Her thoughts

1105 Words
The party goes well and na-enjoy ko naman, although hindi ako nakipag-party sa iba at naka-stay lang ako sa isang sulok para manood sa iba ay nag-enjoy naman ako. Habang nanonood ako sa iba pang mga dumalo sa kasiyahan ay napaisip ako na ganoon pala mag saya ang mga mayayaman, kwentuhan habang umiinom ng mamahaling wine, pasikatan at pagalingan. Nung una akala ko normal lang, siguro sa kanila normal kasi mayaman na talaga sila, pero sa katulad ko na anak mahirap nanibago ako, na amaze nung una pero narealize ko na parang ang lungkot pala, bakit? kasi kung hindi mo makakasama sa party ang mga kumare, amiga mo wala kang magiging ka-kwentuhan, unlike sa party ng mga normal na tao na kahit sino pwede mong makausap basta ba willing rin na kausapin ka. Sa mundo nang mga mahihirap at mayaman ay sobrang dami pala talagang pinag-kaiba, pero nag-enjoy ako na kahit sandali ay nakita ko kung paano sila mag saya at the same time nasaksikan mismo iyon ng aking dalawang mata. Ang pagiging imbitado pa lang sa kasiyahan ng Don ay malaking kasiyahan na para sa akin, dahil hindi naman lahat ay nabibigyan nang pagkakataon na maimbitahang dumalo sa mga ganoong ka engrandeng salo salo. Nabigyan rin ako nang pagkakataon na makausap ng malapitan si señor Adrian, ang gwapo pala talaga niya sa malapitan, ang tangos ng ilong, ang pungay ng mga mata na kapag ngumi ngiti ay nawawala na, mahinhin rin siya magsalita hindi katulad ng inaasahan ko. Sa pagiging mabait ay hindi pa ako sigurado, pero kung titignan mo the way he speaks to me habang magka sama kami sa verranda nila ay alam mo na talagang napalaki siya ng maayos ng kaniyang lolo kahit pa na silang dalawa na lang talaga ang magkasama sa buhay simula pa noon. Wala akong alam sa kwentonh buhay ni Adrian, basta ang alam ko lang ay sa lolo niya sya lumaki, at wala rin naman akong balak alamin pa dahil hindi naman ako tsismosa at isa pa pangit tignan na aalamin ko pa ang private life niya. Habang nagku-kwentuhan kami ay narealize ko na ang gaan gaan niya kausap, though ilang na ilang ako talaga, hindi kami close at hindi ako sanay na makipag kwentuhan sa iba lalo na sa lalaki, dahil bukod kay Rey ang iilan lang naman na ka klase ko ang nakakausap ko at yon ay dahil lang sa school activity, kung wala man ay hindi rin talaga ko kakausap ng lalaki. To be honest, nahihiya kasi ako dahil nga palagi akong tampulan ng tukso noong kabataan ko ay dala dala ko iyon hanggang sa mag dalaga ako, alam ko naman na hindi ako maganda kaya nga iwas ako sa mga tao talaga. Kahit nga sa mga babaeng ka eskwela ay hindi rin ako madalas makipag kwentuhan dahil sa hiya, dahil ang gaganda nila, dahil kasi akala ko noon kapag hindi ka maganda lahat ng pangit sayo ay maipapasa mo sa kaharap o kausap mo. Sounds funny pero iyon talaga ang akala ko, na kahit ako ay tinatawanan iyon kapag naaalala ko. Don't get me wrong, kasalanan ko ba na ganoon ang akala ko talaga. Wala naman nagsabi sa akin na ganoon, sadyang iyon lang ang itinatak ko sa isipan ko kaya naman naging introvert ako, naging loner sa ibang salita na mas gusto ko, kasi sanay ako sa tahimik, ayoko nang maingay at magulo. Pero lahat iyon ay nagbago nang naka-kwentuhan ko si Adrian, parang gusto ko na makakilala ng kaibigan na maiintindihan ako, na malalaman kung ano yung gusto at ayaw ko, na makakasama ko sa kasiyahan at kalungkutan, yung may mapagsasabihan ako ng mga hinaing ko sa buhay, kagaya na lang nang kapag hirap na ako sa school works, activities mga ganon. Pero alam ko rin na, gustuhin ko man iyon ay wala namang may gusto na makipag-kaibigan sa akin, oo may nakaka usap ako pero tungkol lang sa pag-aaral yon, wala nang iba. Si Rey naman ay hindi ko rin maasahan kapag may problema ako tungkol sa gawain sa paaralan dahil hindi naman kami magka-klase at magkaiba rin naman ang aming guro, kaya gustuhin ko man magpatulong sa kaniya minsan ay hindi rin pwede. Tuwing byernes nang hapon hanggang linggo ng hapon lang naman kami nagkikita talaga ng matagal dahil nasa rancho kami ng mga ganoong araw para tumulong kanila inay sa gawain sa rancho, yun na rin ang tulong namin para sa scholarship na ibinigay sa amin ng lolo ni Adrian, kaya naman panata namin ni Rey na kapag walang pasok at kahit marami kaming assignment at uunahin muna namin na pumunta sa rancho bago gawin ang mga dapat gawin. Ganon talaga pero okay lang sa amin dahil nag eenjoy rin naman kami na tumulong kanila nanay, dahil minsan lang naman iyon sa isang linggo. Bibihira naman na kami makatulong sa kanila kaya kahit papaano ay natulong kami ni Rey, pero kapag may exam naman ay hindi nila kami inuubliga na tumulong dahil kailangan pa rin namin unahin na mag review para sa exam dahil nakakahiya naman sa Don kung babagsak kami gayong iskolay niya kami, yun na lang naman ang hiling niya, na mag-aral kaming mabuti para sa future namin at para din daw balang araw ay mas makatulong kami sa mga magulang namin. Ang pagiging anak ng isang mahirap ay pinaka unang dahilan kung bakit ako talaga nagsisikap, dahil gustong gusto ko talaga na tumulong kanila nanay, gusto ko iparanas sa kanila yung mga nararanasang kaginhawahan ng ibang mga magulang, gusto ko na dumating yung araw na hindi na sila mag-aalala sa pagkain na kakainin sa araw araw, yung makakakain sila ng mga gusto nilang pagkain, na maipapasyal ko sila sa mga lugar na hindi pa namin napuntahan at maibili ko sila ng mga bagay at gamit na gusto nila. Gusto ko iparanas ang buhay na walang pag-aalala, yung buhay na alam kong hindi pa nila nararanasan, yung buhay na kahit hindi mayaman basta hindi salat sa buhay. Iyon ang buhay na gusto ko para sa kanila. At alam ko balang araw, kung magsisikap ako, lahat ng gusto ko para sa pamilya ko ay maibibigay ko na nang maluwag, at walang kahirap hirap dahil lahat ay gagawin ko para sa kanila, para maibigay ang magandang buhay na deserve nila. Every one deserves to feel at ease, to feel secured and that's what i wanted too kaya nga naman nagsisikap ako hindi para sa sarili ko lang kundi para sa pamilya ko. At alam ko lahat ng kabaitan ng lolo ni Adrian ay maibabalik ko hindi pa sa ngayon pero alam ko, at gagawin ko balang araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD