chapter 7

1266 Words
I got transferred and so far masasabi ko na naging maganda ang paglipat ko sa bagoong paaralan. Sanay naman ako na magisa sa una dahil sa una lang naman, kapag bagong transferee pa lang, pero in a month nagkakaroon na rin naman ako ng friends dahil varsity player naman ako at isa pa lalaki ako kaya mabilis ako magkaroon ng kaibigan. Sa una, malungkot kasi kakain ka ng walang kasabay, magaaral and magrereview ka sa bleachers magisa pero okay lang, nakakasanayan din naman. After transferring pakiramdam ko mali na inamin ko kay lolo na nabubully ako, dahil everyday, every now and then tinatanong nya ako kung okay lang ba yung maghapon ko sa school, kung wala ba daw nang-bubully sa akin, kung may friends na daw ba ako, nakakairita at the same time natutuwa naman ako kasi i know na he cares for me, at alam ko naman talaga yun matagal na. "Ate Josie, where's lolo po ?" tanong ko kay ate josie, isa sa kasambahay namin sa bahay. "Umalis po kanina señorito, may pupuntahan daw po sandali." sagot naman niya sa akin. "Sige po, salamat po." Pumanhik nako sa kwarto ko pagtapos kong tanungin si ate Josie. And since wala naman si Lolo ay tinapos ko na lang din muna yung activity ko sa school na kailangan ko rin ipasa kinabukasan habang naghihintay kay Lolo. Hindi ko rin naman maintindihan minsan yung mga teacher, bigla bigla nagpapagawa ng activity sa mga estudyante na hindi naman connected sa topic sa school pero dahil mabait akong estudyante e gagawin ko. You heard it right, mabait akong estudyante and hands on talaga ako sa mga projects and school works ko, hindi ko inaasa sa iba katulad ng ibang estudyante na willing na magbayad para lang magkaroon sila ng ipapasa. Naniniwala kasi ako na kaya nga tayo pinag-aaral para sa kinabukasan natin, anong matututunanan kung magbabayad ng ibang tao para gumawa ng mga projects natin, at isa pa hindi lahat pwede bilhin ng pera, may mga bagay na kailangan natin na pagsikapan magisa para magtagumpay man tayo e napakalaking achievement na iyon para sa atin hindi ba. Around six pm na pero wala pa si Lolo kaya naman ako e nagtataka na, kadalasan five pm nasa bahay na siya, kahit pa gaano ka importante ang puntahan niya ay sinisigurado nya na bago sumapit ang alas-sais ay nasa bahay na siya dahil iyon ang nakagawian na niya talaga.Matapos ko imisin ang ginawa kong activity at mga ginamit ko ay bumama ako sa salas para doon sana maghintay kay Lolo para pagdating niya ay sabay na kami kakain ng hapunan, dahil iyon ang nakagawian naming dalawa talaga simula pa bata pa ako. "Ate Josie, wala pa po ba ang Lolo?" pasigaw na tanong ko dahil nasa kusina si ate josie ng mga ganitong oras. "Wala pa po señorito, hindi rin naman po sumasagot sa tawag ko si Cardo." Sagot niya sa akin. Kuya Cardo is Lolo's driver na asawa naman ni ate Josie kaya naman kapag ginagabi sila ng uwi ay tinatawagan ni Ate Josie si kuya Cardo to make sure na they are okay. "Sige po salamat po, maghihintay na lang po ako rito." That's my routine, kapag umuuwi ako galing school ay nagiistay ako sa salas para manood ng telebisyon, o kaya naman ay sa music room para tumugtog ng instrument, kaya lang i don't feel like playing any instrument today kaya naman manonood na lang ako. Dumaan and alas syete ng gabi ay wala pa rin sina lolo kaya naman ay nag-aalala na ako, i get my phone and dialled kuya Cardo's number para naman maitanong ko kung nasaan ba sila at anong oras sila uuwi. Hindi talaga ako sanay na nale-late ng uwi si Lolo, lalo na at matanda na rin naman siya, hindi na sya pwedeng magpaka sub-sob sa rancho niya. "Good evening kuya Cardo, how's lolo? pauwi na po ba kayo?" Mahinahon na sagot ko. "Good evening po Sir, opo pauwi na po kami, may binibili lang po ang Lolo ninyo." dere-deretsong sagot sa akin ni kuya Cardo. I bet he knows na nag-aalala na ako at gabi na. "Sige kuya, ingat po kayo sa pagmamaneho." maikling sagot ko. Hindi ako talkative, maririnig mo lang ng matagal ang boses ko kapag galit ako, dahil dun talaga marami akong nasasabi, pero kapag normal days bihira mo ako maririnig na nagsasalita ng matagal. Mabait nga kasi ako, hindi lang halata. Alam ko naman na sa kwento ng iba ay super sama ko, siguro kasi sa campus hindi naman ako palangiti sa iba, sa mga friends ko lang talaga. Pero, may nagiisang babae na kahit gustong gusto ko na ngitian ay hindi ko kaya, pinangungunahan ako ng hiya at takot na baka madedma, hindi ko alam pero takot ako na mareject niya lalo at alam ko naman kung gaano kasama ang tingin niya sa akin, hindi naman lingid dahil para akong pinapana kapag nakikita nya ako sa talim ng mga tingin niya. She is Celine, scholar ni Lolo and yes ako ang nagsabi kay Lolo na kunin silang scholar, silang magpinsan, not because i pitty them, but because, they deserve it. Deserve nila dahil nakikita ko kung gaano nila tinutulungan ang mga magulang nila kahit pa mga estudyante pa lang sila. Minsan nga naiisip ko, swerte pa rin na hindi sila ipinanganak na mayaman, kasi kung mayaman sila hindi nila mararanasan yung ganoon na buhay, yung nahihirapan, kasi kung hindi, paano na lang sila haharap sa hamon ng totoong buhay. Pero hindi rin ako masaya na kapos sila, kaya hangga't kaya namin tumulong ni Lolo ay tumutulong kami, ako nga lang palihim dahil kunyari masama ang ugali at seryoso ako sa buhay, pero in reality mas matulungin pa ako kay Lolo, si Lolo lang ang nka front, kasi sya naman talaga ang mayaman at hindi naman ako. I love how Celine handle her studies habang tumutulong sa parents nya kapag school break or weekends, kita ko kung gaano sila nagsisikap ni Rey, kaya naman hindi ako nagdalawang isip na kausapin si Lolo tungkol sa scholarship nilang dalawa. Kaya nga ni Lolo tumulong sa napakaraming tao what more pa sa kanila na eversince hindi iniwan ng parents nila si Lolo sa pag-aalaga at pagaasikaso sa farm and rancho. Si Celine alam ko naman na mabait, pero ang hindi ko maintindihan ay kung bakit mukhang galit na galit sya sa akin kahit pa wala naman akong ginagawa sa kanilang magpinsan specially sa kaniya. Rey is a good friend of mine, magka team din kami sa basketball, and i bet hindi naman magkkwento si Rey kay Celine na tungkol sa akin na ikasasama ko, at isa pa wala naman siyang maikkwentong masama tungkol sa akin, kaya labis din naman ang pagtataka ko, kaya binabale wala ko na lamang din. Wala akong girlfriend, wala rin nililigawanan, maraming nali-link pero ayoko talaga, hindi ko lang alam kung anong balita ang nakakarating sa iba, kasi kung ako lang wala naman ako pakielam dahil alam ko naman ang totoo, at kilala din naman ako kahit papa ano ng mga friends ko Alam nila na wala iyon sa isipan ko hangga't hindi ako nakakapagtapos sa pag-aaral ko, yun ang ipinangako ko sa sarili ko, na ga-gradweyt ako sa kolehiyo nang hindi ako makikipagrelasyon dahil wala naman talaga sa isipan ko at the same time naeenjoy ko pagiging single ko, nagagawa ko ang gusto ko nang walang nagbabawal sakin except lolo, understandable naman ang pagbabawal niya sa akin dahil sya na ang tumayong magulang ko simula pa bata pa ako hanggang umabot ako sa edad ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD