Nagulat ang mag-ina sa sinabi ng doktor. Napahagulgol na lang ang Mommy niya dahil nawawalan na ito ng pag-asa. Unstable pa rin ang lagay ng kumpaniya at hindi pa rin nakaka-move on ang ina sa pagkawala ng asawa nito. Patong-patong ang problema ng kanilang pamilya pero kung ano-ano ang inaatupag niya. Kinakain tuloy siya ng kaniyang konsensiya. "Gawin niyo po ang lahat, Doc. Magbabayad kami kahit magkano, basta mabuhay lang ang kapatid ko," pagsusumamo niya sa doktor ngunit tila lalong nalungkot ang doktor para sa kanila. "Alam kong mayaman kayo pero heart transplant lang ang maaaring magsalba sa buhay niya. Sa kondisyon niya ngayon, hindi ko maipapangako ang isang daang porsiyento ng tsansa na magiging matagumpay ang operasyon. I am truly sorry, hijo.'' Tinapik-tapik ng doktor ang balik

