na. Palabas na rin ako sa mansyon. Madadaanan ko ang malapit sa inyo.” “P-Pero—” “It’s going to rain again anytime soon,” seryosong sabi niya. At kahit ganoon, kahit seryoso, malamig, at malalim ang boses niya, parang may kung anong mahika na napakaganda nito sa pandinig. Pumait ang lalamunan ko. Nilunok ko na lang ang tila bara sa aking lalamunan habang nagtama ang paningin namin ni Kuya Lovian. Wala naman iyong malisya sa kaniya. He does it casually! Kaya hindi ko rin maintindihan ang kakaibang kabog ng aking damdamin kapag nariyan siya, kapag malapit siya, parang mauubusan ako ng hangin… Kuya Lovian is so tall and it’s making me dizzy. Gusto kong tumakbo palayo sa kaniya, hanggang sa pinakamalayong aking maaabot at hindi na lilingon ulit kailanman, pero sa hina ng mga tuhod ko ngayon, I don’t think I can even take a single step away from him…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD