“Kailan ka ba kasi magbo-boyfriend, Lace? Nang hindi ka na napag-iiwanan ni Ellie. Sumosobra na minsan ang ate mo, ginagawa kang bata,” sabi ni Anwen.
Nandito kami sa lupain ng mga De Realista. Hitik na kasi sa bunga ang mga puno ng mangga kaya pwede nang manguha at pinayagan naman kami nina Don Leocadio.
“Wala pa naman ‘yan sa isip ko. I have to focus on my studies,” sagot ko habang nasa gawi kami ng kamalig at pinipilian ang mga kakapulot lang naming mga mangga na nahulog.
“Heh! Huwag mo nga akong ma-English English diyan, Lace! Dami-dami mong manliligaw, wala kang in-entertain kahit isa,” sabi niya kaya tumawa na rin si Nova na inaayos ang panungkit dahil mangunguha kami.
“Oo nga, Lace. ‘Pag nagka-boyfriend ka na, ibalita mo na lang sa ‘min kung paano ba maging isang girlfriend.”
My lips formed in a thin line. I remember what Kuya Lovian said…
Dapat daw ay pag-aaral lang ang atupagin ko. I’m sure it’s the same as Ate Ellie’s concern. Pinag-usapan nila. Siguro nag-aalala na rin si Kuya Lovian kasi nai-stress si Ate Ellie. And it’s really my fault.
“Wala pa ‘yan sa isip ko, Anwen, Nova… mas kailangan kong mag-aral. Ate Ellie is an achiever,” proud kong sinabi.
Totoong matalino si Ate Ellie. Isa siya sa mga tinitingala ko pagdating sa pag-aaral at role model ko. If I try to go after her footsteps, I know I will also do well in school.
Isang taon lang namang ahead sa ‘kin si Ate Ellie, pero kahit na. Kailangan ko pa rin siyang tularan.
“Tsk! Nakakainis na kasi siya. Ang harsh niya kaya! Tapos sinabi niya pa ‘yon sa harapan ni Lovian? Ikaw naman ‘tong santa. Nag-sorry ka rin! Ewan ko sa ‘yo, Lace,” palatak pa ni Anwen.
Sa edad na disi siyete, parang ang bilis naman sumama ng kaniyang loob?
“Anwen, Proverbs 3:3. Let love and kindness never leave you; bind them around your neck, write them on the tablet of your heart…” marahan at may lambing kong sabi upang pagaanin ang inis niya habang
Nagkatinginan sina Anwen at Nova. Pareho silang nagbuga ng hangin at umiling.
“Amen!” they both said in chorus.
Ngumiti ako. “Ayan, kumalma na rin kayo…”
Tinuro-turo pa ako ng walis ni Anwen kahit nang tumalikod na ako. Nag-aasaran pa kami nang kaunti lalo na’t affected pa rin sila. Kung sila raw iyon ay baka tuluyan silang nagalit kay Ate Ellie, medyo may pagka-exaggerated daw kasi si Ate Ellie at sinabi pa ‘yon sa harapan ni Kuya Lovian.
Pero naiintindihan ko naman. Hindi rin naman ako magtatanim ng sama ng loob dahil para pa rin ‘yon sa ikabubuti ko…
“Senyorita Lace? Nariyan pala kayo!”
Napatingin kami sa tumawag na iyon, sakay ng cart na hila-hila ng kalabaw at palapit sa aming gawi.
Ang malawak na bahagi ng lupain ay napupuno ng mga coconut tree. Sa iilang bahagi ay mayroong cacao at banana trees. Pero ang pinakamalaking plantasyon talaga ng mga De Realista ay ang niyugan.
They own the largest coconut plantation in the region. At hindi lang ito ang lupang pag-aari ng mga De Realista. It’s all over the country. Sabi nga ni Ate Ellie, may pag-aari ding iba’t ibang resorts ang mga ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Who knows what more properties or businesses they own?
“Tatang Isidro,” bati ko rin. “Nandito po kayo?”
Palapit sila sa aming gawi. Sa pinakagilid ng lupain ay nagkalat na ang mga puno ng mangga. Malapit na rin ito sa kamalig kung kaya’t hindi na mahirap para sa amin na makahanap ng mapupwestuhan dito.
Nakasalakot pa ito, isa sa mga matatagal nang trabahador ng mga De Realista sa koprahan. Suot ang mahabang manggas na damit at maputik ang tsinelas dahil kakaulan lang din yata kagabi!
“Magandang hapon po, Tatang! Wow, may mga hinog na ring saging?!” Si Nova noong lumapit ito at may dalang bag na may lamang mga bagong pitas na saging.
Agad nilang pinag-interesan iyon. Namamangha dahil mukhang panahon na nga ng harvest.
“Ibigay mo ito sa mama mo, Novalie. Pinabibigay ‘yan ni Ma’am Nerissa,” sabi ni Tatang Isidro.
Tuwang-tuwa naman sila. Halos mamilog ang mga mata ni Novalie at pinuri ang kabutihan ni Ma’am Nerissa. Mapagbigay talaga ito at hindi madamot kahit pagdating sa mga tauhan.
“Ang bait talaga ni Ma’am Nerissa! At may gwapo pang anak!” Si Novalie.
Humagikgik si Anwen. Magkasundong-magkasundo talaga sila pagdating doon.
“Kumuha na rin kayo, Senyorita Lace. Tiyak magugustuhan din ‘yan ni Sir Miguel,” sabi ni Tatang Isidro.
Ngumiti ako. “Sige po, Tatang. Salamat po.”
Napatingin ako sa kasama ni Tatang Isidro na tahimik lang. Marami-rami silang dalang bunga lalo na ng saging. Patingin-tingin ito ngunit iniiwas din.
“Huy, Angelo! Kausapin mo naman ang mga dalaga. Masiyado kang mahiyain,” sabi ni Tatang Isidro sa pamangkin nito upang tawagin.
Napatingin sa amin si Angelo ngunit nakayuko pa rin ang ulo nito, seryoso lang at naka-focus sa pagbaba ng ibang mga ibibigay dahil mukhang may nakuha na ring cacao.
“Angelo! Uyy, si Angelo! Nahihiya kay Lace!” tukso nina Nova at Anwen.
Napatingin lang ako sa kanila. Ngising-ngisi ang dalawa. Napailing ako at bumalik sa ginagawang pagpili sa mga mangga, naisip kong bigyan na rin sina Tatang Isidro. Mangunguha pa naman kami sa puno ng mangga, pero mukhang sila ay pauwi na kaya bibigyan ko na mula rito. Marami pa namang maayos.
“Totoo ba, Angelo? Nahihiya ka kay Senyorita Lace?” tukso na rin ni Tatang Isidro.
Matagal ko nang sinabi na hindi naman ako kailangang tawaging senyorita dahil mas komportable ako sa pangalan, pero iyon pa rin ang kanilang tawag sa amin, lalo na kay Ate Ellie.
Napatingin sa akin si Angelo. Ngumiti ako nang kaunti para mabawasan ang kaniyang ilang pero lalo lang itong nag-iwas ng tingin.
“Pagpasensyahan ninyo na at mahiyain talaga si Angelo. Sa susunod, tulad ni Senyorito Lovian, mababawasan na rin ang pagkailang niyan at magiging matinik sa babae,” sabi pa ni Tatang Isidro na paborito ring buskahin ang pamangkin.
Kakapasok lang ni Angelo rito sa lupain ng mga De Realista. Tumutulong sa pagkopra at maintenance na rin. Maybe he’s shy because he’s still adjusting. Balita namin ay galing pa itong Maynila at umuwi rito dahil nagkasakit ang ina, ang kapatid ni Tatang Isidro.
“Gwapo naman ‘tong si Angelo, pero mahiyain masiyado! Ba’t ka ba nahihiya? Gwapo ka, uy! Confidence naman diyan,” sabi pa ni Nova.
“Si Lovian, hindi iyon mahiyain. Tahimik lang at seryoso pero nakita ko siya noong isang araw, may kausap na babae sa munisipyo.”
Napatingin ako kay Anwen sa sinabi niya. Umangat ang kilay ko!
“Kalma, Lace. Tauhan sa munisipyo, selos ka agad!” sabay bunghalit ng tawa ni Anwen.
I pursed my lips. Selos? Ako, magseselos?
Napatingin ako kina Tatang Isidro, nahiya dahil sa sinabing ‘yon ni Anwen. They might misinterpret it.
“Loka-loka ka talaga. Baka kakatukso natin kay Lace ay tuluyan ‘yang ma-develop at magka-crush kay Senyorito Lovian.” Si Nova kay Anwen.
Seryosong napatingin sa amin si Angelo. Medyo bumagal din ang kaniyang pag-aayos sa mga sako na naiwan sa dala-dalang cart.
“Sigurado ka ba, Anwen? Selosa si Ate Ellie,” sabi ko dahil kung sakaling malaman ni Ate Ellie na niloloko siya ni Kuya Lovian, siguradong magagalit ito.
“Kung boyfriend ko si Lovian, magiging selosa rin ako, bakit ba!” ngising-ngisi na sabi ni Anwen. “Hindi ba, Tatang Isidro? Sobrang gwapo ng senyorito! Sana ay may kapatid siya, kaso wala.”
Tumawa na lamang si Tatang Isidro at saka tinapik-tapik ang balikat ng kaniyang pamangkin na si Angelo na huminga nang malalim pero tahimik pa rin.
Napailing ako kina Anwen. Loka-loka talaga sila…
“O, siya’t uuwi na kami,” paalam na rin ni Tatang Isidro pagtapos kong maibigay ang mga mangga sa kanila.
Hanggang sa pag-alis nila, hindi pa rin naman nagsalita si Angelo. Nakatingin lang siya sa akin at sa huli, iniwas ko na rin ang tingin at nagkibit-balikat.
Kahit naman ngitian ko ito ay hindi ito nginigiti pabalik. Hindi ko pa nga yata naririnig ang boses nito dahil bukod sa seryoso sa pagtatrabaho ay ilag pa yata sa mga tao.
“Gwapo rin ni Angelo, ah? Nakita mo ba ‘yong katawan? Daig pa ‘yong mga nag-gym nating kaklase na ang babantot!” bulong ni Anwen sa akin nang medyo makalayo-layo ang cart.
Ngumuso ako, hindi naman sumasagi sa isip ang naiisip niya!
“Tama ka, Anwen. Ang bango nga rin niya?” Si Nova habang kumakain ng saging.
“Ayusin mo naman ‘yang pagkain mo ng saging, Nova! Nagi-greenminded ako, eh!” Si Anwen dahil sinusubo ni Nova nang buo ang saging at ayaw man lang hatiin.
They immediately fought over how to eat a banana properly.
Pero kapag nandiyan si Aling Ruby at matatanda, medyo behave lang naman sila. Pero kapag kami-kami na lang ay roon talaga lumalabas nang husto ang kakulitan at mga kuryosidad!
“Bastos ka kasing babaita ka, dinamay mo pa ‘tong saging!”
I bit my lip and just watched the cart go further and further. Sana lang din ay magka-confidence na si Angelo. Tama naman sila na gwapo ito at wala ring dapat ikahiya.
Sinasabihan din ako ng mga matatanda na manang daw manamit, na malayo pa sa istilo ni Ate Ellie, pero ayos lang iyon sa akin. I don’t take it personally.
I love my own style. Pero marami pa rin akong kailangang ayusin sa sarili at i-improve ang confidence, kaya sana ganoon din si Angelo.
He’s five years older. Seventeen ako at sa pagkakaalam ko ay twenty-two naman ito. While Kuya Lovian is twenty-four. Tapos nang mag-aral si Kuya Lovian at siguro, hinihintay niya na lang si Ate Ellie?
Maybe after my sister graduates, they’ll eventually get married.
Mabuti na rin. Hindi na ‘yon dapat patagalin ni Kuya Lovian! Maraming lalaki ang nagkakandarapa kay Ate Ellie…