Realization

1779 Words
I know for sure that my grandfather would be happy to see me walking with my black toga holding my diploma, kasi finally ay makakapagtapos na ang nagiisang apo niya. Yung apo na kahit kailan hindi niya pinabayaan, yung apo na kahit kailan hindi siya nakaringgan nang masakit na salita, yung apo na kayang gawin ang lahat para sa kanila, yung apo na simula noon hanggang ngayon ay minahal, minamahal at alam kong mamahalin pa niya. I love my Lolo more than anyone else in this world, I may not be vocal in terms of my family, pero alam ko na marami na rin ang nakakaalam kung how grateful I am being my lolo’s apo, siguro kung nakasama ko nang matagal ang parents ko hanggang lumaki ako ay mas mahal ko sila, but since they leave me alone to my lolo I siguro ay hindi naman ako perpekto para hindi ako makaramdam nang galit sa kanila. Kahit naman sinong anak ang iwan para mamuhay nang sila lang para sa negosyo ay sasama ang loob hindi ba? surely isa ako sa kanila, my family looks so perfect but, we're not. Galit ako, galit ako sa fact na they chose business over me, alam nyo yung feeling na nagiisa akong anak pero nakaya nilang iwanan ako nang ganon kabata para lang sa negosyo na kung tutuusin ay pwede naman nila ako isama while achieving their dream, hindi naman ako magiging hadlang sa kanilang dalawa. Pero, iniwan pa rin nila ako, hinayaan nila na lumaki ako nang wala ako sa piling nila, samantalang yung ibang magulang kapag firsg time parents halos ayaw iwan ang anak dahil gusto na palaging nakikita yung milestone nanv anak nila, yun bang gusto nila palaging ka cuddle ang baby nila, lalo kapag nag tatrabaho kasi ang gusto agad pag uwi sa bahay yayakap sa anak, hahalik, makikipag laro, yun yung bagay na alam ko na hindi ko naranasan sa mga magulang ko. Dahil every milestone naman ay si Lolo ang kasama ko, kailan ko ba naman kasi nakasama ang parents ko di ba , palagi naman talaga si Lolo, simula pa nag pitong taon ako, they leave me when i was in grade two kaya naman may isip na ako, alam ko ang dahilan pero hindi iyon ang sinabi sa akin ni lolo nang magtanong ako, siguro kasi he don't want me to get mad sa mga parents ko , naiintindihan ko si lolo kasi anak niya si papa pero kasi bilang anak ako siguro naman valid yung feeling ko. I wanted my feelings to be validated, ayoko nang binabale wala ang nararamdaman ko that's why every single things ay alam ko tungkol kay lolo, alam ko kung masaya siya, kung galit, kung malungkot, kung naiinis, yung mga ganon bang kasimpleng bagay alam ko tungkol kay lolo. Yung sa akin hindi ko alam, kasi never pa naman nakita ni lolo na nagbago ang mood ko nang kaharap ko siya, i maybe a moody person pero ako lang ang nakakaalam noon, kasi nagbabago lang naman ako nang mood kapag ako lang mag-isa, even sa school kasi kapag magbabago ako nang mood lumalabas ako nang classroom or yuyuko ako sandali tapos iba na mood ko. Mabilis naman kasi mabago ang mood ko hindi ko alam kung bakit, lalo na pagdating kay Celine talaga. Lately ko lang rin nalaman na isa pala si Celine sa maraming dahilan kung bakit mabilis magbago ang mood ko, lately mabilis uminit ang ulo ko lalo kapag nakakarinig ako nang balita or tsismis tungkol kay Celine. Lalong lalo na nung hindi sinasadyang nabanggit ni Celine sa akin na na-bully siya, uminit talaga yung ulo ko, nagalit ako pero alam ko naman ja wala ako sa posisyon para magalit kasi ano ba naman kami di ba, wala naman kaming relasyon. Bata pa lang kilala ko na si Celine, kasi matagal nang tauhan ni lolo ang mga magulang niya sa rancho, minsan na rin kami nagkalaro noong mga bata pa kami kaya noon pa man alam ko na, na mabuting anak si Celine, dahil sa murang edad niya nakikita ko na siya tumutulong sa mga magulang niya imbis na dapat na naglalaro pa siya. Yung ibang bata nakikitaan ko na kaliwa't kanan ang pabili nang kung ano ano sa mga magulang nila kapag nasa simbahan, pero si Celine never ko narinig o nakita na nagpabili siya sa mga magulang niya. Nakikita ko siya na nakatingin sa mga batang may dalang loob na design ang mga paborito nilang cartoon character pero si Celine wala, kita sa mga mata niya na kagustuhan niya na makabili rin pero alam niyang hindi kaya ibigay nang mga magulang niya ang gusto niya, dahil alam ko na hindi sapat sa kanila ang kinikita nila sa rancho ni lolo. Hanggang pumasok sa paaralan, naalala ko noon na maghapon ang pasok namin pero ang baon niya pananghalian ay pritong itlog, hindi pa buo iyon kundi kalahati lang. Mayaman kami pero pinili ko na mag-aral sa public school noong elementary year ko, gusto ko kasi gusto ko noon na magkaroon nang maraming kaibigan kaya pinilit ko si lolo na pumasok ako sa public school kahit ayaw niya dahil natatakot siya na baka raw kung anong mangyari sa akin. Wala naman nangyari, naging unfair pa nga sa mga ka-eskwela ko dahil masyado ako pinapaboran nang mga teacher, halos araw araw ay nagdadala sila nang kung ano ano para ibigay sa akin dahil alam nila na nag-iisang apo ako ni lolo kaya naman halos ligawan na nila ako para magpa bango nang pangalan kay lolo, as if naman tatanggapin ko, usually ibinibigay ko sa mga tauhan ni lolo iyon pagdating nang hapon, or minsan ibinibigay ko sa mga ka-eskwela ko na walang dalang baon. May mga ka-eskwela kasi ako noon na wala talaga silang dalang baon, sa kagustuhan na lang nilang matuto kaya kahit hindi sila makakain nang tanghalian ay ayos lang. May mga mababait rin naman kaming naging guro noon na palagi nagdadala nang extra food para sa mga ka-eskwela ko, para may makain sila tapos sabay sabay kami kumakain sa classroom. After lunch ay nagpapahinga lang kami tapos hinahayaan kaming maglaro nang guro namin sa playground sa loon lang din naman nang school, may bantay din naman kami kaya wala namang problema. Masasabi ko na naging maganda ang elementary days ko sa public school na pinasukan ko noon, dahil nagkaroon ako nang kaibigan, kahit iilan man ay alam kong totoo silang kaibigan, ang iba ay hanggang ngayon nakikita ko pa, ang iba naman ay nakikita ko rin na nagta-trabaho sa rancho ni lolo, gustuhin ko man makipag-kwentuhan sa kanila ay hindi ko na rin magawa dahil ayoko naman na abalahin sila sa kanilang ginagawa. but, i am planning to invite them on of these days para naman makasabay ko rin sila kumain at para makapag-kwentuhan ang aming nabuong pagkakaibigan noon. Alam ko naman na kahit hindi man kami nakakapag-usap ay kahit papaano naman kapag nagkikita kita at magkakasalubong kami ay nagagawa pa rin naming mag-ngitian sa isa't-isa. Totoo nga pala na habang tumatanda tayo ay hindi natin na namamalayan na yung mga nakasanayan natin noon ay unti unti nang nababago, mag nawawala , may umaalis at may dumadating. Most of the time kasi ay naka focus tayo sa mga bagay na nasa harapan natin kaya naman hindi na natin nabibigyang pansin ang nakaraan na naging malaking bahagi rin naman nang ating kasalukuyan, kasi kung babalikan naman natin ang nakaraan ay doon lang natin maiisip na kung hindi dahil doon, kung hindi tayo hinubog nang panahon ay hindi tayo ganito ngayon. Pero alam ko naman din na everything has a reason, i know my parents have a reason too, hindi ko lang alam kung ilan ang dahilan nila pero kapag mag-isa ako sa aking silid ay napapaisip din ako kung deserve ko ba na iwan, hindi ba ako naging mabuting anak noon when i was young, hindi ko rin talaga maisip, kaya naman hinayaan ko na lang ang panahon ang magsabi sa akin. I've waited for lolo na sabihin sa akin ang dahilan pero up until now ay wala naman siyang sinasabi, siguro kasi nakikita naman niya na okay naman ako at hindi naman kasi ako pala tanong lalo na kung tungkol sa pamilya ko, sa parents ko rather. Pero ngayon masasabi ko na masaya naman ako, i am happy na kahit papano ay unti unti nang nagiginh okay kami ni Celine, kahit papano ay nagiginh close na kami dahil nagsasabi na siya sa akin nang problema sa school at kung anong nangyayari sa kaniya kahit papano, yun pa lang ay okay na at masaya na ako, dahil alam ko naman na pasasaan pa ay magiging magkaibigan na talaga, and malay natin one day na hindi lang magkaibigan hindi ba, hindi rin kasi natin masasabi talaga ang ibibigay sa atin nang tadhana. But i am looking forward dahil alam ko sa sarili ko na gusto ko siya, at ginugusto ko pang lalo sa araw araw kahit pa hindi naman kami nagkikita araw araw. Bihira kasi kami magkasalubong sa campus dahil sa hindi naman kami magkaparehas nang kurso at isa pa magkaiba kami nang schedule dahil ang alam ko ay tumutulong pa siya sa mga magulang niya bago siya pumasok sa school, ganoon din minsan ang ginagawa nang pinsan niyang si Rey kaya nga minsan ay nale-late ang isang iyon, kaya minsan ay ipinapahiram ko na lang ang notes ko, maigi na lang at matalino at masipag din mag-aral ang isang iyon kaya wala naman siyang nagiginh problema sa acads niya kahot minsan ay late at absent siya. Mahirap para sa kanila pero alam kong kaya nila ni Celine, ngayon pa ba sila susuko eh iilang buwan na lang at kami ay magtatapos na, iilang buwan na lang ay makikita na sila nang mga magulang nila na aakyat sa stage suot suot ang itim nilang toga and finally lahat nang taon nang pagsisikap ay matatapos na. At sa wakas iyong mga bagay na gusto nila maabot para sa mga magulang nila ay maibibigay na nila, makakapag-trabaho na sila at alam ko na maiaahon nila sa kahirapan ang buhay nila, cause i know how they strive for their future, how they did everything para gumradweyt nang matataas ang kanilang marka para makita how proud thwir parents are sa kanilang pagsisikap. Alam ko na hindi madali ang lahat, pero pasasaan pa at matatapos din naman lahat nang paghihirap at pagsisikap, dahil finally we all can say na this is it, papasok na kami sa panibagong yugto nang buhay namin at iyon ay ang pagta-trabaho naman para maabot ang pinangarap ay patuloy na pangarap para sa mga mahal namin sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD