Again
"Para kang tanga Deni." Sabi sakaniya ni Divine na kumakain habang naglalakad kami.
Kasalukuyan kaming nasa isang theme park na sinasabi ni Hugon. Naka sukbit ang kamay ni Deni kay Lei Lei upang maka siguradong hindi ko s'ya gagalawin. Simula ng paka walan ko siya sa cr, ay bigla bigla na lamang s'yang tumabi kay Lei Lei at hindi na s'ya bumitaw.
Para ngang tanga.
"Mas tanga ka, pupunta nga tayo ng restaurant tapos bumili ka pa ng pagkain amp." Sagot n'ya sa sinabi sakaniya ni Divine. "Mrawzha oh!" Pang aasar ni Divine muli kay Deni. Bumalik sa takot ang mukha ni Deni at tumahimik na lamang. Pupunta kami ngayon sa isang kainan na hindi mapakaling gusto muling balikan ni Hugon.
"Ano ba Deni!" Biglang sigaw ni Divine kay Deni. Napalingon tuloy kaming lahat sakaniya. Bumulong nanaman 'to sakaniya. "Kanina ka pa, halika rito, hayop ka!" Sabay akmang babatukan si Deni. Hindi s'ya natamaan kung kaya tumakbo sila at naghabulan. "Sabi ng hayop naman talaga ako!" Sigaw na sagot niya kay Divine habang hinahabol siya.
Ang kukulit. Kasabay ko ngayon sa aking tabi si Nio na halatang tulala. "Woi, ayos ka lang?" Pag akbay ko sakaniya na nahirapan pa ako dahil ang tangkad na n'ya talaga. Bumuntong hininga muna siya bago nag salita. "Si Fasha nga ate. Ano ba nangyari sakaniya?" Malungkot n'yang sabi.
Naaalala ko ang sabi ni Nio sa akin noong nasa Echimora pa kami. Ito na raw ang tamang tyansa upang makasama n'ya pa kami, lalo na anng kaniyang kakambal. Nakakahawa pa naman kapag malungkot 'to.
"May rason si Fasha kung bakit s'ya hindi sumama Nio. Kung ano man 'yon, kahit labag sa kalooban natin, Respetuhin pa rin natin." Sabay ngiti ko sakaniya. "'Staka 'wag ka ngang gumamit ng ganiyang malungkot na mukha. Nawawala 'yong kagandahan ng lahi natin tss." Inis ko kunwaring sabi sakaniya. "Baka rito natin makita 'yong the one ate. Ehehe." Natigilan ako sa sinabi niya. Napansin n'ya ang pagtigil ko kung kaya ay binawi n'ya ang sinabi. "Biro lang ate. 'To naman; halika na nga." Sabay higit niya sa akin.
Bumuntong-hininga na lamang ako at nagpa higit.
~
"Dahan dahan nga sa pag kain Deni para kang baboy!" Inis na sabi ni Namy kay Deni. Napaka kalat nga.
"Hayaan n'yo na ngayon lang naman tayo naka tikim ng ganito." Pag salo ni Yno kay Deni. "Ha! bleh!" Sabi ni Deni sabay labas ng dila upang asarin si Namy. "Tangang unggoy!" Sigaw pa ni Namy kay Deni. "Hoy! Namy may mga tao rito, haler!" Pinalaki pa ni Divine ang kaniyang mata. Ngumisi ako.
"O.M.G" Mahinang bulong ni Namy sa sarili na hindi naka-takas sa aming pandinig.