Pamilyar
"Sino-sino'ng sasama patungong sa mundo ng mga tao Zha Zha?" Tanong sa akin ni Kuya.
Kasalukuyan kaming pa-uwi sakay ng engrandeng karwahe. Pag katapos ng pag pupulong ay nagtungo kami sa may norteng parteng ng islang ito at bumili ng pagkain dahil mukhang naglilihi si Kuya.
Nilingon ko siya at nag-isip. "Hindi pa namin napag-usapan dahil na rin sa nanabik sila." pabuntong-hininga kong sagot.
'Kala mo namang magbabakasyon. Tss.
"Pag-isipan ninyo ng mabuti kung sino-sino ang sasama dahil isang taon ang hihintayin n'yo para muling mabuksan ang portal." Sabi ni Kuya na alam naman ng lahat ng nilalang dito.
'Kala mo namang napaka-tanga ko.
"'Wag mo 'kong gawing bobo Kuya." pataray kong sabi. "Zha Zha 'yang mga salita mo." Hindi ko na lamang siya pinansin at pinagpatuloy ang pagmumuni muni.
Kita ko galing sa bintana ng engradeng karwahe na napaka dilim na ng paligid. Ito ang huli kong tingin sa gabi rito. Matagal tagal bago muli akong makabalik dito.
~
"Ate. Bangon, kailangang bilisan daw kilos sabi ni Kuya." Rinig ko ang irita sa boses ni Fasha. "Ate. Bilis na."
Nakatulog pala ako amp.
Naalimpungatan ako sa pag-tawag sa akin ni Fasha at ka agad na lumabas ng engradeng karwahe.
"Kung saan saan ka kasi nag susu suot ate, kaya ayan." Nilakihan pa ni Nio ang kaniyang mata. "Anong connect no'n ha? Napaka pangit n'yang mga sinasabi mo." Sabay lakad ko na lamang patungo sa bahay.
"Mas panget ka ate ehehe." Sigaw niya, at dahil bumalik ako sa wisyo upang mang asar ay ginamit ko ang aking kapangyarihan. Umilaw muli ang mga mata kong kulay ng diyamanteng Tanzanite at mabilis na minapula ang hangin. Sa isang kurap ay nasa likod na ako ni Nio na walang ka malay malay, at binatukan ko siya ng malakas.
"Tangi- Aray!" Sabi n'ya ng hinihimas ang kaniyang ulo habang nakapikit ang mata. Nasa tabi niya ang kambal niyang si Fasha na hindi na maka hinga sa kakatawa.
"Ganti ko 'yan dahil kanina sa paaralan ay kinuha mo 'yong pagkain ko. Lechugas ka." Sabay manipula ko muli ng hangin at sa isang iglap ay nasa harapan na ako ng pinto ng aming bahay. Tumigil na sa pag ilaw ang aking mata at dumiretso ako sa kusina.
~
"Zha Zha bilisan mo na ang pagkain at pupunta ka pa sa Mora-E ulit." Pag basag ni Kuya sa katahimikang bumabalot sa amin. Kumakain kami ngayon dito sa hapag kainan at kumakain ng mga binili namin.
"Bakit ka ba nangingialam kuya? Ninanam nam ko pa 'yong keso eh." Inis kong sabi.
"Tch. Bilisan n'yo ng lahat." Nagka tinginan kaming tatlo at ngumisi sa isa't isa. "Opo ser." Sabay naming sabi at saka sabay sabay kaming gumawa ng tunog ng isang baboy.
Bumulalas kami ng tawa. Akala namin ay maiinis si Kuya. Ngunit sa isang iglap ay tumawa lamang ito ng mahina. Nagulat kami at dahil tapos na rin naman kaming kumain ay dali-dali kaming nagtungo sa itaas.
"Gagi multo!" Sabi ni Nio habang umaakyat kami at nagkumpulan. Hinintay naming sumunod din si Kuya ngunit ilang minuto na ang nakalipas ay hindi siya sumunod at nanatiling tahimik.
Napag pasyahan naming bumaba ng nagkukumpulan pa rin at dahan dahang bumaba. Ng nasa ibaba na kami ay nagulat kami sa sumalubong na yakap sa amin. "Huli ko na kayo, at kakain ko na kayo!" Nakawala kami sa kaniyang yapos at saka nag habulan kami sa buong bahay.
~
"M.G naman kailan ka pa naging late?" Bulalas ka agad sa akin ni Deni ng naiinis pa kunwari. "Hindi ako late, mag patingin ka nga ng mata mo bobo." Hinihingal kong sabi.
Kunwari niyang hinawakan ang dibdib at mistulang nasaktan sa sinabi ko. Hindi ko na lamang siya pinansin at inutusan si Milkie na kumuha ng tubig.
"Bakit pawis na pawis ka?" Tanong sa akin ni Yno. "May ginawa ka 'no?! Hala." Pahisteryang sabi ni Deni sabay takip niya sa kaniyang bibig na mistulang nagugulat.
"Isa pa talaga Deni, malilintikan ka na sa'kin." Sabay pa ilaw ko sa aking mata, nagtago naman ka agad si Deni sa likod ni Lei Lei na kumakain ng cookies. Bumuntong hininga ako. "May ginawa lamang akong importante." Sabay tikhim ko ng maalala ko ang mga katarantaduhan naming magkakapatid.
"Halina't kailangan na nating pag usapan kung sino sino ang sasama sa atin." Malamig na sabi ni T.A 'saka na upo sa gilid.
Kung ako raw ang pinaka malamig maki tungo, papaano pa kaya 'to si T.A? Tss.
Lumaki ang mga mata ng iba at saka mabilis na umupo sa kanilang mga puwesto. "Bilisan mo Deni!" Rinig ko ang pagbulong ni Namy kay Deni na may pag diin at nang gigigil. "Ang kupad mo bob-"
hindi na naitapos ni Namy ang sasabihin dahil binatukan siya ni Von.
"Aray! Isa ka pa eh." Akmang gaganti ngunit kita kong nauubos na ang pasensya ni T.A kung kaya't ginamit ko na ang kapangyarihan ko.
Hindi ko man nakikita ngunit alam.kong nag ilaw muli ang aking mga mata at minapula na ang kanilang mga bibig at kamay. Walang ano ano'y tinikom ko ang kanilang bibig at pinag akbay ang kanilang mga kamay sa isa't isa. Wala silang magawa dahil sa lakas na kapangyarihang bumabalot sakanila.
"Umayos kayo kung hindi ay papanatilihin ko kayong gan'yan hanggang sa matapos ang pag dedesisyon." Sabi ko sa kanilang mga isip. Sinagot din naman nila ako ng 'Opo' habang parang tangang tumatango.
Tinigil ko ang pag gamit ng kapangyarihan ko, at alam kong tumigil na muli ang pag ilaw ng aking mga mata.
Mga pasaway.
Nakapukol na sa akin ang kanilang mga titig hudyat ng pag hingi ng permiso na simulan na ang pagdedesisyon. Tumango na ako sakanila at saka nagsimula na kami.
~
"So bali twelve tayong lahat na pupunta sa mundo ng mga tao? I mean iba na kami ni Hugon kasi like ilang ulit na kaming na 'iiwan' do'n hayst." Malungkot kunwaring sabi ni Divine.
"Eh? ano iyong mga ibang sinabi mo?" kuryoso kong tanong.
"Hayst. Hayaan mo bes, dadaan kayo sa proseso mamaya." Naka ngiting aso na sabi n'ya. "Proseso? bakit hindi ko alam 'yan? parte ka ng mga may tungkulin dito Divine." May diin kong sambit sa kaniya.
"Duh, sinabi ko sa'yo 'no! hindi ka siguro nakikinig no'n wala ka kasing interes 'di ba? pweh" Arte n'yang sabi at umalis sa aking harapan. Inirapan ko siya at pinagpapatuloy ang pag iimpake.
Tinutulungan kami ni Nio at Fasha ngayon ni Divine na mag impake dahil sa wala rin kaming ka alam alam kung ano ang dapat na mga idala. Sila Hugon naman ay tinulungan din ang iba.
"Fasha bilisan mo na riyan, ang bagal bagal mong kumilos." Suway ko sakaniya dahil natutulala pa siya. Bumuntong hininga lamang siya at binilisan ng kaonti ang pag kilos.
"Ako panalo ate. Tapos na ako mwehehe." Parang bata talaga kung maka asta hayst. "Hindi 'to paligsahan Nio. Lumabas ka na rito at matulog."
Walang sabi sabing lumabas na siya at alam na naming diretsong natulog iyon dahil kita sa mga mata ang antok.
Antok na, pero may natitira pang kakulitan. Tss.
"O s'ya, tulungan mo na akong maka uwi ng mabilis bes. Gusto ko na rin maka tulog kahit kaonti." Humikab pa siya at pinapalak pak ang kaniyang mga kamay. "Mayro'n ba akong pag pipilian?" May sarcasmo kong tanong. "Wala hihi." Parang bata niyang sabi. "Tss."
Sinimulan ko ng manipulahin ang oras at mga bagay bagay upang maka buo ng portal patungo sa destinasyong nanaisin ko. Panandalian akong lumingon sa may kanan at nasilayan ko ang pag ilaw muli ng aking mata sa salamin. Nagagalak na pumapalakpak si Divine. "Thank you much! See you latur! Muah." Sabi niya sa akin bago pumasok sa portal na ginawa ko at naglaho na siya kasabay ng portal. Lumingon muli ako sa salamin at nakitang hindi na muli ito nailaw.
Bumuntong hininga ako at sinara na ang bagaheng ibinigay ni Divine sa akin. "Ate." Pag tawag sa akin ni Fasha. "Bakit? Tapos ka na pala, matulog ka na. Lalabas na ako rito sa kuwarto mo" Pagsabi ko sakaniya habang inililigpit ang mga kalat. "Kailangan ko ba talagang sumama?" Nahimigan ko ang lungkot sa boses niya. "Eh? Oo kailangan ninyo ni Nio'ng sumama. Para may ideya rin kayo sa mundo sa kabila." Nakakunot noo kong paliwanag sa kaniya. Natulala siya at kalaunay tumango na lamang at saka sinara ang bagahe. Tumango rin ako sa kaniya at hinawak ang kaniyang ulo saka ginulo ang buhok.
"Ate naman." Pag ayos niya sa kaniyang buhok. Ngumisi lamang ako sakaniya at saka kinuha ang aking mga gamit at nag tungo sa aking silid.
Pagkapasok ko sa aking silid ay nilapag ko na lamang sa kung saan ang aking mga inimpakeng gamit at humilata ka agad sa aking kama. Hindi napansin na nakatulog ka agad.
~
"Bilisan n'yo na naghihintay na ang iba sainyo." Sabi sa amin ni kuya habang kumakain kami rito sa hapag ng umagahan. "Hindi ka pa nga nakaka kalahati riyan sa kinakain mo kuya." Sabat ni Nio kay Kuya. "Hindi naman ako sasama sainyo." Umirap pa. "Bilisan n'yo na nga nakakahiya kung kayo ang ma huhuli." Sabay kami ni Niong umirap.
Pansin ko ang pagiging tahimik ni Fasha. Kahapon pa 'to ah? ano problema nito?
"Fasha. Bilisan mo na, huwag mong pag laruan ang pagkain." Suway ni Kuya kay Fasha. Nagulantang pa si Fasha sa kay Kuya at binilisan ang pagkain.
Tss. Kakausapin ko na lang 'to mamaya.
~
"Wohoo! M.G wazzup!" Salubong sa akin ni Deni pag kalabas namin ng aking mga kapatid sa portal. "Eh? Tinuruan ka ba ni Hugon?" Kuryoso kong tanong.
"Hayst ikaw lang yata hindi nakinig tungkol sa proseso Mrawzha." Sulpot ni Divine na katabi si Hugon at mga lingkod nila na kinuha ang aming mga bagahe. "Proseso? iyon ba 'yong sinabi mo sa akin kagabi?"
"Oo! kaya tara na, baka mag sara na 'yong portal." Sabay hablot niya sa kamay ko at kamay ni Fasha. "Nio! dalawa lang kamay ko kaya sumabay ka na, bilis!"
~
"Woah. Ang astig." Sambit ni Namy na pinag taka ko. "I know right ate! Wah! ang galing!" Sabay pumapalak pak pang sabi ni Lei Lei. "Ano bang mga lumalabas sa bibig nila?" Inis kong tanong kay Divine.
"Ang K.J mo. Halika ikaw naman Mrawzha. Baka mamaya mag kukuda ka nanaman kung bakit ikaw ang hindi na una, late kasi kayo ng kaonti." Nakakunot kong pakikinig sa maingay niyang bibig.
"Ate. Si M.G na." Pagtawag ni Hugon kay Divine. "Yes yow. Tara na Mrawzha. Breath in, breath out." Sabi n'ya habang winawagayway ang kamay at tumataas baba ang dibdib. "Ha? mga kagaguhan mo." Sabay tungo ko na ka agad kaila Hugon upang matapos na ito.
"Salita 'yon galing sa mundo ng mga tao! 'yong sinabi mo like kanina lang!" Habol na sigaw sa akin ni Divine na binalewala ko na lamang.
"Handa ka na ba M.G?" Tanong sa akin ni Hugon habang naka ngiti. Tumango lamang ako saka pumikit.
~
"Lezzgo everybody! I'll go first babies!" Sabay bulalas n'ya ng tawa na parang tanga.
"Nakakamangha ang proseso Zha Zha." Sabi sa akin ni Kuya na sumama lamang upang ihatid kami. "A-hum"
Totoo ngang nakakamangha. Patungkol ang proseso sa pag papasok ng maraming kaalaman tungkol sa iba't ibang klaseng lengguwahe na ginagamit sa mundo ng mga tao. Hindi ko batid na may ganoong klaseng kapangyarihan pala ang pamilya nila Divine. Frio. Cool.
Natawa ako sa aking binanggit sa isip.
"Mag iingat kayo sa mundo ng mga tao. Alagaan ninyo ang isa't isa at huwag kayong mag aaway palagi. Ikaw ang nakakatanda sa mga kapatid mo Zha Zha mag bigay ka." Mahabang sabi ni Kuya na akala mo naman eh magulang kung umasta. Puwedeng puwede nang maging tatay amp. "Opo ser." Sabay bow naming dalawa ni Nio kay Kuya.
Bow? ha, nice. Natawa nanaman ako sa naisip.
"M.G ang mga nakababatang kapatid mo naman." Eh? kami na lang pala 'yong natitira? iniwan ako ng mga 'yon? pasaway. "Fasha ikaw na muna." Nagulat ako dahil pagka lingon ko sakaniya ay pawis na pawis s'ya at mistulang aligaga. "Bal? Okay ka lang? Woi? Bal?" Nag aalalang tawag ni Nio sa kambal.
"A-ate s-sorry. Hindi ako makakasama, i-importante 'to ate. S-sorry mag iingat kayo, B-bal." Sabay yakap niya sa aming dalawa bago karipas ng takbo. Tinawag namin siya ngunit sadyang mabilis siya.
"Susundan ko na muna. Mag iingat kayong dalawa." Sabay yakap ni Kuya sa amin at halik sa aming noo. Kumaripas din siya ng takbo at nag palit anyo. Katulad ng ginawa ni Fasha.
Ganoon na ba talaga s'ya ka desperadang bumalik para magpalit anyo? Tss. Bumuntong hininga ako at pina una na si Nio sa portal.
Daming eksena. Hayst. Pumasok na rin ako sa portal at bumungad sa akin ang pamilyar na tanawin.
~
"Damn, na miss ko 'to meyhn." Bungad na sabi ni Deni kay T.A. Himalang hindi na irita sa pag akbay sa kan'ya ni Deni. Kasalukuyan na kami ngayong nasa mundo ng mga tao. At sa palagay ko ay maling lugar ito upang kami ay mag tingin tingin sa paligid dahil tinitignan kami ng iba't ibang tao. Gagamitin ko na sana ang aking kapangyarihan ngunit nagulat ako ng yakapin ako ni Divine na halos masubsob kaming dalawa.
"Ano ka ba! 'Wag kang gumamit ng kapangyarihan dito. Ang daming tao oh, makikita nila 'yang pag ilaw ng mata mo!" Bulong sa akin ni Divine na may diin habang nakayakap sa akin. "Eh p'wede namang-"
"Shut up! Arat na guys" Pagputol na sa sinabi ko saka tinulak kami isa isa para mag lakad at pumunta kung saan. Bumuntong hininga ako. P'wede namang 'yong powers ko para mas mabilisan mga tanga.
Wews.
.....