Matapos i announced nang emcee na tapos na ang graduation ceremony ay agad naman na umakyat sa stage si Don Roberto para i announce ang inihanda nila ni Adrian, gabi bago ang nasabing event.
"Congratulations again graduates! but before we end this program i just wanted to say that I am thankful for all of you, this token of appreciation may not be enough for your hard work but i hope it can help you whenever you need to, me and my apo prepare a simple gift to all your parents and a small amount of cash to all graduates, you can use it as your allowance while looking for a job, job well done parents and graduates, and one more thing, may inihanda kaming salo salo diyan sa oval para sa ating lahat, feel free to eat and enjoy the food before you leave. Thank you," mahabang anunsyo ng Don.
Lahat nang estudyante at mga magulang ay nagsipalakpakan dahil sa anunsyo na iyon ni Don Roberto.
sabay sabay tumungo ang lahat nang participants sa oval para doon na kumain, nandoon na rin ang mga nasabing regalo ni Don Roberto, habang busy kasi ang mga tao sa ceremony ay ipinaayos na ni Don Roberto ang venue sa kinuha nilang catering services para naman kapag natapos ang graduation ay deretso naman sila sa kainan, batid kasi nang matanda na iba sa pamilyang naroon ay hindi na magagawang kumain sa labas or magluto nang masarap dahil sa kulang sa budget kaya naman naisipan na niyang i treat na rin nang lunch ang mga ito, bukod doon ay marami rin kasi siyang scholar students sa mga nagtapos kaya naman sobrang saya niya na ipaghanda ang mga ito nang salo salo, lalo pa't isa sa kaniyang scholar ay naging summa cumlaude pa.
Kani kaniya na nang hanap nang pwesto ang mga estudyante dahil ilan sa kanila ay tumabi na nang pagupo sa kani kanila nilang kaibigan, kaya naman si Rey, Celine at Adrian ay magkakasama sa iisang lamesa kasama ang mga magulang nila at si Don Roberto na rin.
"It was nice seeing you all together," masayang bati ni Don Roberto
"Thank you po for making this graduation extra memorable, Lolo," Celine said.
Agad naman na kinalabit nang ama ni Celine si Celine dahil sa pagtawag nito nang lolo sa matanda, "Ano ka ba Celine, ano ba at bakit lolo ang tawag mo sa Don?" tanong nang ina.
"Okay lang iyon, iyon naman ang gusto ko, matagal tagal rin bago ko sila napa payag na lolo ang itawag sa akin, kaya wala naman problema iyon."
"Nakakahiya naman po," nahihinyang sagot nang ina nang dalaga.
"Okay lang iyon," sabay baling nito kay Celine. "It's okay iha, matagal ko na rin naman nai-plano ang bagay na ito, and i think this is the best moment and time for that,"
"Thank you po ulit,"
"By the way, what's your future plan pala ? vacation muna ?" tanong ng matanda
"Actually lo, as of the moment wala pa po, parang mas gusto ko po muna enjoyin yung kahit ilang linggo na hindi po stress and hindi kailangan gumising nang maaga," natatawang sagot nang dalaga dito. "Medyo naging harsh din po kasi ako sa sarili ko talaga eversince nalaman ko po na cumlaude ako at wala pa rin po akong maayos na pahinga."
"Sa bagay nga iha, mas okay din na magpahinga muna bago maghanap nang trabaho, after all kailangan ninyo pa rin naman muna asikasuhin ang mga requirements ninyo, wag ninyo masyado madaliin ang mga bagay bagay at darating din naman kayo doon."
"Kaya nga po," sagot nito. Agad naman siyang bumaling sa direksyon ni Adrian na seryosong nakikinig sa usapan nila nang lolo nito, "Congratulations, mukhang puyat tayo ah,"she smiled.
"To you as well," nahihiyang sagot naman nito, hindi kasi ito sanay na kinakausap si Celine na kaharap ang kaniyang lolo at mga magulang nito. "Hindi ako nakatulog to be honest kasi marami akong inasikaso pero okay lang naman."
"At isa itong event na ito tama? thanks for your effort at dahil doon libo libong mga estudyante at mga magulang ang napasaya mo." Nakangiting sabi nito.
"Bakit parang mahiyain?" pang-aasar ni Rey sa kaibigan nito.
"Hindi pwedeng kumakain kasi kaya ganoon ?" sagot naman ni Adrian.
"Sus, parang hindi ko naman alam," natatawang asar pa nito. " Pero ang sasarap nang food, ikaw namili nang menu bro?"
"Sino pa? Gutom lang yan, ikain mo na yan para mamaya hindi ko na kailangan ilibre ka kapag lumabas tayo."
"Aalis tayo? saan tayo pupunta?"
"Hindi ko ba nasabi? nag book si lolo nang ticket para daw makapag bakasyon tayo." walang emosyong sabi nito.
"For real lolo ?" excited na tanong ni Rey, "Eh bat parang hindi ka naman masaya?"
"That was Adrian's only request, alangan naman na tanggihan ko yan, e nag-iisa yan sa lahat," sabay kindat nang matanda. "Pagod lang yan, don't mind him."
"Cool," sabi naman ni Rey, "Thank you at kasama po ako."
"Yun ay kung papayag ang mga magulang ninyo, hindi pa tayo nakakakuha nang approval nila." Sabay tingin nang matanda sa mga magulang nang mag-pinsan, " feel free to answer me, wag kayo matakot na papayagan nyo lang sila kasi dahil sa akin, kayo pa rin ang magdedecide kung papayag kayo or not ."
"Wala naman pong problema sa amin iyon señor, dahil matatanda naman po yang mga batang iyan at alam po namin na alam naman nila ang limitasyon nila, may tiwala naman po kami sa mga bata," nakangiting sagot nang ama ni Celine.
"Ayon, wala naman pala problema, pero don't worry at may kasama naman silang matanda doon sa bahay, para may mag prepare nang food na kakainin nila."
"Maraming salamat po at ipapa expirience nyo po sa kanila ang mga bagay na hindi namin kayang ibigay sa kanila," naluluhang sagot naman nang ina ni Celine.
"Wag kayo mag-alala, isipin ninyo na lamang na reward ko ito sa mga bata dahil sa husay na ipinakita nila sa pag-aaral, isa pa hindi nila ako binigo sa mga panga nila sa akin, dito man lamang sa maliit na bagay na ito ay mapasaya ko sila kagaya nang pagpapasaya nila sa akin at sa aking apo,"
"Maraming salamat po ulit."
"By the way, pagtapos ninyo kumain ay maghanda na kayong mag empake at seven mamayang gabi ang flight ninyo, tatlong oras bago ang flight dapat nasa airport na kayo, wag kayong male late at baka maiwan kayo nang eroplano," paalala nang matanda. "I already sent your pocket money to Adrian, wag nyo kami alalahanin dito at mag enjoy kayo roon okay," nakangiting sabi pa nito.
"We will lolo, thank you po ulit nang marami."
Matapos nilang kumain ay nagpaalam na sila sa isa't isa, si Celine at Rey ay sabay pa rin umuwi sakay nang sasakyan na sinakyan nila nang umaga ganoon din ang mag lolo.
Hindi naman na nag aksaya nang oras ang tatlo at agad na nag empake nang damit na dadalhin nila.
Celine was shocked when she entered her room at nakita doon ang isang maleta at marami raming mga bagong damit, mayroon dress, pants, t shirts, gloves, bonnet, scarf, winter jacket at even sapatos na nakapatong sa ibabaw nang kaniyang higaan at tumambad sa kaniya pagbukas na pagbukas pa lamang niya nang pinto.
"I hope you don't get mad about this, i asked Rey's help about this since I don't know what your size is, para naman hindi ka na mahirap mag decide kung anong dadalhin mo sa biyahe natin, i also buy clothes for Rey kaya don't worry, all you had to do is to show up sa airport sa usapan nating oras para naman matuloy tayo, see you later," Napangiti na lamang siya sa nabasang notes na naka paloob sa mga ito. "Ikaw talaga Adrian, you never fail to surprise me," and she smiled widely even more.
It's been five years noong last na nag travel ako outside the country, pero pakiramdam ko first timer ako dahil kasama ang kaibigan ko and ofcourse si Celine, ang babaeng gusto ko.
Alam ko naman na hindi ako tatanggihan ni lolo kaya naman ito ang hiniling ko sa kaniya in exchange of his promise, nangako kasi siya sakin na he will give everything or anything that i asked as a reward for being a summa cumlaude, and ito na nga iyon. Pinag-isipan ko muna maigi kung ano ang hihilingin ko tapos bigla ko narealize why not travel with them, para naman ma expirience din nila ang mag travel bago man lamang ma stress sa paghahanap nang trabaho.
I chose south korea and japan, why? cause why not, Celine loves korean drama and anime manga, kaya naman bakit hindi ko sila doon dalhin hindi ba? i know Rey would love that place too, hindi naman siya picky, what he always wanted was for Celine to be happy. That's how he love his cousin, kasi nga naman dadalawa lang silang magpinsan talaga.
Isa din iyon sa maraming dahilan kaya naman nagustuhan ko si Rey, he is a good friend, he never thought me bad, napaka bait na tao dahil napaka bait din nang mga magulang.
I already plan our itinerary, three days kami sa korea then four days kami sa japan, mas bet ko rin kasi ang japan since hindi pa rin ako nakakarating doon, bloom nang cherry blossom ngayon sa japan kaya naman timing din talaga ang pagpunta namin, surely we will enjoy our vacation.
exactly 3pm ay umalis kami ni kuya sa bahay para daanan na rin si Rey at Celine bago pumunta sa airport, nagpa drive na ako since ayoko naman iwan ang sasakyan sa airport.
after six hours of travel papuntang korea ay gabi na rin halos kami nakarating kaya naman nagpadeliver na lang kami nang dinner namin sknce pagod rin naman kami sa byahe, bukas na lang kami mamamasyal.
Dito kami dumeretso sa vacation house nila lolo sa korea, lola loves to travel rin daw sabi ni lolo and ashe also loves to stay in a cool weather country kaya naman bumili sila nang vacation house dito na malaking bagay kasi ang mahal nang condo and wala naman kaming makikitang apartment rito na pang 3 days stay lang, hindi rin nakapag ready nang food si manang Lea kasi hindi rin naman namin siya na-inform kung anong oras ang dating namin, but the whole house was clean and malinis na rin naman ang kani-kaniya naming kwarto.
"Finally narating rin kita korea," masayang sabi ni Celine.
"Same here, never sumagi sa isip ko na makakarating ako rito, kasi wala rin naman talaga sa plan ko ang mag-travel kahit pa magka-trabaho at makaipon ako," sabi naman ni Rey.
"Why not kung may ipon ka naman?" tanong naman ni Adrian
"Wala lang, it's just thay i didn't see myself traveling," kibit balikat na sabi nito.
"Sa bagay nga, mas maganda pa rin kasi mag travel kung financial stable na."
"Tama, pero di ba ngayon kumakain na ako nang ramen dito sa korea, thanks bro." tapik nito sa balikat nang kaibigan.
"Always welcome, basta para sa inyo,"
"Para sa amin ba talaga?" pabirong sabi ni Rey kaya naman napatingin si Celine na nagtataka.
"Kumain ka na lang nang ramen dyan, ang sarap mo dagukan,"
"Care to share? andito ako oh,"
"Boy's talk, kumain ka na lang para makapagpahinga ka nang maaga at maaga rin tayo mamamasyal bukas, after all masyado na rin pagod ang mga katawan natin." Sagot ni Rey sa pinsan
"Sa bagay nga."
Matapos nilanv kumain ay iniligpit lang nila ang kanilang mga pinagkainan at sabay sabay nang pumanhik sa kanilang kwarto para makapagpahinga na, masyado naging mahaba ang araw na iyon sa kanilang tatlo dahil wala pa rin naman silang pahinga simula pa graduation nila dahil matapos iyon ay ilang oras lang ang pagitan ay bumiyahe naman sila nang matagal na biyahe kaya sobra na rin talaga ang pagod nila, lalo pa at kulang rin naman sila sa tulog dahil sa sobrang excited nila para sa kanilang graduation.
Indeed their graduation became memorable for the three of them.