Habang naglalakad ako palayo kay Celine para hanapin si Rey ay napapangiti na lang ako dahil sa wakas naka-kwentuhan at nakausap ko siya kahit sa sandaling oras lang. To be honest pinilit ko talaga na makarating sila ni Rey dahil alam ko na hindi sigurado kung makakapunta sila ay kinausap ko si Rey tungkol dito. Byernes na ngayon at ilang araw na lang ay party na kaya naman naglakas loob na akong kausapin si Rey kahit pa nag-aalangan ako.
"Zup men." bati ko kay Rey habang tinatapik ang balikat nito.
"Oh, bakit?" pabalik naman na tanong nito sa akin.
"Regarding sa party sa bahay, you think you and Celine can make it?" Medyo nag-aalangan na tanong ko, knowing Rey masyado maloko din ang isang to at baka asar asarin ako.
"Ako bro walang problema kasi pupunta ako, pero si Celine ? hindi ko masasabi," taas balikat na sabi nito.
"I hope you two can make it, minsan lang naman and i wanted you two to be there also." Mahinahong sabi ko rito habang nagiisip kung makakapunta ba talaga sila o hindi.
"I can't make a promise pero pipilitin ko yayain si Celine,bro," Sagot naman nito, "at tsaka, bakit ba kung hindi kami makapunta?" Mapang-asar na tanong nito, sinasabi ko na nga ba.
"Wala naman, kabilin-bilinan kasi ni Lolo na papuntahin kayo, gusto raw niya kasi na andun ang mga iskolar niya, siguro para maipakilala din niya sa mga kaibigan niya, you know naman how proud he is sa mga iskolar niya." Kibit balikat na lang na sabi ko.
Maigi na lang at kahit papano nakaisip ako ng idadahilan sa isang to dahil kung hindi ay mangungulit to. Alam ko naman na nakakahalata na ang isang to dahil palagi ko nakikita na sa tuwing magkausap silang magpinsan ay pasimple syang tumitingin sakin para makita kung nakatingin ba ako o hindi. Pero dahil ilang beses na niya ako nahuhuli ay natututo na ako, na kahit pa gusto ko tignan si Celine at hindi ko ginagawa.
And i am so glad that they came, akala ko kasi talaga ay hindi makakasama si Celine, dahil sabi ni Rey ay ayaw daw nito at walang isusuot. Binabalak ko na nga na padalhan siya ng isusuot kaya lang, naisip ko naman na baka magtaka sila dahil si Celine lang ang padadalhan ko, kaya naman pinigilan ko ang sarili ko.
Bawat makasalubong ko ay tinatanguan at binibigyan ko lang ng maliit na ngiti dahil alam kong magtataka sila kung makikita nila kung gaano ako kasaya.
Hindi ko rin kasi maintindihan ang sarili ko, kung tutuusin ay pwede ko naman aminin ang nararamdaman ko,pero hindi ko magawa. Torpe na ba akong maituturing?
"Men, kung saan saan ka nagpupunta, hinahanap ka na nang pinsan mo," sigaw ko kay Rey nang makita kong nakikipagkwentuhan ito sa iilang dalaga na dumalo sa kasiyahan sa mansyon.
"Pasensya na Bro, alam ko naman na kailangan ninyo ng oras kaya naman ako na ang nag-adjust." natatawang sabi nito.
"Sus, we're good, uuwi na daw kayo, napapayag ko na rin naman si Lolo."
"Ladies pasensya na, narinig ninyo naman ang sinabi, uuwi na daw kami, salamat sa oras." Paalam ni Rey sa mga kababaihan.
Tahimik kaming naglalakad habang pabalik kung nasaan si Celine, pero ako malalim ang iniisip dahil iniisip ko kung mauulit pa ba ang pagkakataon na makakapagusap kaming muli ng kaming dalawa lang ba, na sana sa susunod ay wala nang ilangan na mamamagitan sa aming dalawa, dahil mas masarap siguro sa pakiramdam na magtatawanan kaming dalawa na walang iniisip na sasabihin ng iba.
Iba kasi si Celine sa ibang babae, never nya ako kinausap, i feel like she's mad at me kahit na wala naman akong ginagawang masama sa kaniya, i know her pero hindi niya alam, medyo marami rami nadin akong alam tungkol sa kaniya nang hindi niya alam kasi syempre hindi ko naman siya tinatanong ng tungkol sa sarili niya, ipinagtatanong ko lang din para kapag iaapproach ko na siya e alam ko yung mga gagawin ko.
"Ano Celine tara na?" tanong ni Rey kaya naman napabalik bigla ang diwa kong naglalakbay na naman kung saan.
"Tara? malalim na ang gabi at masakit na rin ang paa ko, gusto ko na magpahinga." Sagot naman nito.
"O sige tara na, pinayagan naman na tayo ni Don kaya pwede na tayo umuwi," sabay lingon nito sa akin "Paano Bro una na kami, enough na rin naman siguro yung pag-stay namin, baka nag-aalala na rin sila tita." Sambit nito.
"Thanks for coming, i really appreciate it, sana hindi ito yung una at huli." Nakangiting sabi ko habang nakatingin kay Celine.
"Syempre kung maiinvite ulit kami sa susunod e pupunta ulit kami, diba Celine ?"
"Ah, oo naman kung may pagkakataon, halika na," sagot nito . "Mauna na kami Señor, salamat sa pagimbita sa amin ni Rey." Sabi ni Celine sa akin.
Kita ko na rin sa mga mata niya ang pagod dahil hindi naman siya sanay sa mga ganitong gathering.
"Ako nga ang dapat magpasalamat dahil pina-unlakan ninyo ang imbitasyon ni Lolo, magiingat kayo pauwi." Nakangiting sabi ko.
"Mauna na kami." Sabay alis nilang dalawa.
Habang naglalakad sila palayo ay nakatanaw ako sa kanila, gustuhin ko man na pigilan sila upang mag-istay pa ay alam kong hindi na pwede, masyado nang gabi at ang pagpunta pa lang nila dito ay napakalaking bagay na, sobra sobra naman na kung paaabutin ko pa sila nang umaga, baka nag-aalala na rin ang mga magulang nilang dalawa.
They are great cousins, kung nasaan ang isa ay andun rin ang isa, kung nasaan ang babae ay andun din si lalaki para palaging maging knight in shining armour ni babae, dadalawa lang sila kaya naman andon talaga yung love and care, makikita mo sa mga mata nila.
This night was one of my most night ever, nakausap ko si Celine, kahit papano ay natitigan ko siya nang hindi niya nalalaman, meron akong nalaman kahit papano, how feminine she was at napakagalang habang kinakausap ako, she is indeed one of a kind na bihira mo lang makikita, napaka simple, mahinhin, ang yumi, kita mo kung gaano kaganda ang naging pagpapalaki sa kaniya ng mga magulang niya.
Swerte ng mga magulang niya, at alam kong swerte rin siya sa mga magulang niya dahil kahit mahirap ang buhay ay basta masaya sila ay okay na, yun bang nagtutulong tulong sila para may pang gastos sila sa araw araw, may maipang bili sila ng ulam at ng iba pa nilang pangangailangan sa araw araw.
swerte sila, na habang lumalaki ay kasama nila ang mga magulang nila, nakikita yung milestone and achievement nila sa buhay habang lumalaki, nakikita silang umiyak, tumawa, makipag-laro na sana naranasan ko rin habang lumalaki, pero hindi dahil si Lolo na ang nakasama ko simula bata hanggang paglaki.