Months passed and finally two weeks na lang at graduation na. Dalawang linggo na lang kaya naman ang mga estudyante ay excited na at the same time ay mga ngarag na ngarag sa pag-aasikaso nang mga kailangan asikasuhin para maging okay na ang lahat.
May iilan kasing professor na andaming request sa mga graduating students na para bang ayaw pa bitawan at pakawalan ang kanilang mga estudyante. Dadalawang linggo na pero yung mga ipinapagawa parang hindi kaya tapusin sa loob nang isang linggo.
Bilang isang graduating student ay excited at talagang masayang masaya ang puso dahil this is it, sa wakas sobrang lapit na, iilang tulog na at talaga namang magtatapos na ang college life journey naming lahat.
"Hey cous, it's been a week since last time na nagka-usap tayo, kamusta ba?" Tanong ni Rey sa pinsang si Lyny.
"Oo nga eh, super busy kasi naman andaming ipinapagawa nang prof ko sa marketing, kaya naghahabol kaming buong class ngayon, kayo ba kamusta preparations?" sagot naman nito.
"Okay naman, binigyan na kami nang prof namin nang one week na pahinga para naman raw hindi kami haggard pag-akyat sa stage, at isa pa tapos na rin naman kami sa mga requirements kaya eto nagdo-double check na lang kami nung mga ipinasa namin noong nakaraan," mahabang sagot nito.
"That's good to hear, nakakatuwa na konting tulog na lang at aakyat na tayo sa stage habang nakasuot nang itim nating toga," masayang masayang sabi nito.
"Kaya nga, kahit ako hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na finally magtatapos na tayo, at sasabak na tayo sa panibagonh hamon nang buhay," nakangiting sabi nito. "Sa totoo lang, kapag naaalala ko ang sitwasyon natin noon ay hindi ko pa rin lubos maisip na sa wakas, lahat nang hirap, frustrations and effort natin ay masusuklian na." Masayang dugtong pa nito.
"Kahit ako, kahit nga sila nanay ay masayang masaya dahil sa wakas daw ay lahat nang pagod nila para maibigay ang pang baon ko araw araw ay nasuklian ko naman daw nang maganda."
"c*m laude ka hindi ba?"
"Oo, kaya yung saya ko wala nang mapagsidlan talaga, kasi hindi ko inexpect, i mean kahit pa doble doble yung effort ko sa pag-aaral ay hindi pa rin ako umaasa dahil maraming magaling sa kurso namin, meron ako ka kompitensya sa klase kaya hindi ko iniisip na ako ang c*m laude, not until in announce ni ma'am sa classroom namin bago mag simula ang graduation practice. Hindi pa ako naniniwala noong una kasi hindi agad nag sink in sa utak ko talaga."
"Oh diba, all your efforts will be paid off, hindi ka pinabayaan nang Diyos sa journey mo bilang isang college student."
"Maiba ako, Rey anong oras ang uwian ninyo ngayon ?" nag-aalangang tanong ni Celine. Simula kasi nag-announce nang graduation ay hindi pa sila muling nakikita ni Adrian, dahil running for c*m laude rin ang isang iyon, kaya naman iniisip niya kung makakausap na ba niya iyon.
"Ako walang oras kasi anytime ay pwede naman akong umuwi, pero kung si Adrian ang hihintayin mo ay baka gabihin iyon, ang alam ko ay alas sais pa ang uwi niya dahil may inaasikaso pa siyang mga papeles sa admin office."
"Ganon ba? may itatanong kasi sana ako, kaya lang hindi pa rin pala pwede dahil gagabihin na siya, sige siguro ay sa susunod ko na lamang siya kakausapin."
"Okay sige, ikaw ang bahala. Sumabay ka na sa akin mamaya pag-uwi at hihintayin na lamang kita, tutal ay may gagawin pa rin naman ako at nagpapatulong sa akin si Adrian."
"Sige, mauna na ako sayo, magkita na lang tayo mamaya sa bleachers pagkatapos nang practice." Sabay tayo niya dahil may aasikasuhin pa siya.
Kumaway na lamang sa kaniya ang pinsang si Rey dahil sa hindi naman na ito nakapag salita pa para magpaalam dahil umalis na rin agad siya. Naupo lamang siya sandali sa canteen para mag meryenda and timing naman na naroon rin ang pinsan niyang si Rey para kumain rin nang meryenda mag isa.
Dahil sa parehas silang c*m laude ni Adrian ay talaga naman na wala silang oras para magka salubong man lamang sa campus dahil magka iba naman ang building nila, parehas rin silang busy sa mga kani kaniya nilang inaasikaso para kapag dumating ang graduation ay wala nang isipin at problema pa.
Miss na miss na rin nang binata si Celine pero wala naman siyang magawa dahil mayroon siyang mahahalagang bagay na kailangan unahin bago kay Celine. Inaasikaso niya rin kasi ang mga papel nang ibang scholar nang kaniyang lolo dahil ayaw naman na niyang bumalik sa campus para asikasuhin iyon, kaya naman isinabay na niya sa pag-aayos nang mga papel na kailangan niyang ayusin.
Halos dalawang linggo na rin kasi na hindi niya nakikita ang dalaga kaya naman kahit gustong gusto na niya iyon punatahan ay hindi niya magawa dahil sa gusto niya na rin matapos ang mga kailangan niya tapusin para naman kapag natapos na iyon ay pu pwede na niyang makita at makasama ulit ang dalaga.
Wala pa silang label, pero alam nila na mahalaga ang isa't isa para sa kanila, hindi man sila vocal sa kanilang mga nararamdaman ay ipinaparamdam naman nila iyon sa isa't isa, they care for each other pero walang label, pero mutual. Sa ganoon naman ay masaya sila, mas gusto rin naman nilang dahan dahanin ang proseso lalo na para kay Celine dahil natatakot siya sa kung anong pwedeng sabihin nang iba tao sa kanila, kahit pa sinabihan na siya ni Adrian na hindi naman mahalaga ang opinyon nang iba, dahil ang mahalaga ay nagkakaintindihan sila.
Which is tama naman, ang mahalaga pa rin naman ay ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Pero ayaw rin naman na madaliin ni Adrian si Celine kaya naman pumayag na rin siya sa gusto nito kahit pa kontra siya noong una.
Masaya sila para sa isa't isa, dahil ga-gradweyt sila nang parehas c*m laude, na lahat nang puyat, pagod, iyak at effort nila ay may naging magandang bunga.
Para sa kanila maging sa kanilang mga kaklase ay napalaking achievement ang makapagtapo sila, wala mang award ay napakalaking bagay na. Na lahat nang pagsisikap nila at nang mga magulang nila ay sa wakas matatapos na, haharap na sila sa panibagong hamon nang buhay at iyon ay ang paghahanap nang trabaho, panibagong pakikisama at pakikisalamuha sa mga bagong makikilala.
Takot man ay mas nangingibabaw pa rin ang excitement sa bawat isa, finally they can say na they finally did it, after the long run, ups and down, crying nights and puyatan. Handa na silang ma grow at mag step forward para sa magandang kinabukasan na ninanais nila.
At ang motto nila, ay "Ga gradweyt tayo nang sama sama dahil sabay sabay tayong humarap sa hamon nang buhay bilang college student, kaya naman walang susuko, walang maiiwan, at walang mapapaiwan."