"Sabi ni Tito Renji, kapag nahanap natin ang kuta nila, huwag muna tayong sumugod. Maghintay daw tayo ng back up," anunsiyo ni Ryuuji. Nakasakay na sila sa SUV na naka-park sa harap ng convenience store. Hindi umepekto ang kape kay Kyle. Muli itong nakatulog. Kahit na inaantok, pilit na nanatiling gising nila Ryuuji at Simon. Kahit may saltik minsan si Simon, minsan pa rin itong naging nerd na pinagtitripan noong nasa elementarya sila. Noon pa man, tahimik na bata na si Simon. Mas madalas itong nagbabasa o nakatutok sa gadgets kaysa makipaglaro sa mga kaklase nila. Dahil doon, hindi ito nakatakas sa bullying. Wala namang pakialam si Ryuuji dito pero si Ashiya, si Ashiya lang ang nag-iisang tao na kumausap kay Simon noong mga panahong iniiwasan ito ng mga kaklase nila. Kahit na hindi mah

