Where it all started

1212 Words
Chapter 5 Pagtapos niya kumain ay agad naman siyang niyaya ni Rey na pumunta kay Adrian para batiin ito at para makapagpaalam na rin na uuwi na sila tutal maya't-maya naman ay iyon ang bukang bibig niya sa pinsan niya. "Sinasabi ko sa iyo Celine kapag hindi tayo pinayagan ay wala na akong magagawa pa." Usal nang pinsang si Rey. "Oo na, basta samahan mo lang ako dahil alam mo naman na hindi ako makakapunta roon mag-isa." Pagkarating nila sa loob nang ng mansyon ay agad nilang nilapitan si Adrian dahil nakatayo lamang ito habang hawak-hawak ang isang wine glass." "Oh Celine ikaw ba iyung nakita ko kanina sa labas na tumatakbo?" Tanong ni Adrian kaya naman lumaki bigla ang kaniyang mata. "Ha? ah, eh kasi nagugutom na ako noon, hinahanap ko ang buffet table, hindi ko napansin na nadoon ka pala." Pagsisinungaling na sabi niya rito kahit pa ang totoo naman ay tinataguan niya talaga ang binata. "Ah ganon ba." Nakangising sabi nito sa kaniya na wari ba sinasabi nito na kahit anong palusot ang sabihin mo ay hindi ako maniniwala. "Babatiin ka na sana namin nang personal, dahil masyado na rin gumagabi at baka nag-aalala na rin ang mga magulang namin." Singit naman ni Rey dahil batid nito na hindi na komportable ang pinsan niyang si Celine. "Ganoon ba? pumanhik ka muna sa taas at kabilin-bilinan ni Lolo na paakyatin raw kita roon sakaling magpaalam kayo para umuwi na." Sabi naman ni Adrian. "Sige seniorito, maiwan ko na muna si Celine sa inyo." Agad naman na pumanhik si Rey at tuluyan na nang iniwan nito ang dalawa. Sandaling katahimikan ang pumagitan sa kanila kaya naman binasag na ito ni Adrian agad. "Maraming salamat at nakarating kayo." Malayong tingin nito habang nagsasalita, hindi niya rin kasi magawang tignan si Celine nang matagal dahil kahit siya ay naninibago sa naging ayos nito. "Maligayang kaarawan Sir, kami nga po dapat ang magpasalamat dahil inimbitahan ninyo po kami sa selebrasyon ng kaarawan ninyo." Mahinahong bati naman niya rito. "Nabusog ba kayo?" "Opo,masasarap po ang pagkain kaya naman na-enjoy ko." "Mabuti naman kung ganoon, Celine." Tila ba may kumiliti sa kaniyang tainga nang marinig niyang binanggit nang binata ang pangalan niya, ang buong akala niya ay hindi siya kilala nito. Nang mga sandaling iyon ay hindi niya alam pero nakaramdam siya nang saya sa puso niya. Kahit papaano ay kilala naman pala siya nito. Kahit tuloy siya ay tinanong ang kaniyang sarili kung kaya ba niyang kilalanin pa ito nang higit dahil sa galit na nararamdaman niya para rito. Hindi niya alam kung bakit siya galit, siguro ay dahil sa mga nakikita niya na ginagawa nito sa campus. Habang tahimik nilang hinihintay ang pagbabalik ni Rey ay pasimpleng sinusulyapan ni Adrian si Celine, batid niya na maganda ito hindi nga lang pala-ayos hindi katulad nang mga babaeng dikit ng dikit sa kaniya sa campus. Masaya siya na kahit sa ganoong pagkakataon ay nagagawa niyang titigan ng malapitan ang babaeng matagal nang bumihag ng kaniyang puso. You heard it right, matagala nang may lihim na pagtingin si Adrian sa nasabing dalaga. Alam niya kung gaano ito karesponsable kaya naman nabihag nito ang puso niya at nakuha nito ang kaniyang loob. Para sa kaniya, ang kaniyang kaarawan ang tanging paraan para maimbitahan niya ito na pumunta sa kanilang tahanan. Lahat ng sinasabi ng kaniyang lolo kay Celine ay totoong nang-galing sa kaniyang bibig, dahil lahat naman ay ikinukwento niya sa kaniyang lolo at kahit pa tungkol kay Celine ay alam na alam nga nito. Tumagal pa nang labing limang minuto ang paghihintay nila kay Rey, at alam niya na parehas nila iyong ipinagtataka. "Hindi pumayag si Don Roberto, Celine, masyado pa raw maaga para umuwi tayo." Bungad sa kaniya ng pinsan niya. "Ha? bakit raw? gumagabi na masyado, baka nag-aalala na sila inay sa atin." Pagmamaktol na sabi niya, pero sa totoo lang ay kahit kaunti ay nakaramdam siya nang saya dahil hahaba pa ang oras nang pagsasama nila ni Adrian. "Ang sabi naman ng Don ay huwag daw tayo mag-alala at alam naman na raw nila inay kung anong oras tayo uuwi." Kalmadong sagot ng pinsan niya. "Gusto ko na umuwi, hays." "Gusto mo na ba talaga umuwi, Celine?" Seryosong tanong ni Adrian sa kaniya. Tango na lamang ang naging sagot niya rito. "Kung ganon ay ako na ang kakausap kay Lolo, baka sakali na payagan niyang maka-uwi na kayo." "Maraming salamat." Habang naglalakad si Adrian palayo ay hindi maiwasan ni Celine na sundan ito ng tingin. Maging siya ay nalilito nang mga oras na iyong kung bakit ganoon na lang kabuti ang pakikitungo nito sa kaniya. "May nangyari ba habang wala ako?" Pag-uusisa ni Rey. "Wala naman, naging maayos naman ang naging pag-uusap namin kanina." "Hindi ba't sinabi ko naman sa iyo na mabait si Adrian, subukan mo lang siyang kilalanin at makikita mo na totoo ang sinasabi ko." Nakangiting sabi ni Rey sa kaniya. "Hindi ko alam." Kibit balikat na sagot niya. Pero ang totoo ay marami ng tanong ang sumasagi sa isipan niya. Hindi niya alam kung bakit ngayon naman ay gulong-gulo siya. "Sa tingin mo ba ay hindi lang pagpapakitang tao ang ginagawa niya ngayon?" Pahabol na tanong niya. "You know what, Celine, matalino ka pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw sa iyo ang lahat," Buntong hiningang sagot ni Rey. "Ano ba ang gusto mo? you want Adrian to prove to you that He's not that bad by saving you? marami nang proof Celine, ikaw lang ang hindi bukas ang isipan sa posibilidad. Huwag kang mag-stick sa ganiyang mindset, subukan mo baguhin ang takbo nang utak mo para malaman mo ang sagot mismo sa mga tanong mo." At nagpakawala si Rey nang malalim na buntong hininga. "Ididn't get you sa totoo lang." Umalis si Rey sa harap niya dahil siguro sa inis nito sa kaniya, kahit naman siya ay hindi niya rin alam kung bakit ganoon na lang kasama ang tingin niya kay Adrian kahit wala naman itong ginagawang masama sa kaniya. "Hindi ko rin naman maintindihan ang sarili ko." Bulong niya sa kaniyang sarili. "Did you say something?" Tanong ni Adrian na ikinagulat naman niya. "Nagulat ba kita? sorry." "Okay lang." "Nasaan si Rey?" "Magpapahangin raw muna siya sa labas." Pagsisinungaling nito, alangan naman kasi sabihin niya na nagkaroon sila ng pagttalo ng dahil kay Adrian. "Ganon ba? nga pala regarding sa sinadya ko kay Lolo." "Anong sabi ni Lolo? pumayag ba?" "Actually, hindi dahil masyado pa raw maaga. Ang sabi niya ay pilitin o raw na mag-stay pa kayo kahit hanggang alas-onse lang ng gabi dahil hindi pa raw nagsisimula ang party." "Ganon ba? okay sige, wala na rin naman akong magagawa." "Thanks for staying a little bit more." "Nah it's okay, nakakahiya rin naman kung uuwi kami agad, sige maiwan na muna kita rito at hahanapin ko muna si Rey." Paalam niya rito. "Okay lang, ako na lang ang maghahanap kay Rey tapos maupo ka na lang muna rito, baka nahihirapan ka na sa heels mo." Kamot noong offer nang binata sa kaniya. "Medyo, sige salamat." Nakangiting sagot niya. Palihim niyang sinulyapan ang binata ng mga sandali iyon at simpleng ngiti na lang ang nagawa niya habang nakatalikod ito papalayo sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD