Dahil sa utos ng Daddy niya, umakyat muna si Ryuuji sa ikalawang palapag ng mansyon para pumunta sa kuwarto niya. Napansin niyang kapuwa umiinom ng beer sila Blake at Jeronne. Babatiin niya sana ang mga ito nang marinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. "What? Totoo ba ang narinig ko?" Putol niya sa litanya ni Jeronne. "Mahal mo si Ashiya?" Lalong tumaas ang tensiyon sa paligid. Dahil sa inis, kaagad na hinatak ni Ryuuji ang damit ni Jeronne bago ito sinuntok sa panga. Pumaling sa kanan ang mukha nito. "Ryuuji, Jeronne, kumalma kayo --" Aawatin sana ni Blake si Ryuuji pero tumayo si Jeronne at gumanti ng suntok. Nagpambuno ang dalawa hanggang sa pumaimbabaw si Jeronne. "Oo! Mahal ko siya! Sobra! Higit pa sa alam mo at sa kaya mong ibigay!" Nanggigigil ang boses ni Jeronne ngunit nagul

