Chapter 6
Para sa kaniya, it's actually a matter between a matter whom I trust and not, hindi naman sa ayaw ko na pagkatiwalaan talaga siya. The problem is that sa ngayon hindi ko pa talaga kaya. Siguro kasi wala pa akong gaanong sapat na dahilan para pagkatiwalaan ko siya nang ganon kabilis.
Yes we did talk calmly and like were a friends and okay, pero hindi ibig sabihin noon ay okay na talaga. Minsan kasi kailangan din natin makisama para naman hindi tayo masabihan na killjoy hindi ba?
Ako na nga itong nakikain sa party niya tapos ako pa itong mapag-mataas para hindi siya kibuin. Nagkaton lang talaga na nasa pagitan ako nang pagtataka kung bakit ibang-iba ang Adrian na nakikita ko sa campus at ang Adrian na nakaharap ko ngayon mismo sa mansyon nila.
Hindi ko alam ang dahilan, pero gusto ko malaman kung bakit. Call me tsismosa, pero gusto ko talaga malaman kung bakit ganoon siya. Para siyang may multiple personality disorder. Kasi sa campus parang hindi niya ako kilala kung tignan niya tapos pagdating sa mansyon ang friendly-friendly niya. Siguro kahit kayo naman ay mahihiwagaan din.
Actually, to be honest, I am looking forward to be friends with him, lalo na at iskolar ako ng Lolo niya, ayoko naman na may masabi sa akin si Don Roberto dahil lang sa pakikitungo ko sa nag-iisang apo niya.
I promise to be good as long at He is good to me at hindi ako sinasaktan, but believe me, kapag ako talaga sinaktan niya kahit pa sa salita lang ay baka masabi na lang niya na maling babae ang binangga niya.
Oo babae tayo, pero hindi lang tayo basta babae, we had the rights to fight back lalo na at nasasaktan na tayo nang hindi natin alam kung bakit tayo sinasaktan. Hindi ako maganda at alam ko na ganoon din ang tingin nang iba sa akin, pero malay ninyo naman biglang mag glow up ako at mag-iba ang ihip nang hangin kapag ako ay nagkaroon na ang trabaho at matutunan kung paano mag-ayos nang sarili ko hindi ba?
Pero sa ngayon, aral mabuti muna para mabigyan ko nang magandang kinabukasan ang magulang ko. Masuklian ko man lamang ang mga kabutihan at pagsisikap nila sa akin simula pagkabata ko hanggang sa makapag-tapos ako ng kolehiyo. Nang sa ganoon, lahat ng gusto ko ibigay sa kanila ay maibigay ko.
It's my first time na magpakilala, I guess. Kaya sasabihin ko na sa inyo ang gusto ko sabihin. Kilala ninyo ako bilang masama ang ugali, pero sa totoo lang mabait ako.
Only child ako, nag-iisang apo ni Lolo kung baga. Lumaki ako sa pangangalaga niya since masyadong subsob ang mga magulang ko para mapanatili ang kaayusan sa kumpaniya ni Lolo.
I guess and I think my grandfather raise me well. Simula nang mamatay si lola ay ako na rin talaga ang nag-alaga kay Lolo and in return inaalagaan niya rin ako. Nag-aalagaan kaming dalwa in short. Funny right? pero iyon ang totoo.
Lumaki man ako sa piling ni Lolo pero hindi ako Lolo's boy, close kami pero hindi ako clingy sa kaniya. He knows everything since i told Him so. Feeling ko kasi bilang siya ang guardian ko ay may karapatan siya na malaman ang lahat nang tungkol sa akin.
Bilang nag-iisang anak at apo nang mayamang angkan ay dumaan din ako sa parte nang buhay ko na minsan ang na-bully sa eskwelahan.
Elementary days hanggang first year high school ay nabubully ako, hindi alam nila lolo since hindi ko naman sinasabi, at isa hindi naman ako umuuwi nang may galos ako sa katawan kaya hindi halata.
Kung sa itsura lang rin naman ay masasabi ko na gwapo ako, kidding aside totoo iyon at hindi ko binubuhat ang sariling upuan ko. Kaya siguro karamihan sa nang-bubully sa akin noon ay mga pangit kasi siguro naisip nila na gwapo ako at baka makuha ko ang lahat nang atensyon na dapat ay nasa kanila.
Every one knows how the feeling to be being bullied by thier classmates, lalo na iyung mga taong dumaan din sa pinag-daanan ko. Ang masakit lang naman sa parte na iyon ay bakit nila ginagawa ang ganoong bagay, mabuti sana kung kumikita man lamang sila nang dahil doon, baka sakali na matanggap ko pa.
When i was in second year highschool kinausap ko na si Lolo at sinabi na gusto ko mag-transfer sa ibang school. He asked me why at syempre sinabi ko iyung reason ko kung bakit at nagalit siya sa akin.
"Lolo, parang gusto ko mag-transfer nang school, magagalit ka ba?"Tanong ko kay Lolo habang kumakain kami.
"Bakit apo? ayaw mo ba sa paraan nang pagtuturo nila?" Balik na tanong niya.
"The truth is, I was bullied from grade five to first year highschool."Kalmadong sabi ko.
"WHAT!!!!at bakit ngayon mo lang iyan sinabi sa akin, apo?"
Yung sigaw na first time ko narinig sa kaniya, kaya naman alam ko na galit talaga siya sa akin dahil hindi ko agad sinabi.
"Wala naman mababago lolo kung sinabi ko sa inyo, baka lalo pa lumala. At isa pa, hindi naman nila ako sinasaktan, tinutulak-tulak lang tapos babatuhin nang kung ano, ganon lang naman." Sabi ko, sa totoo lang natatawa na lang ako sa sarili ko habang sinasabi ko ang bagay na iyon kay Lolo, totoo naman kasi na ganoon ang natataggap ko galing sa mga bullies.
"Hays, you grew up brave apo, just let me talk to school president first bago kita i-transfer okay, okay ka lang ba?"
"If that's what you like,Lo, don't worry about me, I'm fine, sabi mo nga brave ang apo mo mana sa'yo." Then I smiled at him para naman mawala ang init ng kaniyang ulo.
"Ikaw talagang bata ka, paano na lang kung may masamang nangyari sa iyo, wala akong kaalam-alam."
"Wala naman nangyari sa akin Lo, may natutunan pa nga ako ng dahil doon."
"Ano naman iyon?"
"Na sobrang gwapo ko po pala talaga dahil na-insecure sila kaya naman ang ginawa nila binully na lang ako, I learn not to fight back ang accept thier punches dahil siguro may mga pinagdadaanan sila sa buhay na hirap silang harapin kaya naman ganoon ang ginagawa nila."
"Wow, I never thought na binata ka na nga pala talaga at ganiyan ka na ka-matured mag-isip, Adrian."
"Alam mo kasi, Lo. Sa inyo ako lumaki, kaya naman hindi malabo na maging matured agad ang isip ko sa murang edad ko dahil nakita ko yung struggles ninyo."
"Salamat apo at hindi mali ang naging pagpapalaki ko sa iyo."
"Thanks,Lo at napalaki ninyo akong ganito, kain na po tayo."
Yung mga ganoong usapan lang naman ay alam kong masaya na si Lolo, bilang pang bawi ko sa lahat nang kabutihan niya sa akin ay hindi ko hinahayaan na masira ko ang pangalan niyang iniingatan.
Iyun ang huling beses na pinag-usapan namin iyon ni Lolo, pumunta siya sa school para kausapin ang school president at hindi ko alam kung anong napag-usapan nila. Kung nag-away ba sila ay hindi ko alam at hindi ko na inalam pa. Hindi ko rin alam kung sinabi niya kay Mom at Dad ang nangyari kasi hindi naman nila ako tinanong tungkol doon.