Aftee year passed natutunan namin mag-asawa how to manage the company while taking care of my son, mahirap at first perl day by day ay unti unti kaming natututo, every day is a lesson lalo na sa katulad namin na nangangapa pa sa sitwasyon kung nasaan kami noong mga panahon na iyon.
Habang lumalaki ang magulang ni Adrian ang alam ko ay hindi naman kami nagkulang sa pangaral lalo na ang mama niya dahil araw araw siyang pinapayuhan at pinagsasabihan nito, kaya namam hindi ko alam kung bakit ganoon na lamang ang naging ugali niya nung nag-asawa siya gayonh hindi naman ganoon si Frank noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo.
Napaka masunuring anak ni Frank kaya hindi ko lubos maisip na magagawa niyang abandonahin ang nag-iisang anak at iasa sa akin ang pangangalaga dito. Para sa akin ay pabor dahil happy pill ko si Adrian, pero hindi ha dapat bilang sila ang magulang ay sila ang nangangalaga sa sarili nilang anak kahit hanggang sa magbinata manlamang sana, para kahit papaano ay may inaalala itong payp mula sa kanila, kaya lang ay wala .
I know na galit si Adrian sa mga magulang niya, hindi man niya ako tinatanong ay alam kong napaka raming tanong ang gumugulo sa isipan niya, mabuti na nga lamang at hindi nag rebelde ang apo kahit pa malayo siya sa mga magulang niya. Laking pasasalamat ko na rin na lumaki siyang napaka bait at matulungin na bata.
He grew up well, hindi sa pagmamayabang pero lahat nang mga kaibigan ko ay alam yan, dahil while growing up ay palagi kong kasama si Adrian sa mga meetings ko kahit pa abutin na kami nang gabi sa opisina ay hindi siya nagrereklamo, wala kang maririnig galing sa kaniya, uupo lang siya sa isang tabi at gagawa nang mga assignment niya sa school pagtapos ay makikipagkwentuhan sa ibang empleyado kapag nabored na.
Half of Adrian's life ay nasa kumpaniya, kaya naman kapag tinititigan ko at inaalala how successful our company is, ay si Apo agad ang sumasagi sa isipan ko. Nakikita ko ang imahe niya habang masayang nakikipaglaro sa mga empleyado ko, he is jolly and kind, giver din yan, dahil kapag nalaman niya na may sakit ang anak sa mga empleyado ko ay siya na ang kusang nagsasabi sa akin na ipagamot ko raw or bilhan ko nang gamot o kaya nang prutas, lumaki siyang walang kaibigan dahil nga sa nilalayuan siya nang ibang bata dahil sa apo ko siya.
Pero kahit ganoon, hindi ko siya narinigan na nagtanong sa akin na bakit ganito, bakit ganyan, na kasalanan ko kung bakit iniiwasan siya nang mga bata, wala wala akong narinig na sumbat galing sa kaniya.
Kaya naman ipinangako ko noon sa sarili ko na hinding hindi ko pababayaan ang apo na, na kahit sa ano mang bagay ay ibibigay ko nang buong buo ang suporta ko, kagaya nang pagsama at pagsuporta niya sa akin habang inaasikaso ko ang kumpaniya ko.
Sa totoo lang ay wala na akong maihihiling pa, dahil kahit nagiisa siyang apo ay nasa kaniya naman na ang lahat, siya yung masasabi ko na the best of all apo's dahil one time lumabas kami nang kaibigan ko kasama namin ang aming mga apo ay nakita ko at narinig ko kung paano na lang sila bastos bastusin nang kanilang mga apo.
"Hi Adrian, how are you?" Tanong ni Bernard na kaibigan ko.
Agad naman lumapit si Adrian at nag mano dito "Hi lolo, i'm good kayo po?" nakangiting sagot nito.
"Napalaki mo nang maayos ang apo mo, Robert," sabay tapik nito sa balikat ko.
"Glad to hear that, ikaw ba Claire how are you?" sabi ko naman.
She's just staring at me na akala mo ay walang narinig.
"Claire, hindi mo ba babatiin at sasagutin ang lolo Robert mo?" tanong ni Bernard.
"Why would i?" pairap na sagot nito.
Napalaki na lang ang mata ko sabay napa tingin ako kay Adrian, na nakatitig kay Claire na akala mo kung anong ginawang kasalanan.
"Brat!" bulong ni Adrian, kaya naman napangiti ako.
"Sorry for that Roberto, ayaw kasi talaga sumama sa akin ni Claire, napilitan lang dahil aalis ang parents niya," paumanhing sabi ni Bernard.
"It's fine, no worries,"
Doon ko na realize na hindi lahat nang apo ay magiliw kapag kasama ang lolo o lola, meron talagang mga batang lumalaki nang bastos and brat tulad nang sinabi ni Adrian noon. Bernard and I are still friends, hindi ko lang alam kung nagkikita si Claire and Adrian since nasa iisang campus naman sila.
Bernard wanted Adrian to marry his one and only grand daughter, but i bet malabong magustuhan ni Adrian si Claire dahil sa ugali pa lang ay malayong malayo na ito kay Celine.
Yes, bilang lolo kahit hindi ako nagtatanong ay nagmamasid ako, alam ko na gusto nang apo ko si Celine, at gusto ko siya ang gumawa nang paraan para mapalapit siya rito.
Mayaman kami oo, pero hindi ako against sa pagkakaroon ni Adrian nang gusto sa hindi mayaman na katulad namin, like what I've said, lahat nang gusto niya ay susuportahan ko, masaya akong susuporta lalo at nakikita ko kung gaano siya kasaya sa tuwing nakikita o nakakasama niya si Celine.
He's the one who even asked me na imbitahan raw si Celine sa selberasyon nang kaarawan ko, at sino naman ako para tumanggi sa gusto niyang iyon. That was the first time that i saw Adrian my apo na sobrang saya, na kahit siya humahagalpak nang tawa ay kita ko sa mga ngiti at mata niya how happy he is habang kasama niya si Celine.
Kaya nga inirequest ko na magtagal pa ang dalaga hindi ba, dahil doon ko lang nakita na nakipagusap si Adrian sa dalaga, nag-aalala na nga ako noon dahil wala siya ipinakikilala sa aking nobya or nagugustuhan, ngayon alam ko na na meron at kilala ko na rin naman kung sino.
Masaya ako para sa kaniya, dahil bukod sa matalino si Celine ay nakita ko sa batang iyon kung gaano siya ka pursigido na makapag tapos nang pag-aaral para makatulong siya sa kaniyang mga magulang na tauhan ko naman sa rancho.
Her parents are as kind as her, sobrang bait na wala na rin akong masasabi, mabait na at sobrang sisipag pa, sila yung mga tauhan ko talaga eversince nagstart ako sa rancho, kaya naman bata pa si Celine ay kilala ko na siya, kaya alam ko na mapapalaki siya nang maayos nang kaniyang mga magulang.
yung ibang mayayaman siguro ay villain para sa buhay pagibig nang kanilang anak o apo, but for me it's a no, hindi naman ako ang manliligaw, hindi rin naman ako ang makikipag date, hindi rin ako ang haharap sa mga magulang para ipaalam sa kanila na liligawan ko ang anak nila, at isa pa hindi rin naman ako ang makakasama nila habang buhay sakaling lumagay sila sa tahimik na buhay, kaya naman ang kaya ko lang ibigay ay ang aking buong buong suporta lalo na kung sa katulad lang rin naman nang apo ko na wala naman na akong mahihiling pa.
Malapit na siyang magtapos nang kolehiyo, kaya kapag mag-isa ako sa library nang bahay ay iniisip ko kung paanong nakaya konh palakihin siya nang ganoon na ako lang mag-isa, maagang kinuha ni Lord ang other half ko kaya naman halos ako lang talaga ang nagpalaki sa apo ko, natutuwa ako at the same time ay naluluha sa tuwing naiisip ko ang mga pinagdaanan namin nang apo ko.
Hindi porket mayaman ay wala nang kahaharapin na problema, mas marami pa nga ang problema naming mga mahihirap, lalo sa sitwasyon ko na lalaki ako, tapos nagpapalaki ako nang apo, na hindi naman ako hands on noon sa pagpapalaki nang anak ko, halos hindi ko nga ata natulungan ang asawa ko sa pagpapalaki nang anak namin.
Kaya sa tuwing binabalikan ko ang mga panahon habang pinapalaki ko si Adrian ay nagiging emosyonal ako dahil alam ko na nagawa ko, at hanggang sa mag-asawa siya at bumuo nang sarili niyang pamilya ay sasamahan ko siya, kahit pa huwag na umuwi ang mga magulang niya, ang mahalaga kasama ko siya at habang nabubuhay ako ay hindi ko siya pababayaan at hahayaan na magisa.
Lalo na ngayon na konti na lang ay makukuha na niya ang gusto at pangarap niya na alam kong matagal na niyang inaasam at gustong makuha simula pa noon hanggang ngayon kaya naman nagsisikap talaga siya nang husto para doon.
And sooner or later ay makukuha na niya iyon, hindi pa nga lang si Celine dahil wala naman akong nababalitaan na umusad na ang relasyon nila, ni hindi ko nga alam kung magkaibigan ba sila o ano dahil ang alam ko ay hindi naman kinakausap ni Celine si Adrian simula pa man noon, nagsimula lang iyon noong dumalo sila nang party ko, na kahit papaano ay nakapag usap naman sila kahit na simpleng bagay bagay lang.
And as a lolo i am looking forward sa gagawin nang aking apo at kung paano uusbong ang pagiibigan sa pagitan nilang dalawa.