six am ay nag ayos na kami para naman masulit namin ang pamamasyal ngayong araw, balak namin na pumunta sa jeju island since gusto daw iyon makita nang magpinsan, plano namin na puntahan muna ang mga malalayong lugar at tsaka kami maglilibot sa malapit next day.
May lisensya naman din ako dito and may available car naman din si lolo kaya hindi na kami mahihirapan mag travel kung sakali, pwede na rin kami sa sasakyan kumain habang bumibiyahe, gusto kasi namin talaga masulit ang ilang araw sa pag stay sa korea, gusto namin masubukan ang mga cuisine nila na hindi pa namin natitikman.
Since maganda ang klima sa korea ay magandang mamasyal, hindi malamig at hindi rin mainit kaya kahit papaano ay pwede kami maligo sa jeju, gusto namin libutin ang island kaya balak namin mag island hopping na rin, cause why not di ba? kung pwede naman.
I just wore my simple jeans and shirt, tapos nagsuot na lang rin ako nang leather jacket, nagdala rin ako nang extra clothes kasi balak nga namin mag swim, mas maganda na yung ready. Hindi na rin kami kumain nang umagahan sa bahay, bibili na lanh kami siguro para sa sasakyan na lang kami kumain habang bumibiyahe.
"You guys ready?" tanong ni Adrian
"Ready naman na, kaya lang iniisip ko kasi kung may nakalimutan ako," sagot ni Rey
"Mahalaga magdala ka nang extrang pang palit kung mags swimming ka,"
"Ah oo nga pala no, tatawagin ko na rin pala si Celine at baka hindi pa ready ang isang yon," sagot nito ulit.
"Okay sige, bilisan nyo at para naman maaga rin tayo makarating sa pupuntahan natin, matagal na biyahe yon since hindi naman tayo mag-eeroplano,"
Agad naman tumakbo si Rey patungo sa silid nang kaniyang pinsan para malaman kung nakabihis at ready na na umalis ito.
"Knock! knock! Lyny okay ka na daw ba?" sigaw nito sa labas nang pintuan nang dalaga
"Pumasok ka na muna at may itatanong ako sa iyo," pasigaw na sagot naman nang dalaga sa kabilang pinto
"Ano ba iyon at bakit ang aga aga ay parang aburidong aburido ka?"
"Eh kasi hindi ko alam kung anong isusuot ko, kaya ayoko nang may maraming damit kasi ang hirap mamili tapos ang gaganda pa pare parehas," buntong hininga pa nito.
"Ang ganda nang problema mo ano? kung saan ka kumportable ay iyon ang suotin mo, magdala ka rin nang extrang damit para may pang palit ka kapag naligo,"
"Ready naman na yung mga dadalhin ko, itong susuotin ko na lang ang problema ko," sabay turo sa mga damit na nakalatag sa higaan nito.
"At saan ka ba kasi kumuha nang ganiyang karaming damit? samantalang hindi naman ganyan karami ang kaya mong ilagay sa maleta na dala dala mo," nagtatakang tanong nang pinsan nito.
"Pag bukas ko nang closet ay tumambad sa akin ito, tapos may notes na pwede ko raw gamitin ang kahit alin dito since sa akin naman ito,"
"Talaga nga naman oo," mapang-asar na sabi nito sa pinsan. "O siya simplehan mo na lang, isuot mo yang leather jacket at medyo malamig raw sa biyahe," nakangiting bilin nito. Nakita niya kasi na naka leather jacket si Adrian kaya naman kunyaring kupido siya nang dalawa, ang kaniyang pinsan at ang kaniyang matalik na kaibigan sa araw na iyon.
Agad na rin naman bumaba si Celine matapos nitong i finalize ang kaniyang susuotin, hindi niya kasi talaga alam kung ano ang babagay sa weather nang korea dahil ibang iba naman ang klima nito sa pilipinas.
She is wearing a skinny jeans na nag emphasize nang kaniyang mahabang hita at longsleeve na puti, naka tuck in ito sa kaniyang pantalon kaya naman kitang kita rin ang ganda nang hubog nang katawan nito, bitbit nito ang isang leather jacket na sinabi nang kaniyang pinsan at isang shoulder bag na may kalakihan dahil sa may dala nga siyang extrang damit para may pamalot, may dala rin siyang sunblock at shades, kahit pa bago lang sa kaniya ang sunblock ay nagdala na rin just in case.
Napa singhap siya nang nakita nito na naka suot rin nang leather jacket si Adrian kaya naman agad siyang napa tingin sa kaniyang pinsan na nang mga oras na iyon ay ang ganda nang ngiti habang naka tingin kunyari sa bubungan, pasipol sipol pa ito na alam mo talagang nang aasar
"Tss, kaya pala nagtataka ako," pairap na sabi ni Celine
"Malamig naman kasi talaga, kahit ako naman ay naka jacket din, hindi nga lang leather kasi wala naman akong leather jacket no," pang-aasar pa nito.
"I bought you one, hindi mo ba nakita sa closet mo?" patay malisya namang tanong ni Adrian dahil hindi naman nito alam ang ginawang kalokohan nang kaibigan
Agad naman siyang tinapik nito sa balikat at sinabing "Wala akong nakita, wala akong oras para maghanap pa nang leather jacket kaya naman kung ano ang una kong nakita ay siyang isinuot ko which is okay naman kasi maganda at kumportable ako," sagot nito, pero ang totoo ay nakita niya talaga ang leather jacket, nagkataon lang kanina na bago siya bumaba sa sala ay sumilip siya sa kwarto ni Adrian nang hindi nito nalalaman kaya naman nakita nito na gagamitin niya ang kaniyang leather jacket kaya ibang jacket ang isinuot niya.
"Ah okay, halika na para hindi tayo tanghaliin sa biyahe at anong oras na rin naman, bumili na lang tayo nang pagkain sa daan para may makakakain tayo sa sasakyan.
"Wait lang, may kukunin lang ako sa kusina," sabi ni Celine.
Pagbalik nito ay may dala itong picnic basket na may lamang pagkain, dahil maaga siya nagising ay nagpatulong siya kay manang Lea magprepare nang pagkain, gumawa siya nang sandwich, nagdala rin siya nang prutas, juices at kung ano ano pa.
"Kinuha ko lang to, maaga kasi ako nagising kanina kaya nagpatulong na ako kay manang Lea para maghanda nang pagkain just in case na magutom tayo sa biyahe."
"Hindi mo naman sinabi na may balak ka pala mag picnic lyny ano?" natatawang tanong ni Rey dito.
"Wala kasing ibang lalagyan kaya dito ko na inilagay, kapag may picnic basket magpipicnic agad? grabe to, ikaw na magdala o," sabay abot nito nang basket sa pinsan.
"Thanks for preparing, halika na."
At tuluyan na nga silang umalis. Matagal rin ang kanilang biyahe pero dahil naghanda si Celine nang pagkain ay hindi na nila kinailangan na tumigil pa para bumili nang pagkain kaya naman kahit papaano ay bumilis ang naging biyahe nila, enjoy naman ang naging biyahe nila dahil maganda naman ang scenery sa mha dinadaanan nila at nalalanghap pa nila ang sariwang hangin na nagmula sa probinsya, talaga namang sikat ang jeju island dahil nasa pinas pa lamang sila ay palagi ito napapanood ni Celine sa mga korean drama na pinapanood niya kaya isa talaga ito sa gustong gusto niyang puntahan sa lugar nang korea, kaya naman first stop, Jeju Island.
Ang Jeju ay ang pinakamalaking isla ng Korea, ang mga puting buhangin na beach, malinis na tubig, luntiang kalikasan, at ilang magagandang tanawin. Art fan ka man o beach lover, ang Jeju island ay one-stop destination para sa lahat ng turista kagaya nila. Ang mga Restaurant sa Isla ng Jeju na may Scenic na Tanawin na talaga namang magugustuhan nang sino mang bumisita.
Kilala rin ang Isla ng Jeju para sa masasarap na mga pagkain sa Korea na mag-iiwan sa iyo ng labis na pananabik. Ang mga chef ay nagdaragdag ng mga lokal na sangkap sa mga pinggan nang napakaganda na ang bawat kagat ay magbibigay sa iyo ng ibang antas ng kasiyahan. Pangunahing makakahanap ka ng seafood sa mga restawran na matatagpuan malapit sa isla ng Jeju.
Kaya naman karamihan sa bumibisita nang jeju island ay seafood talaga ang kinakain dahil sa maamoy mo rito ang amoy nang tubig dagat, makikita mo rin mismo sa restawran ang mismonh dagat kaya naman mas masarap kumain.
Pagkarating na pagkarating nila sa isla nang Jeju ay naghanap agad sila nang restawran na nagseserve nang isa sa pagkain na talagang gusto nila matikman at iyon ay ang gogi guksu or pork noodle soup dahil masarap kumain nang noodles sa malamig na panahon, at alam nila na talagang authentic ang lasa dahil gawang korea talaga, gawa nang magagaling na chef nang korea.
Agad naman silang nakahanap dahil handa naman sila sa pagbisita, naka ready ang kanilang itenirary at listahan nang mga restawran na pwede nilang kainan habang nandon sila, maaga pa rin naman kaya pwede pa silang kumain dahil mga gutom na rin naman sila sa biyahe dahil nagsilbing umagahan at snacks lang naman nila ang pagkain na inihanda ni Celine para sa kanila.
Malaking budget ay ibinigay sa kanila ni Don Roberto pero wala naman silang balak ubusin yon kung sakali, dahil ang magiging gastos lang naman nila ay ang pagkain nila sa labas kapag namamasyal sila dahil may bukod naman na allowance na ibinigay kay manang lea para sa food nila sa bahay.
Napaka generous nang matanda sa kanila kaya naman ayaw nila iyon samantalahin kahit pa sinabihan sila ni Adrian na wala namang problema kung maubos nila ang perang inilaan para sa travel nila.
"Ngayon ko lang napagtanto na totoo palang masarap ang noodle soup na to," sabay higop ni Rey sa sabaw nito "Ang lambot nang noodles, sobrang malasa nang sabaw, ang sarap lang, bago sa pang lasa ko,"
"Kahit ako, akala ko ay over reacting lang ang mga artista nila dito kapag kumakain sila, akala ko rin ay hindi ko magugustuhan kasi iba naman ang panglasa nila sa panglasa at nakasanayan nating mga pagkain, pero masarap pala talaga samahan pa nang napaka gandang view, talaga namang gaganahan ka," natatawang sabi ni Celine.
"Same, ngayon lang rin ako nkakain nito eh, akala ko kasi hindi masarap kaya hindi ko sinubukan noon," nahihiyang sabi naman ni Adrian.
"Di ba, iba kasi yung nakasanayan natin na timpla, edible naman pala tsaka masarap talaga, yung pinka soup pa lang punong puno na nang lasa, tamang tama rin sa panahon nila dito," segunda pa ni Celine.
Sa totoo lang ay hindi naman mahiyain si Celine kapag silang tatlo lang ang magkakasama, sanay na rin naman kasi ito sa prisensya ni Adrian, noong una ay nailang siya pero nawala rin naman iyon noong nagtagal na, kahit papaano ay sumasabay na ito sa biruan at nakikipaglokohan na rin ito sa binata.
"Hindi pa ako nakakapag pasalamat para dito, nakakahiya na pati kami ni Rey ay kasama na regalong hiniling mo kay lolo," Celine says
"Okay lang iyon ano ka ba, mahirap rin naman kasi magtravel mag isa, hindi ko rin maeenjoy kapag ganoon kaya sabi naman sa akin ni lolo ay kahit ano, kaya ito yung naisip ko, gusto ko rin kasi talaga na makasama kayo ni Rey mamasyal, yung tayong tatlo lang kasi bukod naman sa inyo ay wala na akong matalik na kaibigan," nakangiting sagot ni Adrian sa dalaga.
"Thank you pa rin kasi kung hindi dahil sa iyo ay hindi namin mararanasan ni Rey na makarating dito,"
"Always welcome, basta para sa inyong mag pinsan ay okay lang,"
"Ang sarap nang noodles, ang lamig nang panahon pero bakit ang gloomy nang atmosphere? ano ba yon, mag enjoy na lang muna tayo tutal nandito na rin naman tayo, lolo and Adrian knows how grateful we are kaya wag ka na masyado ano dyan lyny, mag enjoy ka dahil minsan lang to," singit naman ni Rey.
"Totoo naman nga kasi, isipin mo na lang rin na ito yung reward na natanggap ninyo kay lolo bilang naging mabuti at maayos kayong scholar niya para naman ma enjoy mo yung bakasyon, Celine."
"Sige."
At sabay sabay na silang nagtatawanan at kwentuhan habang kumakain, talaga nga na masarap mag travel kapag alam mong kaibigan mong tunay ang iyong makakasama , dahil alam mong mag eenjoy ka talaga, hindi masasayang ang gastos dahil magiging masaya ang buong bakasyon, at alam ni Adrian na magiging maganda at masaya ang bakasyon nilang iyon lalo na at makakasama niya nang matagal ang dalagang gusto niya talaga makasama.