Kabanata 4

2289 Words
“Siguraduhin mo lang na wala kang nakakahiyang gagawin, ah?” Ang may pagkairitang sinabi ni Ate Ellie pagbaba namin ng sasakyan. Nalipat ang tingin ko sa kaniya mula sa paglinga sa lupain. Hinahawi ni Ate Ellie ang kaniyang buhok at inayos ang damit, habang buhat-buhat ko ang kakanin na dala ni Mommy para sa mga De Realista. “Wala namang magagawa roon, Ate,” I said with a sigh, at sinara na rin ang pinto ng sasakyan. Bumaba na rin sina Mommy at Daddy. Pareho agad silang nakangiti lalo na si Daddy kahit pa si Tatang Isidro pa lang ang kaniyang makita na nasa gawi ng halamanan. Matalim ang tingin ni Ate Ellie sa akin. She’s still so pissed about the pocketbooks. I don’t even know why it affected her so much. Naiintindihan ko naman ang kaniyang punto pero minsan ay hindi ko rin mapigilang maisip na may point din sina Anwen. Bumuntonghininga na lang ako. “I can’t help but think na sa sobrang kaadikan mo sa mga kalaswaan, one day you will steal those books! Just so you can read for your pleasure.” Napatda ako sa kaniyang sinabi. Kulang na lang ay mapaawang ang labi ko at medyo hindi makapaniwala kay Ate Ellie. Umirap siya at nagmartsa na palagpas sa akin. Napanguso na lang ako at hindi maiwasan ang pagbagsak ng balikat, habang sina Mommy at Daddy ay ngiting-ngiti. Paglingon sa entrada, nandoon na pala ang mga De Realista, nakangiting sumalubong lalo na si Ma’am Nerissa. “Attorney,” may galak sa tinig na bati ni Don Leocadio. Nagbeso rin sina Mommy at Ma’am Nerissa. Minsan, nakukuha ko rin ang point ng mga trabahador sa plantasyon, on why they call me senyorita. Ate Ellie is fine with that. She actually likes it when someone addresses her that way. Hindi lang kasi tungkol sa estado ang may respeto nilang pagtingin sa amin. Perhaps, it’s because of my dad’s good reputation as well. He earned it through being a good lawyer. Ganoon din kay Mommy na isang mabuting maybahay. At siguro na rin, dahil kahit papaano kumpara sa ibang mga taga-Montel del Viento, kami ang malapit sa pamilyang ito. “It’s been a while, Attorney. I’m glad you found time!” sabi ni Don Leocadio. “Ako dapat ang magpasalamat sa iyo, Leocadio. At alam ninyo naman, mahirap tanggihan ang maybahay,” biro pa ni Daddy. Nasa doorstep na sila habang si Ate Ellie naman ay dumiretso na sa malaking pintuan ng bahay. Nakita ko na ang pigura ni Kuya Lovian na kasusunod lamang. “I’m really glad napaunlakan ninyo ang imbitasyon. Come on in!” agad na pagpapatuloy ni Ma’am Nerissa pagtapos nilang magbatian doon. Nag-uusap-usap pa sila bago pumasok sa loob. Pasunod na ako pero dahil pinauna na sila at nahuli sa lakad, napansin pa siguro ako ni Ma’am Nerissa. “Lace! Halika na sa loob,” magaan nitong paanyaya. Napalingon pa ulit sa gawi ko sina Mommy at Daddy. Mom called me, too. Ngumiti lang ako at tumango. “Susunod po ako,” sabi ko agad kaya tumango sila at nauna na sa loob. Ate Ellie shook her head, at kahit naman kasi mabait si Ate Ellie, hindi ko rin talaga maitatanggi na may pagkamaldita ito. She’s also kind of perfectionist. She has a very clear vision of what she wants, at iyon ay gusto niyang nasusunod. Pumasok na sila sa loob. Sumunod na rin ako agad dala-dala ang bilao ng kakanin na ginawa ni Mommy. Biglaan lang din talaga ang imbitasyon nina Ma’am Nerissa para sa dinner. Ang totoo ay na-stress pa si Mommy sa kakaisip kung anong maaaring dalhin, because she didn’t want to come empty-handed. “Salamat po, Manang,” ngiti ko sa kasambahay nang kunin nito ang aking dala at ito na ang presinta na maghatid doon sa hapag. “Kayo talaga, Senyorita. Maupo na kayo,” naiiling nitong inalok at natawa sa pagkapormal ko. I smiled shyly. Senyorita again! “Manang Dolores… Lace lang po.” Hindi pa rin talaga ako sanay tuwing tinatawag na ganoon. “Masanay ka na kasi, Lace. Kung gusto ka nilang tawagin na senyorita’y may magagawa ka ba?” sabi ni Ate Ellie na nasa malapit lang pala! Napatingin ako sa kaniya. She’s wearing a cherry-printed babydoll dress. Bumagay iyon sa kaniya nang husto. Kahit may pagkamorena nang kaunti si Ate Ellie ay makinis na makinis siya. Maputi pa ring maituturing lalo’t pareho kaming laking-bahay at hindi kailangan magbabad sa initan. I must admit it. We grew up sheltered. Our parents worked hard so we can live comfortably. “Ayos naman na ako sa pangalan lang, Ate Ellie. Mas komportable ako roon.” Umirap ulit siya. Simula sa insidenteng iyon patungkol sa mga libro, parang lahat ng sinasabi ko ay hindi niya maiwasang mairita. “You’re such an ignorant,” iling niya. “Masanay ka na. Lalo na kapag kinasal na kami ni Lovian, lalo na tayong aangat, Lace… kaya tanggapin mo na ang mga palugod na tawag sa iyo.” Kinausap niya ako habang nauna na sa hapag ang mga matatanda. Nandoon na rin si Kuya Lovian na suot ang palagi nitong kalmado at seryosong ekspresyon. Mukhang nag-uusap-usap sila nina Don Leocadio at Daddy. “H-Huh? Bakit naman kasama ako, Ate… kung gusto mo ay wala namang problema, ikaw na lang.” Wala namang problema sa akin kung gusto ni Ate Ellie ang ganoon. I just don’t prefer it personally, and I feel closer to people if they just address me with my name! Mali ba iyon? “Bahala ka nga diyan,” sabi ni Ate at nagmartsa na rin patungo sa sala. Sumunod na rin naman ako para hindi na matawag pa at makaagaw ng atensyon. Ang ganda ng bahay ng mga De Realista. Nakapunta na ako rito sa mismong loob ng malaking bahay nila. Feels like a palace! Ang lalaki ng chandelier at ang grandiyosong hagdan ay tila ba ginawa para sa isang reyna at hari. “Salamat po,” sabi ko sa kasambahay nang bigyan ako nito ng pwesto. Maraming pinag-uusapan sina Mommy at Ma’am Nerissa, same with Don Leocadio, Daddy, and Kuya Lovian. Paminsan-minsan ay nakakasama rin doon si Ate Ellie. Tumatawa sila at tila nakakaaliw ang kwentuhan. Wala akong gaanong interes kaya kumain na lang ako at paminsan-minsan ay kausap si Manang Dolores na naghahain ng pagkain. Wala rin ‘to sa plano ko ngayong gabi. Kaya halos ang suot ko ay isang simpleng puting dress lang. Isinantabi pa muna ni Daddy ang sanay mga gagawin. Mom made time for this. Ganoon din si Ate Ellie na nag-effort pang maging presentable. Kaya hindi na ako nakahuma at sumama na lang din. Isa pa, hindi naman sa gusto naming paluguran ang mga De Realista, pero sa reputasyon at kabutihan nila, nakakahiya kung tatanggihan namin ang kanilang paanyaya. Inabala ko ang sarili sa pagkain. Ako na rin ang nagbukas ng kakanin para kainin na lang nila. Pinaghirapan pang pag-isipan at lutuin iyon ni Mommy kaya excited din akong matikman nila iyon lalo na ni Ma’am Nerissa dahil paborito niya. Kaso kalaunan, nagsalita ang babaeng De Realista. Inangat ko ang tingin habang nakaupo sa pinakagilid sa isang side ng hapag. “Ang lalaki na nga ng mga bata, Amelie… how old are you again, Ellie?” May ngiti sa mga labi ni Ma’am Nerissa. May galak na nagsalita si Ate Ellie. “I’m nineteen, Ma’am Nerissa. Si Lace naman ay seventeen.” “But she’s already turning eighteen this year… hindi ba, Lace?” baling ni Ma’am Nerissa sa akin. “Opo,” may tipid na ngiti kong sagot. “Hmm, may bago ka na naman palang debutante, Attorney. It must be challenging to have a daughter, lalo na sa puntong kailangan mo nang ipagkatiwala sa mapapangasawa nito at tiyaking mapupunta sa mabuting lalaki. Let alone having two…” sabi ni Don Leocadio. Nangiti lang kami ni Ate Ellie. Nagsalita si Daddy. “Tama ka riyan. Hindi nga naman madali. But I love my daughters. Hindi magtatagal, tulad ni Ellie, si Lace naman ang magkakanobyo’t mag-aasawa,” tila pagtatanaw agad ni Daddy sa nalalapit na hinaharap. Pero malayo pa naman iyon! In my case… “Futuristic ka talaga, Dad,” sabi ni Ate Ellie sabay ngisi. Nasa tabi niya si Kuya Lovian, habang katabi naman nito ang mama nitong si Ma’am Nerissa. At sa punong dulo ng upuan ay si Don Leocadio. Nasa tapat namin sila habang magkatabi kami ni Mommy. Sa kabilang dulo malapit kay Mommy ay si Daddy. “But Attorney is right. Para saan ba’t hindi magtatagal ay magiging isa rin ang ating pamilya,” pabiro pang sabi ni Don Leocadio. Ngumiti lang ang mga magulang namin ni Ate Ellie. Nakangiti rin siya habang kumakain pero tila may lalim ang isip. Nagtaka ako sa panandalian ngunit kalaunan, hinayaan na rin. “What age are you planning to get married, Lovian? Hindi magtatagal ay makakapagtapos na rin si Ellie. Perhaps you can start from there…” sabi ni Don Leocadio na tila may mga nais ipakahulugan. Everyone was waiting for Kuya Lovian’s answer, ngunit nangingiting nagsalita si Ma’am Nerissa at sinabayan iyon ng mahinang tawa. “Masiyado pang bata si Ellie para pag-usapan ang bagay na iyan. Let’s not make it uncomfortable for her.” Tumango naman si Don Leocadio pagtapos ng sandaling kibit-balikat, sang-ayon din naman sa punto ni Ma’am Nerissa. “Ayos lang, Ma’am Nerissa. I’m not uncomfortable. Besides, Lovian is already my boyfriend! It’s not new to us anymore,” agarang sagot ni Ate Ellie habang ngumiti at nilingon pa si Kuya Lovian. May sigla ang kaniyang boses. “Right, babe?” Hindi man direktang sabihin ng mga De Realista, lalo na si Don Leocadio, mukhang na-impress ang mga ito sa sagot ni Ate Ellie. Kuntento na sila roon. They didn’t even wait for Kuya Lovian’s response anymore. Ni hindi ko nga narinig kung may sinabi siya. Siguro ay dahil self-explanatory na rin. Bukod sa mas matanda siya kay Ate Ellie, siya ang lalaki. He will take the lead in the relationship and man up! Kampante naman sina Mommy at Daddy kaya legal sina Ate Ellie at Kuya Lovian. He is a De Realista and they are known for being loyal and faithful. Kaya I doubt he will waste Ate Ellie… parang wala sa dugo nila ang bagay na iyon! Mapababae o lalaki man ng pamilya, maganda ang reputasyon. They are the epitome of regal elegance. Even when it is inconvenient. “What about you, Lace? Siguro’y kaliwa’t kanan na ang mga manliligaw mo, lalo pa siguro kapag eighteen ka na!” muling sabi ni Ma’am Nerissa. Ngumiti ako sa kaniya. “Nasabi mo pa, Nerissa… mukhang mahihirapan din kami rito kay Lace,” sabi naman ni Mommy. “Is it true, hija? Kung may nanggugulo sa iyong taga-Montel del Viento na hindi mo naiibigan ang kilos o pakikipaglapit sa ‘yo, huwag kang magdalawang-isip na magsabi. Lalo na sa aming lupain at lagi ka pa namang narito,” sabi ni Don Leocadio na ikinatingin ko. I appreciate the concern, at alam ko namang wala ‘yong ibig ipakahulugang iba. Pero hindi ko maiwasang kabahan dahil hindi rin naman nagbibiro si Don Leocadio sa mga binitawang salita! “Wala naman po, Don,” magaan kong sagot. “For now,” isang baritonong boses na nakaagaw sa aming atensyon. Hinanap ko pa kung sino iyon dahil kasabay ay ang pag-angat ni Kuya Lovian sa baso ng tubig upang uminom. Napatingin ako sa kaniya. And for a very split second, our eyes met. Sa gulat ay hindi ako nakakurap. “You’re right, Jaxon! Napapansin ko nga rito kay Lace, agaw-atensyon siya. Kahit ang mga trabahador ay kailangan nating pagsabihan.” “She’s seventeen, Ma’am Nerissa. Surely, ‘di naman pagkakainteresan lalo na’t makakasuhan sila kung pakialaman nila si Lace,” sabi ni Ate Ellie na tumaas ang kilay at may diin sa boses. Hindi naman na nakatingin sa gawi ko si Kuya Lovian. It was a side comment for the topic! Lalo na’t in-offer ni Don Leocadio ang tulong ng mga De Realista kung sakali! “Pero may point naman ang Ma’am Nerissa mo, Ellie. Hindi pa rin natin nasisiguro ang takbo ng isip ng mga tao lalo na sa panahon ngayon,” sabi ni Mommy. Sumang-ayon naman ang lahat. Ate Ellie just pursed her lips, at pinagpatuloy na ang pagkain. “Basta, Lace, huh? Kung may ganoon mang insidente, lalong-lalo na kung dito sa lupain, maging iyong mga kaibigan mo, huwag kayong magdadalawang-isip na magsabi,” may pinal na ani Ma’am Nerissa. “Right, hija. We should never tolerate any indecency in this town,” ani Don Leocadio na ikinatango rin ni Daddy at tila pinapaalala iyon sa akin. Sang-ayon siya roon. “Opo, Don Leocadio… Ma’am Nerissa,” sagot ko. Ayaw ko rin namang may mangyaring mga ganoon, kahit sa mga kaibigan ko! Hindi ko mapapayagan. “That means, you should stay away from boys for now…” ngiti ni Mommy upang pagaanin muli ang atmosphere. Ngumuso na lang ako at sa hindi malamang kadahilanan, nahagip ng paningin ko si Kuya Lovian. Kung bakit siya bumuntonghininga ay hindi ko alam. Maybe it’s a sigh of relief? Dahil narinig ko ang mga salitang ‘yon mula na rin sa mga matatanda, mareresolbahan na ang pag-aalala ni Ate Ellie na baka mapariwara ako sa kakabasa ng mga libro! Huminga na lang din ako nang malalim. Pero wala pa rin namang tumuloy sa panliligaw sa akin! Kung mayroon man, nagpapansin lang. I always say that it’s not my priority and I have a lot on my plate. Wala akong panahon sa gano’n kaya sila na rin ang umaatras. Mabuti na lang… dahil ayaw ko rin namang mangwasak ng damdamin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD