Bilang isang lolo na nag-alaga at nagpalaki sa nag-iisang apo ay hindi madali. Dahil noong panahon naman na bata pa ang anak ko ay hindi naman ako hands on kundi ang misis ko, focus ako noon sa aming negosyo dahil nga kahit pa sabihin na may negosyo kami ay ayoko naman na maupo na lamang at iasa ang lahat nang trabaho sa aming empleyado.
Bilang ama ni Frank, ama ni Adrian hindi naging madali sa akin na ako na wala naman alam sa pagpapalaki nang bata ay nataasan na magpalaki kay Adrian, pero para kumpanya ay tinanggap ko nanh buong puso.
Naalala ko noong panahon na bata pa si Frank, palagi ako nasesermonan nang asawa ko dahil ultimo pagpapalit lang daw nang diaper ay hindi ko kaya, which is mahirap naman talaga sa katulad kong lalaki.
Hands on ako sa negosyo namin dahil hindi naman ako ipinanganak na may golden spoon sa bibig, kaya naman lahat nang gawain sa negosyo ay ako talaga ang gumagawa, tapos ako din ang nagiisip tapos tsaka ko na lamang iyon sasabihin sa assistant ko.
Mahirap magpalaki nang kumpaniya, akala ko noon ay basta naitayo na ay ayos na, yun pala ay wala pa iyon, umpisa pa lamang iyon tapos napaka rami pang hakbang ang susunod.
Going back, napakaraming pagsubok ang pinagdadaanan namin nang misis ko, para lang mapalaki at maitaguyod nang maayos ang kumpaniya. Working mom siya dahil hands on siya kay Frank habang tinutulungan niya ako sa opisina samantalang ako ay wala manlamang na maitulong sa kaniya.
Way back, kita ko kung gaano ka pursigido ang asawa ko para magkaroon nang magandang kinabukasan ang nagiisa rin naming anak kaya itinaga ko sa puso at isipan ko ganoon ang ituturo ko kay Frank kapag dumating ang araw na kaya na niya mapatakbo magisa ang kumpaniya.
When Frank turns fourteen ay sinabi ko na sa kaniya at inunti unti ko na rin ituro ang mga bagay na kailangan niya malaman nang sa gayon na kapag dumating ang tamang araw ay hindi na siya mahihirapan magpatakbo nang kumpaniya mag-isa.
I am getting older everyday way back then at nararamdaman ko iyon, wala akong sakit, healthy ako pero syempre lahat nang tao ay dumarating sa point na talagang tatanda na at manghihina na, that's life, kung hanggang doon lang talaga ay wala naman na magagawa.
I remember, si Frank habang tumatanda ang dami niyang reklamo sa akin, kesyo ganito ganyan, na mahirap raw pala magtrabaho sa kumpaniya lalo na ang magpatakbo, he even told me na ibenta na lang ang company para hindi na kami mahirapan pare-pareho, natatawa na lang ako kapag naiisip ko dahil ngayon na may anak at sariling pamilya na siya, ay mas inuuna niya ang kumpaniya kaysa sa nagiisang anak niya.
I even told him na family first pa rin dahil nagtatampo na ang anak niya, but he said kasalanan ko ang lahat kasi kung hindi dahil sa kumpaniya ko ay 27/7 niya raw sana kasama ang anak niya, nakakasama niya raw sana ngayon. Kung hindi ba naman loko loko ang isang iyon, ako pa ang sinisi sa pagbibigay ko sa kaniya nang magandang buhay.
Kapag naaalala ko ang mga araw na iyon tapos makikita ko si Adrian, i felt happy and sad. Happy kasi nakita ko kung gaano kabuti at maayos na lumaki ang apo na hindi ko alam kung paano ko nagawa na mapalaki siya nang ganon, then sad, kasi he grew up with me, wala sa tabi nang kaniyang mga magulang, ni hindi ko nga alam kung nakakausap ba niya ang mga magulang niya.
i wanted to ask pero natatakot ako sa pwedeng maging sagot niya sa akin, ayoko naman na marinig galing sa bibig niya kung gaano hindi naging mabuting magulang sa kaniya ang mga magulang niya.
Adrian was seven years old when his father told me na he needs to go to america to do business there, may branch kasi ang company namin doon and he wanted to take over, as a parent i am glad to hear that from him, but as a grandfather hindi ko gusto ang desisyon niyang iyon. Frank told me na isasama niya ang kaniyang misis with him cause they're doing the business together and he wanted me to take care of Adrian when they leave.
Hindi ako pumayag at first kasi naalala ko ang apo, nagiisa iyon, ayoko naman na lumaki nang hindi kapiling ang kaniyang mga magulang, but Frank assures me na when things get into place ay aasikasuhin niya ang papeles ni Adrian para makuha nila ito. Neither did i know na wala pala sa plano nila iyon, na ang plano talaga nila is to migrate sa Amerika tapos mamumuhay doon na sila lang mag-asawa, I don't know what's gotten into them na magdesisyon nang ganoon na hindi man lamang iniisip ang anak nila kundi ang sarili lang nila.
Noong nalaman ko iyon ay nagalit ako, dahil alam ko na napalaki namin nang maayos si Frank, at never sumagi sa isipan ko na magagawa niyang abandonahin ang sarili niyang anak, late ko na nalaman na he was forced by his wife na alam ko namang sa umpisa pa lamang ay masama na ang ugali, anong magagawa ko siya ang ginusto nang anak ko, ayawan ko man siya ay alam kong masasaktan ko ang anak ko kapag ginawa ko ang bagay na iyon.
Kaya naman kahit labag sa akin ay hinayaan ko siya sa gusto niya, dahil siya naman ang makikisama habang buhay at hindi ako, para sa akin once he decided to get married tapos na ang pagiging magulang ko, hindi sa wala na akong pakielam, it's just happen na kapag nag-asawa na ang mga anak natin bilang magulang at kapag nag desisyon na sila mag-asawa ay bahala na sila dahil bubuo na sila nang sarili nilang pamilya.
And they will make their own decisions for themselves. Tayo naman ay taga payo na lang at taga suporta sa mga gusto nilang gawin sa buhay nila.
Mahirap pumasok sa buhay may asawa, bata akong nag-asawa dahil naging isa din ako sa milyonh milyong anak na matigas ang ulo, hindi marunong makinig sa payo nang mga magulang, akala ay lahat nang sinasabi nang magulang ay para sa ikasasama ko, wala na lang nagawa ang mga magulang ko sa pagrerebelde ko, siguro narealize nila na gigising din naman akong muli sa kahibangan ko.
And they were not wrong, sa pagkakaalala ko ay dalawang taon lang naman ako nagrebelde, ayon nga sa dalawang taon na iyon ay naglayas ako pero bumalik na kasama ang asawa ko, she got pregnant habang nag-aaral kami sa kolehiyo. My dad asked me what am i gonna do, kung itutuloy ko raw ba ang pag-aaral ko para sa future nang mag-ina ko, o itutuloy ko ang pagiging pasaway at mamumuhay binata nang deretso.
Doon ako napa-isip, na lahat nang mga sinasabi nila sa akin noong bata pa ako ay para sa aking kabutihan, totoo nga na ang pagsisisi ay sa huli at hindi sa unahan. Ipinagpatuloy ko ang pag-aaral ko habang ang aking misis ay huminto muna habang nagbubuntis at tumira siya sa bahay kasama ko, wala akong narinig na kung ano man galing sa mga magulang, they even didn't asked me about my girlfriend that time, they accept and embrace us wholeheartedly kaya naman simula noon ay itinaga ko sa bato na kailan man ay hindi na ako uulit na gumawa nang kalokohan.
My wife? I know na may ugali, she's not kind, hindi rin siya palangiti meaning supladahin ang dating, anak mayaman pero hindi sobrang yaman, at first hindi ko rin alam kung ano ang nagustuhan ko sa kaniya, but day by day unti unting nalalaman ko.
I accepted her flaws para sa magiging anak namin, maasikaso naman siya nang mga panahon na ang-aaral ako at siya naman ay nasa bahay para magpahinga. Minsan ay tinutulungan niya rin ako sa pag-aaral ko dahil may mga subjects na mas alam niya kaysa sa akin. She became my home buddy and assistant na rin regarding sa kumpaniya.
Habang nag-aaral ay unti unti ko na rin inaaral ang kumpaniya, ganon ang ginawa sa akin nang mga magulang ko, pero hindi naman ako nag reklamo dahil alam ko na lahat naman iyon ay para sa kinabukasan ko, sa kinabukasan nang magiging anak ko, at kinabukasan nang pamilyang binubuo ko.
I graduated college with flying colors, naging mahirap pero kinaya ko sa tulong na rin nang mga taong hindi ako iniwan at sinukuan noong panahon na kailangang kailangan ko nang gabay.
Matapos manganak nang asawa ko ay nag training na rin siya sa kumpaniya para kahit hands on siya sa pag aalaga sa anak naming si Franks ay nagagawa niya pa rin akong tulungan, she changed for the better. Iyunh dating ugali niya na suplada ay nawala na at napalitan nang pagiging friendly niya, she became the face of the company, she became a leader, she helped me a lot kahit pa mahirap dahil even sa kumpaniya ay kasama niya si Frank dahil ayaw niya ipaalaga sa iba.
She became my wife, my muse, my everything. We get married one year after ko maka graduate nang college, may ipon na ako noon kaya naman niyaya ko na siyang magpakasal sa akin, hindi man kami natanggap nang mga magulang niya noong una dahil sa nabigla sila sa mga pangyayari ay wala na rin silang nagawa when we decided to get married.
We live happily together with Frank, our one and only son. Napupundar namin ang mga bagay na gusto namin ipundar nang galing sa sarili naming bulsa, nagsikap kaming dalawa hanggang sa matanggap kami nang mga magulang at partido niya.
They became distant sa amin noong nalaman nila na nabuntis si Alice my wife habang nag-aaral nang kolehiyo, at mas nagalit sila dahil pinahinto ko raw ito sa pag-aaral samantalang pwede naman raw na magbuntis habang nag-aaral, ayoko, ayoko na papasok siya sa school dahil sa gusto ko silang alagaan nang magiging anak namin noong mga panahon na iyon.
Luckily after three years they accepted us, syempre sino ba naman ang lolo at lola ang makakatiis na hindi makita ang nagiisang apo nila.