bc

Until One Year Ends

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
escape while being pregnant
powerful
independent
confident
heir/heiress
bxg
another world
betrayal
superpower
engineer
like
intro-logo
Blurb

"I'm the most powerful creature in our world. I'm the most smartest amongst all. I'm their saviour and hero. My beauty's above the greatest. I can win every war against me. They say I'm spectacularly perfect."

But also.

"I'm the most weakest when it comes to love. I'm the most dumbest amongst all when it comes to love. I'm the one who needs a saviour and a hero when it comes to love. My insecurities above the finest. I'm a total loser when it comes to love. I'm a slave of my own feelings."

I'm perfectly strong outside. I'm a disaster in the inside.

chap-preview
Free preview
Prologue
Past Recalling "M.G! may problema tayo!" hasik kaagad ni Deni na punong-puno ng butil ng pawis sa kaniyang noo. Ano nanama'ng problema 'yon? "Kailangan bang sumigaw? Ang sakit sa tainga n'yang boses mo! Isama mo na 'yang mukha mong ipis" Reklamo ni Namy. "Nahiya naman ako sa boses mong tunog palaka!" "Tangina mo, halika rito hayop ka!" Tss. "Hayop naman talaga tayo, bobo ka ba?" Susugod na sana si Namy ng pigilan s'ya ni Kuya. "Tama na nga 'yan, kita n'yo naman na may pagpupulong na ginaganap." Naupo na si Namy sa kaniyang upuan ngunit may ibinubulong pa rin samantalang si Deni ay dumiretso sa akin. "Ano'ng kailangan mo Deni?" Malamig kong turan. "Bumalik na sila Hugon galing sa mundo ng mga tao." "Ano naman ang problema roon? Isa pa ngang mabuting balita iyon." tugon ni Yno. "Oo nga mabuti nga 'yon, pero may dala silang balita na magiging problema ng lahat." "Kung sabihin mo na lang kaya ng diretso 'no? Pakipot pa kasi, kaya ka iniiwan eh." Pabalang na sabi ni Namy. Binalingan lamang siya ng masamang tingin ni Deni. "Ano iyon Deni? Bilisan mo at may gagawin kami" Pabuntong-hininga kong sabi ko. "Ipinapautos ni Hugon na magtungo tayong muli sa mundo ng mga tao." Napalitan ng gulat na ekspresyon ang mga mukha ng lahat ng nasa silid. "Hello? Kuya Deni? Bakit naman biglaan? Importante ba 'yan at kailangan talaga na tayong lahat? I mean ilang taon na rin naman tayong hindi nagpupunta ro'n" Komento ni Lei Lei. "Bakit kinakailangan ninyong magtungo muli sa mundo ng mga tao?" Tanong ni Kuya. "Pinagpatuloy na ng mga Diabtra ang plano nilang sakupin ang mundo ng mga tao at kuwanin ang mga kaluluwa nila; Sinabi rin ni Hugon na importante'ng maisama ang M.G patungo roon." ~ "Kinakailangan mo ba talagang sumama?" Tanong sa akin ng matalik kong kaibigan na si Divine. "a-hum" Hindi ko gusto, ngunit kailangan. Gabi na ngunit narito kami sa balkonahe ng aming silid. Kalmadong nakatayo at sinasalubong ang hangin na galing sa makapangyarihang mahika. Ibang-iba sa hangin ng nasa mundo ng mga tao. "Malaki ang tyansang magkikita muli kayo kapag ika'y bumalik doon." Ayoko. Hindi pa ako handa upang harapin muli s'ya. "Wala akong magagawa Divine. Mas kinakailangan ako roon dahil ako ang pinuno ng grupo." "You're not sincere with your words darlin', sabihin mo sakanila na hindi mo pa kaya." "Hindi ko pupuwedeng talikuran ang misyon dahil lang sa emosyon." Walang pag-aalinlangan kong tugon. "Man lang kahit isang araw, isipin mo naman 'yang sarili mo, lagi ka na lang 'Para sa kanila 'to' 'Para sakaniya 'to' 'Para sa lahat 'to' blah blah blah." "Dami mong alam." Walang pakialam kong sagot. "Agree! hindi katulad mo tanga na bobo pa." Natutuwa n'yang sambit. "Atleast kinaya." "A-huh, 'wag kang magtapang-tapangan Zha. Its been 5 years kung tama man bilang ko, at kitang kita riyan sa mga mata mo ang pag-aasam." "Tss. Tumahimik ka, kun'di lalagyan ko ng duct tape 'yang maingay mong bibig." Inis kong sabi. "'Yan" Sabay turo niya sa mukha ko. "'Yang pagiging bulgar mo kaya walang nagmamahal sa'yo!" Tss. Patuloy sa pangangaral sa akin si Divine, ng biglang bumukas ang sliding door ng balkonahe. Iniluwa nito si Deni karga karga ang apat na taong gulang na si Yuan. Napabaling ang atensyon namin sakanila. Buti naman dumating 'tong mga 'to, hindi ko na kayang pakinggan ng matagal 'yong boses ng babae 'to. "Hi Baby!" Malakas na tawag ni Divine kay Yuan. Tingnan mo, ang lapit lapit na nga lang nila, kailangan bang sumigaw? "Ano ba 'yan Divine, isa ka pa eh, sarap mong tanggalan ng dila." Hasik ni Deni. Hindi siya pinansin ni Divine at akmang kukuwanin si Yuan mula kay Deni ng magulat silang dalawa sa iniasta ni Yuan. "Mommy! Mommy!" Malakas na tawag sa akin ni Yuan habang nakataas ang dalawang mga kamay na siyang ikinagulat ko ng husto. 5 years ago Echimora "Zha Zha bumangon ka na riyan, kanina ka pa ginigising ni Milkie pero ayaw mong magmulat ng mata." Sermon ka agad ang bungad sa akin mula kay Kuya. Ang aga aga pa, tss. "Zha." Ulit na pag tawag sa akin ni Kuya ngunit tinatamad pa rin ako para salubungin ang panibagong nakakapagod na araw. "Mrawzha!" Saka lamang ako napabangon sa malakas na sigaw sa akin ni Kuya. "Ang aga aga, ang init ng ulo? Mayro'n ka ba Kuya?" Inis kong tugon. "Hindi porket ikaw ang namumuno rito ay paghihintayin mo na sila, mag-ayos ka na." Daming alam amp. "Sige po, pasensya na po, kikilos na po, puwede na po ba kayong lumabas? 'po'?" Pang-aasar ko sakaniya. "Psh." May pag-irap na tugon ni Kuya sabay labas ng aking silid. Nakaupo lamang ako sa aking kama at pinagmamasdan ang aking napaka laking silid. Pabuntong-hininga akong tumayo at nagtungo sa paborito kong tambayan, ang balkonahe. Isa nanamang walang saysay na araw. Nakakapagod lamang ang gumising ng gumising na parang may kulang sa iyong puso. "Bakit kaya? Lagi na lang ganito ang bubungad sa akin." malungkot kong bulong sa hangin. Pumasok na muli ako sa aking silid. Takot na baka'y may pumatak na luha mula sa aking mga mata. Nag-ayos na ako ng gamit at naligo sa kadahilanang may patutunguhan muli ako. ~ "Hindi ka sasabay sa amin ate?" Tanong sa akin ng aking napaka kulit na nakababatang kapatid. "Ayokong pumatungo roon gamit ang engradeng karwahe na 'yan. Mas nanaisin kong maglakad." "Eh, nakakapagod kaya'ng mag-lakad ate, wala namang mangyayari kung sumabay ka sa amin" Napaka kulit talaga. Pinisil ko ang kaniyang ilong dahil sa kaniyang kakulitan "Ano ba ate, hindi na ako bata, kailangan mo na ngang tumingkayad para maabot 'yong mukha ko." Sabay bumulalas siya ng tawa. "Hindi ka titigil?" Inis kong sabi. Ngunit siya'y panay pa rin ang tawa. Akma ko siyang babatukan ng tawagin na siya ni Kuya. "Nio! Halika na!" Napalingon kami sakaniya at nag-simula nang maglakad patungo roon si Nio. "Takot?" Nakangising tanong ko sakaniya. Hindi na niya ako pinansin at saka lamang ako nagsimulang gumamit ng mahika upang mabilis na makapunta sa aking destinasyon. Narinig ko ang pagtawag din sa akin ni Kuya ngunit isinagawa ko na ang aking portal. Hindi ko man nasisilayan ang aking sarili ngunit batid kong umiilaw ang aking mata ng katulad ng kulay ng Diyamanteng Tanzanite. Sabay litaw ng kulay lila na usok galing sa aking mga palad at saka dumaan doon. ~ Nilibot ko ang aking mga matang bumalik na sa normal na tama ng kulay. Kasalukuyan na akong nasa aking dapat na destinasyon, ang paaralan. Kinakailangan kong mag libot dito upang tingnan ang lagay ng mga bata, guro at ng mismong paaralan. Nagsimula na lamang akong maglakad upang hindi masayang ang aking oras sa paghihintay sa aking mga maaarteng kapatid. Nagtungo ako sa bilihan ng pagkain ng paaralan na ito. "Nagugutom na ako, hindi pala ako kumain, Tss." Pinagmamadali kasi ako. Ako pa nga nauna sakanila, peste. Bumili ako ng makakain at hindi nakatakas sa akin ang gulat sa mukha ng nagtitinda. Gano'n na ba ako kaganda? Tss. Hindi ko na lamang siya pinansin, nilapag ko ang tamang bilang ng diyamante at umalis habang dala dala ang binili kong tinapay na punong-puno ng keso. Sarap. Habang naglalakad ako sa malawak na daanan, napatigil ako sa isang silid na punong-puno ng mga bata at mariing nakikinig sa kanilang guro na nasa harapan. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at nakinig din. Hindi nila ako nakikita dahil sa ginamit ko ang aking mahika. "Sige mga bata, ngayong araw na ito ay espesyal at importante para sainyo, upang magkaroon kayo nang kaalaman tungkol sa ating lugar at ang mga mahahalagang tao rito sa atin. Makinig kayo ng mabuti, handa na ba kayo?" Mahabang sambit ng kanilang guro. "Opo!" Sabay-sabay na tugon ng mga bata. Samantalang ako kay kumakain habang pinapakinggan ang kanilang lektura. "Ang Echimora ay ang tawag sa ating mundo. Ibang-iba ito sa mundo ng mga tao. Ngunit halos magkaparehas lamang tayo ng wangis ng mga tao. Ang pinagkaiba lamang natin sakanila ay ang iba ay mayroong angking kapangyarihan. Ang iba naman na narito ay mga nailigtas na mga kaluluwa ng ating magigiting na Zylphiras at Zylfieros. " Pasimulang kuwento ng kanilang guro. "May powers po sila 'di ba po?" Inosenteng tanong ng isa sa mga bata. "Oo naman, mas nakatataas sila sa atin. Lalong-lalo na ang mga Zylphiras. Sila ang mga pinuno ng iba't-ibang isla ng Echimora. May anim tayong iba't-ibang isla sa Echimora, at may tig-iisa iyong mga makapangyarihang pinuno." Namangha ang mga bata sa kanilang naulinigan. "Sinong nakaka-alam kung anong pangalan ng ating isla?" Nagtaasan ang mga bata ng kanilang maliliit na kamay. "Calista. Sige ikaw ang sumagot sa aking katanungan." Pinili talaga 'yong hindi nakataas ang kamay? Pambihira. Nagulat ang batang nag ngangalang Calista at saka dahan-dahang tumayo. "E-Echizo-zoneare po." Pautal-utal na sagot ng bata. "Magaling. Echizoneare ang tawag sa ating isla, maliwanag?" Sumang-ayon naman ang mga bata. "Ngunit may isa pa akong napaka-importanteng tanong. Sino ang Mitikal na Glori o mas kilala bilang ang M.G sa buong Echimora? Siya ay may katangi-tanging kulay na matang diyamanteng Tanzanite. Sino nga ba siya?" Napatigil ako sa pagkagat sa aking pagkain at Bumuntong-hininga ako sa tanong ng kanilang guro. Sabay-sabay na nagsambit ng pangalan ang mga bata. "Si M.G Mrawzha Qualcomm!" Napa-irap ako ng marinig ang aking pangalan. "At ikaw 'yon ate." Napatalon ako at malapit ng mahulog ang aking kinakain dahil sa biglaang pagsulpot ng aking isa pang nakababatang kapatid. Oo nga pala nakikita n'ya ako kasi hindi naman s'ya kasali sa nilikha kong mahika. Nagulat na lamang ako ng lingunin ko ang silid at nakitang ang mga guro sa silid ay nakayuko na at nakalagay ang dalawang mga kamay sa kanilang mga likod. Ang mga bata naman ay nakalagay rin ang mga kamay sa likod ngunit hindi nakayuko imbis ay may mga gulat at pagka-mangha sa kanilang mga mukha. Nawala tuloy 'yong nilikha kong mahika para hindi nila ako makita. Tss. "Ikaw kasi Fasha!" Akma ko siyang babatukan ng makitang nasa likod na niya sila Kuya at Nio. Hindi natuloy ang akma kong pag-batok kay Fasha dahil sa matang nagbabanta ni Kuya. Binaba ko ang aking kamay at ngumiti ng kaonti sa mga nilalang na nasa silid. 'To nanaman tayo, ngiting peke. "Pahingi nga ate." Sabay kuha ka-agad ng kinakain kong pagkain. Napaka bastos. "Pasalamat ka wala tayo sa bahay." Bulong ko sakaniya ng may napipilitang ngiti. Kinindatan n'ya lamang ako at umalis. "Uhm, mga bata, magbigay galang kayo sa mga bisita." Sabay-sabay na bumati ng magandang umaga ang mga bata. Kami'y umupo sa upuang nakalaan para sa amin at nakinig sa pagpapatuloy ng kuwento ng kanilang guro. Ngunit may kung anong pakiramdam na may tumititig sa akin. Napansin kong ito iyong batang nag ngangalang Calista. Nang tingnan ko muli siya ay biglang lumaki ang kaniyang mga mata at umilaw ito ng kulay dilaw. Bigla na lamang nagbago ang paligid. naging kaming dalawa na lamang ang nasa silid. Tumayo ang bata, ako'y na istatwa sa aking inuupuan. Hinawakan niya ang aking kamay at dahil sa pangingilabot ay halos mahulog ako sa aking upuan, sa kadahilanan na ring napaka-init ng kaniyang palad. Natulala na lamang ako sa kaniyang kagandahang angkin at sa kaniyang sinambit. "Mag-handa ka M.G, marami-rami kang pag-subok na mararanasan, at walang kasiguraduhan kung ito'y iyong maitatagumpay." malamig na sabi ng batang si Calista, at saka bumalik sa normal ang silid, tumingin muli ako kay Calista ngunit naka-tungo na siya at nagsusulat. "Huy, ayos ka lang ba?" nagulat pa ako ng kaonti sa tanong ni Kuya. "O-Oo naman." Sabay ngiti ng kaonti upang siya'y masigurado. Nagkibit-balikat lamang siya. Ano ba 'yon? Bakit may gano'n? Nakakatakot naman mga bata rito. Pinag kibit-balikat ko na lamang ang nangyari ngunit may pag-aalinlangan pa rin kung ibabaliwala ko na lamang ba iyon. ~ Bakit hindi ka umiimik kanina Zha? Kabastusan nanaman ang ipinapakita mo kahit saan ka mag-tungo." Sermon sa akin Kuya. "Eh Kuya, hindi naman talaga pala-imik si Ate." Bumuntong-hininga ako sa sinambit ni Nio. Tinatamad akong maki sabat kung kaya't ako'y dumiretso pa-itaas patungo sa aking silid. "Mrawzha!" Sigaw sa akin ni Kuya ngunit binalewala ko na lamang iyon at sinarado ang pinto. Inihagis ko ang aking gamit sa sahig, at saka humilata sa aking kama. Kaharap ko ngayon ang kisame. Ito ay may mga iba't-ibang ukit ng mga simbolo. Anim na simbolo ng anim na isla rito sa Echimora. Walong simbolo ng iba't-ibang miyembro ng aming grupo. At ang simbolo ng aking lola at nanay na naging aking simbolo na rin. Tumayo ako mula sa pagkaka-hilata at lumabas ng aking silid. Mukhang nagpahinga na ang aking mga kapatid. Bumaba ako ng hagdaan, at lumabas ng aming tahanan. Naglakad na lamang ako kaisa gamitin ang aking mahika sapagkat malapit lamang ang E-zone. Ang lugar na iyon ay kung saan kami nagpupulong at iba't-iba pang pa-tungkol sa historiko ng Echimora at ang mga importanteng tao nito. Pagkabukas ng malaking pinto nito ay bumungad sa aking harapan si Milkie. Ang aking pinagkaka-tiwalaang tagapag-lingkod. Matagal ng nag-lilingkod sa amin ang kanilang pamilya mula pa ng binuo ng ika-unang Mitikal na Glori ang mundong aming inaapakan ngayon. "M.G? ano ho ang ginagawa ninyo rito? Napaka-lalim na ng gabi." Halos mag-kasing edad lamang kami, mas matanda lamang ako sakaniya ng isang taon. Bumuntong-hininga muna ako bago pumasok. Hindi nawala ang pag-tataka sa mukha ni Milkie sa biglaan kong pag-dating. Lagi-lagi naman ako rito. "Gusto ko lamang mag palamig." Sagot ko kay Milkie. Kumunot pang lalo ang noo niya sa aking sinabi. "Ngunit malamig na mismo ang Echimora M.G." Napaka-inosente talaga. Binalewala ko na lamang ang kaniyang sinabi at nagtungo sa ikalawang palapag. Sumunod din naman si Milkie sa akin. Pumasok ako sa silid na nakalaan lamang sa mga Mitikal na Glori. Napakalaki ng silid na ito. Sa iyong pagpasok sa silid na ito ay may tatlong lakad lamang na hagdan ang bubungad sa iyo pababa. Mayroong sariling banyo sa may kaliwa, may kwarto rin ito sa may bandang kanan. At sa pagpasok mo rin ay bubungad sa iyo ang napakalaking bintana na sakop ang buong pader. Nagtungo ako sa aking silya at ipinahinga ang mga kamay sa mesa. Itinuon ko ang aking tingin sa aking harap ngayon sa pader na punong- puno ng libro, at saka binalingan ng tingin ang mga kumikinang na bituin sa labas. Buti na lamang ay pinalagyan ni lola ng malaking bintana ang pader na 'to. Narinig kong umupo si Milkie sa malambot na upuan sa bandang harap ng aking mesa, kung saan kami nag-uusap ng patungkol sa mga nagaganap at iba pa. "May problema ba M.G?" Binalingan ko siya ng tingin at saka bumuntong-hininga. "Gusto ko lamang mag-isip." Sabay balik muli ng tingin sa mga bituin. "Mamaya ay samahan mo ako sa Mora-E." Hindi ko man siya tinitignan ngunit alam kong may bakas ng pagtataka ang mukha ni Milkie ngayon. "Sige ho M.G." May pag-aalinlangan niyang tugon. Tumahimik ang buong silid at ang tanging naririnig lamang ay ang mga kuliglig, hangin at ang aming paghinga. ~ Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa Mora-E. Ramdam ko ang mga titig sa akin ni Milkie. "Uhm M.G." Hindi rin nakapag-pigil. Lumingon ako sakaniya at pinagtaasan ng kilay. "Ah, wala po hehe." Nasungitan ba? Wala ako sa wisyo para mag-salita pa. Nang katapat nanamin ang engradeng pintuan ng silid na tinatawag naming Mora-E ay lumingon ako kay Milkie at nilahad ko ang aking palad sakaniya. Binigay niya ang susi ng pinto at ipinasok ko na ito sa butas, umilaw ito hudyat na pinapapasok kami sa silid. Walang pag-aalinlangan ko itong binuksan at deretsong pumasok. Bumungad sa akin ang makalumang amoy at paligid nito. Malawak ang silid at napupuno ito ng iba't-ibang larawang nakapalibot sa buong silid. Mayroon ding iba-t-ibang estatuwa at mga simbolo. Ito ang pinaka-lihim na silid sa buong Echimora. Dito nakapa-loob ang mga sikreto at mahahalagang impormasyon ng Echimora. Nagsimula akong maglibot sa buong silid habang nakasunod sa akin si Milkie na maka-ilang ulit ng nakapasok dito ngunit hindi pa rin nawawala ang pagka-mangha sa tuwing papasok sa silid na ito. Tumigil ako sa isang pader na punong-puno ng mga larawan. May itim at gintong kulay na kurtina pa sa bawat gilid nito. Sa pinaka-taas nito ay may malaking larawan ng Echimora, sa bandang baba ng larawan ay nakaukit doon ang mga pangalan ng anim na isla ng Echimora. "Napaka-ganda talaga ng ika-unang Mitikal na Glori, magkaka-mukha kayo, hindi ba M.G?" Biglang sabi at tanong sa akin ni Milkie. NIlingunan ko siya ngunit hindi ko na lang siya sinagot at nagpa-tuloy sa pag-tingin. "Sabi ko nga." Habol ni Milkie. Nagtungo ako sa pinagmamasdan ni Milkie. Ang magarbo at malaking larawan ng aking Lola. Ang bumuo ng Echimora, ang pinaka-unang Mitikal na Glori. Kaonti lamang ang pagkakaiba sa amin ngunit ang iba ay parehas na parehas na kami ng wangis. Sa baba ng larawan ay naka-ukit ang kaniyang pangalan. Katabi naman ng kaniyang larawan ay isa pang magarbo at malaking larawan ng aking ina. Ang pangalawang Mitikal na Glori. Ka-sunod nitong katabi ay isang magarbo rin at malaking larawan ng ikatlong M.G. "Ang sungit-sungit ng mukha mo rito M.G." Humagikgik pa siya. "Tss." Sagot ko na lamang sakaniya. Sa susunod na pader naman ay nakapaskil ang napaka-daming larawan. Ang mga larawan ng mga importanteng pamilya at taong nangangalaga at namumuno sa iba't-ibang isla. Sa isa pang pader ay may walong larawan na nakapaskil. Ang mga tagapagligtas, mga mandirigma. Sa malayo-layo pang parte ng Mora-E ay ang mga ikauna ng mga henerasyon ng mga importanteng mga tao. Umupo na lamang ako sa nakalaang upuan doon at tinitigan ang buong silid. Habang si Milkie ay nag-lilibot pa rin. "M.G." Eh? nagpalingon-lingon ako sa paligid "M.G!" Mas malakas na bulong sa akin. "Mrawzha!" Dahil doon ay nakilala ko ang kaniyang boses. "Eh? Deni? ano bang problema mo?" Sabi ko sa hangin. "May pagpupulong tayo, punta ka na raw rito need ka na namin now na." Maarte n'yang bulong sa akin. "Sino nagpa-tawag ng pagpupulong? S'ya ba namumuno? Ha?" Inis kong sagot. "Aish. Basta bilisan mo na! Dami mo satsat M.G" Lintik. "Peste ka. Mamaya ka sa'kin. Milkie tara na." Mabilis kong pag-tawag kay Milkie. "M.G! Joke lang. Peace tayo ehe." Tss. Habol na bulong sa akin ni Deni bago kami naka-labas ng silid. "Bakit daw po nagpa-tawag M.G?" Tanong sa akin ni Milkie habang patakbong-lakad na patungo sa silid kung saan kami nagpupulong. "Hindi ko alam sakanila." ~ Pagka-pasok ko sa silid ay bumungad sa akin si Hugon. Napalitan ng gulat ang aking naiinis na mukha kanina. "Hugon? nakabalik ka na? Isang taon na ba?" Nagmamadali kong tanong sakaniya. "Parang ayaw mong naka-balik si Hugon M.G ah." mabilis akong nagtungo kay Deni at binigyan ko siya ng malakas na batok. Napasubsob siya sa mesang kaharap niya habang hawak-hawak ang kaniyang ulo. "M.G naman parang tang-" "Ano? Ituloy mo Deni. Ituloy mo." Nasindak siya dahil na rin sa nagbabanta kong mata na umiilaw dahil sa inis. "Hindi naman mabiro." Sabay tago sa likod ni Kuya. Wala ako sa modo upang makipag-biruan ngayon. "Ang lalim na ng gabi, anong mayroon? Hindi ba puwedeng bukas na lang?" Inis kong tanong sakanila. "Zha Zha huminahon ka at maupo, importante ang sasabihin ni Hugon at hindi na puwedeng ipagpa-bukas." "Tss." Naupo na lamang ako at nakakunot noong nakinig. Tumingin sa akin si Hugon hudyat na humihingi siya ng permiso upang magsalita. Tumango ako sakaniya at naupo na rin ang iba, samantalang si Deni ay nanatiling nakatayo sa tabi ni Hugon, takot pa rin sa akin. "Sa tanong mo kanina M.G. Oo isang taon na ang bilang ngayong araw kaya nagawa naming buksan na muli ang portal patungo rito. At upang may ibalitang hindi maganda sainyo." Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "May isang grupo nakaka-alam ng tungkol sa mundo natin. At nagbabalak silang mag-tungo rito. Base sa sabi sa akin ni Divine ay alam na alam nila ang bawat impormasyon pati na ang mga sikreto ng mundong ito." "Papaano!?" Pasigaw na tanong ni Namy. "Pa'no nangyari iyon Hugon? Ako lamang at si Milkie ang nakakahawak ng susi sa Mora-E. At isa pa, nagbabalak pa lamang silang magtungo rito? Imposibleng nakapasok na sila sa Mora-E." Gulat kong sambit. Puwera na lamang kung.. "Sabi ni Ayi ay mukhang hindi nila nakalap ang impormasyon galing sa Mora-E, sa palagay niya ay nagmula iyon sa isang nilalang na galing dito." Sabi na nga ba. "And one more thing." Eh? "Huwag kang magsalita ng lengguwahe ng mga tao Hugon, hindi nila mababatid kung ano man ang sinasabi mo." May puntong sabi ni Kuya. "Paumanhin, at isa pa nagsisimula nanaman ang mga Diabtra." Tss. Sinasabi ko na nga ba. "Bukas pa ng tanghali mag-sasara ang portal." Lumingon ang lahat sa akin. "M.G kinakailangan namin ng inyong permiso." Inilibot ko ang aking mga mata sakanila. Sabay balik ng tingin kay Hugon. Bumuntong-hininga muna ako bago tumango sakaniya. Ngumiti siya at tumango rin. Dahil sa pagsang-ayon ko ay mistula silang mga baliw na nag-tatatalon. nasaksihan ko pa ang pag-yakap ni Deni kay Namy. Ngunit ng matauhan ay sabay nilang tinulak ang isa't-isa at pinagpagan ang mga damit. Nakangisi na lamang akong napailing-iling. Hindi ito ang tamang oras na magsaya Mrawzha. May malaking suliranin ang bubungad sainyo pag-tapak sa mundo ng mga tao. ......

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook