Kape
224 po 'yong room number ninyo." Magalang na sabi ng babae. "Sige po, thank you" Magalang na sagot din ni Divine sakaniya. Nakatingin lamang ako sakanila habang naka upo, katabi ko si Nio at at Yno. Sila Namy at Lei Lei ay naka upo rin pero nakikipag usap kaila Deni at iba pang mga kasama.
"Nag uusap ba talaga sila, o nag aaway?" Tanong ni Yno sa akin. Lumingon ako sakaniya at ngumisi. "Parang hindi ka na sanay sa kanila." Tumawa lamang si Yno. Anong nakakatawa? "Okay guys! Let's go, settled na lahat, tara na sa taas." Hindi ko napansing tapos na pala sila nina Hugon makipag usap sa babae. Kinuha na namin ang aming mga gamit at sumunod kaila Hugon. "Inaantok na 'ko, gabi na ka agad dito? 'di ba tanghali tayo dumaan ng portal? amp, gusto ko pa mag explore ih" Inis na sabi ni Deni habang kinakamot ang ulo. "Sa tingin niyo lang eh dumaan lang tayo basta basta pero-"
"Pero malaking oras ang kinuha sa atin habang tayong nadaan, kung kaya gabi na rito." Sabi sa amin ni Hugon na pinutol ang dapat na sasabihin ni Divine. "Tarantado ka ah, alam ko 'yon, bakit ka sumabat? Ano 'kala mo sa'kin obob?" Inis na sabi ni Divine, na sinabayan n'ya ng pagbatok kay Hugon. Tumakbo si Hugon habang si Divine naman ay hinabol s'ya. Sinundan sila ng ibang may mga energy pa, kami naman nila Nio, T.A, Yno at ibang wala ng gana ay naglakad na lang pa tungo sa kanila.
~
Kasalukuyan kaming nasa aming kwarto. Sabi ni Divine ay parang isang condo na ito. Napag desisyonan naming kumuha ng isang kuwarto lamang para sa aming lahat. Hindi kataka taka ang laki ng silid na ito, na pupuwede pa ang mailan ilang tao ang matulog dito.
Natutulog sila ngayon samantalang kamu ni Divine ay nasa balkonahe at may mga hawak na wine sa aming mga kamay. "Ang sarap 'no?" Pag tanong sa akin ni Divine sabay sumimsim muli sa wine na hawak n'ya. Tumango lamang ako habang tumitingin sa paligid. Hindi ko maitatagong namangha talaga ako sa nasilayan kong mundong ito.
"Kailangan na nating kumilos. Baka kumikilos na ang mga Diabtra." Seryoso kong sabi sabay inom. "Mrawzha, 'yong sa Diabtra matagal tagal pa 'yon, baka nga-"
"Alam kong kumikilos na sila ngayon, knowing their leader? Tss." Pag putol ko sa dapat n'yang sasabihin. "Wow. Englishera na. Hindi kasi! may una tayong misyon na kailangan na nating kumilos bukas. 'Yong tungkol sa isang grupo na maraming alam at impormasyon pa tungkol sa atin?" Napaligon ako sa sinabi n'ya.
Oo nga pala. Isa pa 'yon. Tss.
Bumuntong hininga muna ako. "Bukas na bukas, ipa kilos mo ng mabilis ang mga 'yon." sabay tingin ko sa loob. "Ba't ako? ikaw 'yong M.G tapos ako? tapos ano? magagalit ka nanaman? magtatampo kasi iba nanaman nag utos? tapos ano? hindi-"
Hindi ko na s'ya pinakinggan at tumalon na sa balkonahe. Nang malapit na ang lupa, gumamit muli ako ng kapangyarihan na manipulahin ang lupa na maging malambot. Pag ka apak ko ay dali dali kong binalik ang matigas na lupa at itinigil ang pag gamit ng kapangyarihan. Buti walang nakakita.
Tumingin muli ako sa itaas at nasilayan ko ang naka silip na si Divine sa akin. Hindi ko na lamang s'ya pinansin at saka tinaas kamay habang nakatalikod.
Gusto kong mapag isa at maglibot sa lugar na ito.
~
Madaling araw na ngayon. Napagod ako kakalibot, ngunit na busog naman ang aking mga mata ng samut saring makabagong tanawin.
Nagpahinga na lamang ako sa isang coffee shop na malapit lamang sa hotel na kinalalagyan namin sa kasalukuyan. Habang umiinom ako ng kape at tumitingin sa labas ay narinig ko ang bulong sa akin ni Deni. "M.G! Nasaan ka ba raw! Malapit na 'kong sapakin sa mukha ni Divine! Mawawalan ng poging sa grupo natin sige ka!" Bumuntong hininga ako at bumulong na rin sa kaniya.
"Nagpapahinga lang ako ngayon. Mag ayos na kayo, babalik ako riyan maya maya." Bulong kong sabi sakaniya sabay simsim sa kape. "Yes Yes ma'am!" pahabol niyang bulong.
Nagpatuloy lamang ako sa pag inom ng kape habang tumitingin sa paligid. Napaka-payapa rito, which is odd. Tss. Kailangan ko na sigurong masanay na magsalita ng ingles dahil iyon ang karaniwang ginagamit dito. Baka naman asarin nila ako kapag narinig nila akong magsalita ng ganoon tss.
Nabulabog ang pag-iisip ko dahil sa ingay. Hindi ko na lamang pinansin at nagpatuloy sa pag-mumuni.
~
Iinom pa muli sana ako ng matapon ito sa damit ko. Hindi lamang iyon ay may kape pang nabuhos sa buhok ko at sa damit ko ulit. Uminit ang dugo ko ngunit pinigilan ito. Nag taas ako ng tingin at nakita ko ang isang lalaking gulat na gulat din sa nangyari. "Ano bang problema mo ha!?" Naiinis na ako dahil sa may gana pa siyang mag pa kainosente at magulat.
Lumingon siya sa isang lalaki na tumatakbo palabas. "Woi! sabi ko-" Hahablutin ko sana ang kaniyang kuwelyo ng bigla itong tumakbo na mistulang hinabol 'yong lalaking tumakbo palabas ng shop kanina. "Tang-" Lumabas din ako ng shop at dahil sa init ng dugo ko ay nagpalit anyo ako.
Hinabol ko ang lalaking naka buhos ng kape sa akin. Lintik na hindi man lang humingi ng sorry! Sinisigawan pa ng lalaki ang hinahabol niya ring isang lalaki na ngayon ko lang napansing may hawak hawak na bag na sa pag kaka alam ko ay masyadong pang babae upang maging sakaniya.
Upang matigil ang paghahabulan ay minapula ko ang hangin na gumawa ng isang hindi nakikitang lubid upang itali sa dalawang lalaki. Nang magtagumpay ay bumalik ako sa dating anyo at lumabas mula sa gilid. Nagulat sila at pinipilit na makawala. Ang isang lalaki na naka tapon sa akin ng kape ay pinag susuntok ang lalaking hinahabol niya, kahit na nahihirapan.
"Mangnanakaw 'to miss! tawagan mo 'yong pulis!" Sigaw sa akin noong lalaking naka tapon sa akin ng kape. "At sino ka para utusan ako?" Mataray kong sagot. Walang sabi sabi'y may dumating na mga pulis. Base sa proseso ay ito ang mga tagapagligtas ng mga tao. Tinigil ko ang pag mamanipula sa hangin at dahil doon ay may na realize ako.
Gagi, nakita siguro nila 'yong pag ilaa ng mata ko? Ugh! Wrong move Mrawzha!
Dahil doon ay ginamit ko muli ang kapangyarihan ko upang manipulahin ng oras. Ibinalik ko ang oras kung saan naghahabulan muli kami. At hindi matitigil ang paghahabulan kung walang titigil na lugar. Kung kaya ay pati na rin ang lugar na puwedeng patitigilan nila ay minapula ko.
Nang nasa lugar na sila kung saan ko sila dinala upang tumigil sa paghahabulan ay tatakas muli sana ang kawatan ngunit upang makatulong na rin ay minapula ko na rin ang hangin na gumawa ng hindi nakikitang force upang bumalik sa kung saan nanggaling ang taong gustong umalis sa lugar na iyon.
Tagumpay. Dahil sa sobra sobrang kapangyarihan nagamit ay napagod ang aking katawan. Sinigurado kong hindi nila ako makikita kanina habang ginagawa ang pag mamanipula. Alam kong hindi na muli umiilaw ang aking mga mata kung kaya'y naghintay na lamang ako sa darating na mga pulis.
Pagkarating nila ay ganoon pa rin ang nangyari ngunit ang pag kakaiba ay wala na ako roon sa kanilang mga harapan at iba na ang lugar. Hinihingal akong umalis sa aking pinagtataguang puwesto. Hinintay na umalis ang mga pulis kasama ang kawatan.
Naiwan kaming dalawa ng lalaki'ng 'to na nag buhos sa akin ng kape. Hindi ko na dapat siya pansinin at aalis na sana upang bumalik sa hotel ngunit bigla n'ya akong hinawakan sa balikat. Nang dahil sa gulat ay kinuha ko ang kaniyang kamay na nakahawak sa aking balikat saka siya itinumba. Aamba pa sana ako ng suntok.
"T-teka miss! mali 'yang iniisip mo! Hindi ako masamang tao!" Nag papanic na sabi ng lalaki. Habang pinapag pagan ang kaniyang damit habang tumatayo. "Nagulat ka siguro sa ka gwapuhan ko 'no?" Tinaas baba pa niya ang kaniyang isang kilay.
Ang yabang. Sarap ipatapon sa hawla ng mga dragon.
Hindi ko na lamang siya pinansin dahil napagod ako sa nangyari kanina at akma muling lalakad pa alis doon. "Teka miss! Maraming salamat nga pala! " Tumigil ako ngunit hindi lumingon. Salamat? Saan? Hindi naman ako nagpakita, puwera na lang no'ng na kuha na ng mga pulis 'yong kawatan na hinahabol n'ya.
"I-i mean.." Pag sabi niya muli. Nilingon ko siya at hindi nakawala sa aking mga mata ang biglaang pag pula ng pisngi niya habang gulat na gulat. "Tss. Hindi ka man lang marunong mag sorry." Sabay alis ko ka agad. Narinig ko pa siyang sumigaw ngunit hindi ko na napa ringgan ng maayos dahil nanghihina ang aking katawan.
Bumalik na ako sa hotel, at rinig na rinig ang pag babangayan nila Deni, Devine at Namy. Sasakit pa yata ulo ko dahil sakanila. Pumasok ako sa silid at nakita ang iba na naka ayos na at nagpapahinga na lamang. Umupo ka agad ako sa upuan na malapit lamang sa pinto at saka sinapo ang ulo.
"Oh. Narito na pala ang kamahalan natin." Sarkasmong sabi ni Divine. "Woi, no need to be sarcastic Divine. She really is indeed the royal one." Nilaliman pa ni Deni ang kaniyang boses. "Ang pangit mo talaga Deni, legit. Nag english ka pa? Yak!" May pandidiring sabi ni Namy. "Hiyang hiya ako Namiena, hiyang hiya talaga. I'm dissapointed. Tsk tsk tsk." umiiling na sabi ni Deni. "Tangina mo ka! Sabihan pala ng pangalan ha! Aide-" Tinakpan ka agad ni Deni ang bibig ni Namy.
"Tumigil nga kayo! napag kaingay n'yo kahit kailan! Lumabas nga muna kayo mga leche!" Pananaboy ni Divine kaila Namy habang tinutulak sila palabas. "Love you M.G!" Pahabol na sabi ni Deni sabay bagsak ng pinto. Tarantado.
"Oh, anong problema mo iha? ipag hahanda ka ba namin ng pagkain? may pa talon talon pa kasing nalalaman, ayan!" Turo n'ya sa akin habang umaandar nanaman ang ka ingayan.
Tangina naman. Pagod ako tigilan n'yo 'ko. Tumayo na lamang ako at nagtungo sa cr. "Woi! bakit naligo ka pala sa kape-" Hindi ko na s'ya pinatapos at binagsak ang pinto sa cr. Gago, walang kasalanan 'yong pinto Mrawzha.
"Nakakapagod. Tss" Bulong ko habang tiningnan ang kabuuan ko sa salamin. Naligo nga ako sa kape. Sandali nga, bakit nagpa salamat 'yong mayabang na lalaking 'yon?
Bahala na nga. Isang taon kami rito sa mundo ng mga tao, at unang gabi pa lamang ay napaka pangit na ng bungad.
Sana lamang ay kahit isa lamang ay may mangyaring maganda.
"Halika anak."
"Ano po iyan nay?"
"Regalo ko ito sa'yo. Halika isusuot ko saiyo."
"Ang ganda nay, pangako po lagi ko itong susuotin!"
"Dapat lang anak, at dahil diyan lagi mong kasama si nanay! Halika rito bibigyan kita ng monster kiss!"
"Nay! tama na!" Sabay bulalas ng tawa. "Nay ano po ba iyong binanggit niyong salita kanina?"
"Malalaman mo rin nak. Sa susunod na maka punta ka sa mundo ng mga tao."
"At mahahanap mo ro'n, ang susi."
Hinihingal akong nagising sa aking panaginip. Ano 'yon? bakit bigla biglaan? Tss. Tumayo at kumuha ng malamig na tubig sa mesa ro'n. palagi na lang gano'n, lagi na lang bigla biglaan.
Bigla bigla kang magpaparamdam. Kung kailan laging pansamantala kang wala sa isipan ko. Tinigil ko ang pag iisip ng ganoon at inilapag ang baso.
Nagtungo ka agad ako sa aking bag at kumuha ng jacket. Pumunta ako sa balkonahe at nag palamig doon. Bumuntong hininga ako at tumitig sa gabing tanawin ng siyudad na ito.
Lagi na lang 'nay. Bakit ka ba gan'yan? isip ko muli, habang nagpipigil ng luha.
Pumikit ako at hindi ko na alam kung ano pang nangyari.
~
"M.G naman! Bakit ka ba natulog!? 'di ba nga aalis tayo? or kami na lang, M.G naman kasi, hapon na oh!" Sabay turo ni Deni sa bintana. Kaka bangon ko lang sa kama at gumaan gaan ang pakiramdam ko. Oo nga pala, badtrip.
"Edi dapat umalis kayo, hihintayin n'yo pa 'ko." sabay kuha ng tinapay sa mesa. Nagutom ako gagi. Napansin ko ang pag tahimik nilang lahat. Lumingon ako sakanila isa isa habang may tinapay sa bibig. Naka krus ang kanilang mga braso at nakataas ang mga kilay.
"Anong problema n'yo? Tss." Hindi maayos ang pag kakasabi ko no'n dahil may tinapay sa aking bibig. Hindi pa rin sila umimik. Nag titigan lamang kaming lahat sa kuwarto habang ako ay parang tangang nililibot ang tingin isa isa sakanila, nag babaka sakaling malaman kung anong problema nila.
"M.G alam mo namang nagagalit ka kapag hindi ikaw ang nag uutos at iba 'di ba M.G hehe. Kaya please lang M.G natatae na 'ko, nakikisabay lang ako sa kanila kasi mukhang astig hehe." Bulong sa akin ni Deni na nasa harapan ko lamang habang patagong hawak ang tiyan. Kahit kailan talaga. Bumuntong hininga ako. "Ano na isip mo na ba kung anong problema namin?" Sarkasmong sabi ni Divine.
"Deni." Pag tawag ko sakaniya sabay tingin sa cr. Nakuha naman n'ya ka agad ang tinutukoy ko sabay karipas ng takbo patungong cr. Kamuntikan pa n'yang matumba si T.A na tahimik lamang na nakatayo sa gilid.
Bumuntong hininga muli ako. "Pasensya na. Papahintulutan ko na kayo sa susunod na kumilos ng walang permiso galing sa akin." Sabi ko sakanila. Ang mga walang hiya ay umalma pa.
"Ay sus scam." Komento ni Divine. "'di natin sure guys." Isa pa 'tong si Namy. "Pang ilan na 'yan. Sus" Komento naman ni Yno. Sumabay pa ang tangina. "Agree po hihi." Komento ng inosenteng si Lei Lei. Isa pa 'to. At lahat pa sila ay may iba't ibang komento.
"Nako. 'Wag na 'wag kayong maniniwala sa gan'yan gan'yan ni M.G, napaka paasa n'yan. Saksi ako sa mga gan'yang salita n'ya. One time hindi na 'ko humingi ng permiso sa kan'ya? A'nyari? Nabugbog pogi kong mukha amp. Sarap din sapakin eh." Pag kuwento ni Deni habang palabas ng cr at kumukuha ng chichirya. Umupo siya sa tabi ni Yno.
Tahimik lamang kami, ang tanging naririnig lamang ay ang pag kain ni Deni. Ilang segundo pa bago n'ya na realize ang sinabi. Tumigil siya sa pag nguya at dahan dahang tinaas ang tingin pa punta sa aking mga mata. Mga matang umiilaw na. Nag simula siyang manginig at mukha s'yang tangang gulat na gulat.
"Paki ulit ng sinabi mo Deni. Sarap ding? Ano ulit 'yon? hindi ko narinig ng maayos." Sabi ko sakaniya ng may sarkasmo. Naka tingin lamang ang iba sa amin habang may nabubuong tensyon sa silid. "M-M.G, a-ano, natatae pa-pala u-ulit ako e-ehehe." Sabi niya habang tumatayo dahan dahan. Walang pasubaling kumaripas siya ng takbo sa pinto palabas ng silid.
Minapula ko ka agad ang pinto upang hindi magbukas. Nagulat si Deni ng pihitin ang door knob na hindi na gumagana. "Anong sabi mo Deni? hindi ba eh natatae ka? Riyan ba ang tamang pinto na dapat mong gamitin?" Mabait kong tanong kunwari. Lumingon siya ng dahan dahan sa akin at ngumisi ako sakaniya.
Nagulat muli kami sa pagtakbo niya, ngayon ay mas mabilis papunta sa cr kung kaya ay hindi ko na manipula ang pinto upang hindi siya maka pasok. "S-sorry na M.G! Nagbibiro lang ako!" Sabay iyak niya kunwari. Ngumisi muli ako at minapula ang pinto upang hindi mag bukas. "Have a great time there Deni. I love you so much, muah!" Pang aasar ko sakaniya at saka pinihit pihit niya ang door knob ngunit walang nangyayari.
"M.G! parang awa mo na!" Sabay suntok suntok sa pinto. "Ang saya naman M.G, walang maingay" Komento ni Namy. "Mukhang hapon na at hindi na natin matutuloy ang dapat misyon ngayon. Mag libot na lamang tayo." Sabi ni Yno na alam kong nang aasar kay Deni. "Magandang ideya Yno, arat na." Sabi ko sakaniya habang nakangisi.
"Lezzgo! See you Deni!" Pang aasar naman sakaniya ni Divine. "WAH!! M.G!! HUHU!!" malakas na sigaw ni Deni.
.....