Party

1341 Words
Chapter 4 Palinga-linga si Celine sa paligid dahil hinahanap niya ang kaniyang pinsan dahil sa natatagalan na rin ito simula ng umalis ito sa tabi niya. Masyado na siya naiilang sa atensyon na nakukuha niya dahil sa hanggang ngayon ay katabi pa rion si Don Roberto kaya abot na lang ang bulungan ng mga nakakakita sa kanila. "Sino ba yang babae na yan at bakit katabi niya ang Don?" Narinig niyang bulong ng isang maputing babae sa kasamahan nito. "Hindi ko rin siya kilala, baka mag-kaibigan ang pamilya nila." Sagot naman ng isa. "Hindi naman siya mukhang mayaman kaya I don't think so." Nang marinig niya ang mga salitang iyon ay naisip niya na kahit anong ganda ng damit na isusuot niya ay nagmumukhang pangit sa paningin ng iba kapag suot-suot na niya. "Don't mind them iha." Nakangiting sabi sa kaniya ni Don Roberto, anak sila ng mga magulang ni Adrian mga spoiled bratt kaya ganiyan. "Thankyou po." Sagot ko naman pabalik. "Hindi ko alam kung bakit ganon sila sa iba na hindi nila katulad ng antas ng pamumuhay, kung tutuusin ay hindi naman nila pera ang mga ipinagyayabang nila." Sabi pa ng matanda habang nakatingin sa ibang direksyon. "Siguro po ay dahil ganoon sila pinalaki ng mga magulang nila, naniniwala po kasi ako na kung anong puno ay siya rin ang bunga." "Sa bagay tama ka naman doon iha, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Dahil ang iba naman ay kapag nagka-isip na at alam nilang hindi maganda ang ginagawa nila ay binabago nila ang ugal nila at hindi nila ibinabase sa kung paanong pagpapalaki ang ginawa sa kanila." "Sa bagay nga po Lolo." "Maiwan na muna kita rito at maya-maya naman ay magsisimula na ang party, mag-enjoy ka iha." "Salamat po." "At isa pa, bago ka umuwi ay pumunta ka muna sa akin ay may ipadadala ako sa iyo para sa mga magulang ninyo." "sige po, maraming salamat po. Mag-iingat po kayo Lolo." "Ikaw rin iha, mag-enjoy ka ha, mauna na ako." Nagpaalam na si Lolo kaya naman ngayon yay mag-isa na lang ako. Kung bakit naman kasi hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Rey! pambihira naman oh. "Okay since the celebrant is all set, let's get the party started. And before that may I call on Don Roberto Torres in this stage for a short merssage." Biglang sabi ng emcee na nasa taas ng stage. Unti-unti kong nakikita ang paglapit ni Lolo sa stage dahil nakatutok sa kaniya ang spot light, at naka-sunod ito sa kaniya saan man siya mag-punta. He does'nt look too old dahil nga sa mayaman sila at lahat ng pagkain nila ay healthy talaga. "Good evening everyone, hindi ako handa na magbigay ng mensahe ngayon dahil wala naman ito sa plano. Pero dahil nandito na ay kukunin ko na ang opurtunidad na ito para pasalamatan ko kayong lahat na dumalo, hindi ko na kayo maiisa-isa dahil marami kayo, but I know who made it and did not. I sent an invitation through my grandson, I told Him to inviting all of you one by one personally, but it turns out na wala sa kalahati ang dumalo. I don't know why, is it the invitation card that matters to them? ayaw nila ng personal invitaion ganon ba? Pero ayoko mag-focus doon, bagkus gusto ko mag-focus sa inyong lahat na dumalo. I am whole heartedly thanking all of you for coming tonight, hindi lang naman mahalga ang gabing ito para sa aking apo kundi sa akin din, dahil hindi ko binase kung gaano ako kamahal nang mga nasasakupan ko. I maybe the richest among others, but please don't look at me like i am a monster. Medyo masakit para sa akin iyon. I want all of you to enjoy this night, and please isipin ninyo na nasa kani-kaniyang bahay lang ninyo kayo. Enjoy." Mahabang mnsahe ni Lolo. Matapos niya magsalita ay masigabong palakpakan ang ibinigay naming lahat sa kaniya. Totoo nga pala na mabait siya, unlike His grandson na ubod sa sama ng ugali. "Thakyou for the welcoming and wonderful message Don Roberto."Sagot naman ng emcee ng ibalik ni Lolo sa kaniya ang mikropono. "And now, please allow me to stand again in your front as I introduce the birthday celebrant, Mr.Adrian Torres." Announce ng emcee na nag-paingay naman ng gabi. Sandali lang akong pumalakpak dahil sa ayoko nga sa attitude ni Adrian. Hindi rin naman kasi talaga siya ang ipinunta ko rito kundi dahil gusto ko makilala ang Don. Nangalumbaba siya sa lamesa dahil sa sobrang pagkainip habang naghihintay sa pinsan niyang si Rey na ilang oras nang wala sa tabi niya. Alam naman niya na wala namang mangyayaring masama sa kaniya sa party pero hindi niya maalis sa isip ang mga kalokohang ginawa na sa kaniya ni Adrian sa paaralan nila. Bakit niya ba iyon iniisip? hindi naman siguro siya gagawan ng masama ng lalaki na iyon ngayong gabi, siguro ay ganoon na lang din talaga ang inis niya sa binata kaya ganoon na lamang siya kung mag-isip. Napag-pasyahan niyang maglakad-lakad na lang muna, siguro naman ay hindi niya makaksalubong si Adrian sa dami ng bisita isip niya, at kung sakali man ay mabilis siyang iiwas at iiba ng landas!Iyon na lang ang gagawin niya. Inilibot pa ni Celine ang kaniyang paningin hanggang sa kung saan ito abutin. Nakarinig siya ng munting hagikhigan sa bandang gilid at nang tignan niya iyon ay isang grupo ng mga babae na halata mong anak mayaman, may kani-kaniya itong hawak na wine glass na kitang-kita na sanay sila sa ganoon at maarte ang pagkakahawak. Aalisin na sana niya ang kaniyang paningin ng biglang maaninag niya ang isang bulto ng lalaki na papalapit sa kaniya, It looks like Adrian wearing a black tuxedo having a wine glass on his hand. Dahil sa tako na magkasalubong sila ay mabilis siyang naglakad pabalik sa lamesang pinang-galingan niya kanina. "Oh, bakit para ka namang hinahabol ng kabayo?" Tanong ni Rey na nakaupo na sa gilid ng lamesa. "Kanina ka pa ba riyan? hinahanap kasi kita, napagod na ako kaya bumalik na rin ako dito." Sagot naman niya. "Ah ganon ba? pasensya ka na at hindi agad ako nakabalik dahil nakita ko ang mga kaibigan ko." Pag-hingi ng paumanhin nito sa kaniya. "Nasaan na sila?" "Pinuntahan si Adrian, hindi na ako sumama." "Ah ganon ba." Sabay isip niya kung si Adrian ba talaga ang makakasalubong niya kanina o namalik mata lanag siya dahil sa takot na baka magkasalubong nga sila. "Saan nga ang mga pagkain Rey? samahan mo naman ako kumuha at nauuhaw na rin ako." Hinawakan niya sa braso si Rey at hinila ito hanggang sa makita niya ang buffet table na naka set-up para sa mga bisita. "Alam mo naman pala kung nasaan, bakit isinama mo pa ako." "Kanina kasi ay galing ako rito pero hindi ko napansin ang buffet table kaya akala ko ay inilipat na sa ibang pwesto." Pagsisinungaling niya rito. "Umamin ka ng sa akin Celine, may tinataguan ka ba?" Seryosong tanong ni Rey sa kaniya. "Wa-wa-wa-wala ah." Uutal utal na sabi niya. "Bakit ka nauutal? bakit ba kasi?" Tanong ulit ng pinsan niyang si Rey sa kaniya. "Naiilang na kasi ako sa tingin ng mga tao, kung pwede lang umuwi ay umuwi na sana ako kanina pa." "Bakit ba kasi pinapansin mo sila? hayaan mo sila basta mag-enjoy ka. Maya-maya naan ay uuwi na rin tayo pagkatapos natin batiin si Adrian." "Ha?" gulat na tanong niya rito. "Ikaw na lang, alam mo naman kung gaano ko kaayaw na makita ang isang iyon." "Pero siya ang may kaarawan, hindi ba parang kabastusan naman kung uuwi tayo ng hindi man lamang siya nababati?" "Hays, okay sige." Sagot niya rito sabay pakawala niya ng isang malalim na pag hinga. "Chill, hindi ka naman niya aawayin siguro hindi ba?" "Wish mo lang." "Kumain ka na lang diyan muna para maka-punta na tayo sa kaniya mamaya bago tayo umuwi." Inenjoy na lang niya ang pagkain at inialis sa isipan niya na mamaya lang ay makikita na naman niya si Adrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD