Graduation Day

2005 Words
Matapos ang ilang taong pagsisikap, paghahabol sa oras, pagaasikaso nang mga kailangan asikasuhin ay sa wakas dumating na ang araw na pinaka-hihintay nila. Ang araw nang kanilang pagtatapos. Alas otso nang umaga ang simula nang graduation program, kaya naman dahil sa sobrang ka-excitedan ni Celine ay halos hindi na siya nakatulog. Napag pasyahan nila nang kaniyang ina na magpapaayos siya sa make up artist sa araw na iyon para naman maganda silang aakyat sa stage, hindi naman na tumanggi si Celine dahil alam niya rin naman sa sarili niya na ang araw na iyon ay isa sa pinakamahalagang pangyayari sa buhay niya kaya naman gusto rin niya na siya ay maganda. Pumayag ang university na pinasukan niya na aakyat ang kaniyang ama at ina sa stage para sabitan siya nang kaniyang medalya dahil batid rin naman nang buong paaralan na deserve nila iyon. Alas sais pa lang ay nakaligo na si Celine dahil maaga darating ang mag-aayos sa kanilang mag-ina, matagal rin kasi mag make up talaga at oras din ang ginugugol kaya namam kailangan na maaga talaga ang kilos nila. Napagkasunduan rin nila ni Rey na sumabay sa sasakyan na inutusan ni Adrian para sunduin sila, ayaw niya sana dahil ayaw naman niya na bumuo iyon nang samo't saring reaksyon dahil sasakyan iyon ni Don Roberto pero wala na rin silang nagawa kaya naman pumayag na rin sila at isa pa wala rin naman silang sasakyan at mahihirapan sila mag commute dahil sa dami nang ga-gradweyt sa araw na iyon. Para kay Celine ang araw na iyon ay isa sa ilang mga araw niya na hindi niya makakalimutan,dahil ang pangarap niya lang noon ay makakamit na niya ngayon, na lahat nang pagod, hirap, pagsisikap na kaniyang naranasan ay may magandang bunga. Para sa kaniya ay hindi pa rin niya lubos maisip na sa wakas ang araw na pinaka-hihintay niya ay dumating na. Alas sais pasado ay dumating na ang magaayos sa kaniya kaya naman sinimulan na rin nila agad agad dahil alas syete pasado ay darating na ang susundo sa kanila, sila ang huling dadaanan dahil mas malayo ang bahay niya kay Rey kaya naman ganoon ang set up nila. Gusto naman niya na maganda siya sa araw na iyon, ipinakulot niya ang laylayan nang kaniyang kulay hazel nut brown na buhok, nagpalagay rin siya nang glitters sa kaniyang mata para naman maganda tignan kapag pumipikit siya. She wanted to be pretty sa araw na iyon kaya naman talagang nagkasundo sila nang make up artist niya. On the other side maaga rin nagising si Adrian dahil sa hindi rin siya halos pinatulog nang kaniyang lolo dahil may biglaang ipinagawa ito sa kaniya, gustuhin man niyang magreklamo ay hindi niya nagawa dahil ayaw naman niya na malungkot ang matanda, for him kahit pa hindi siya matulog nang isang linggo ay kakayanin niya basta para sa ikasasaya nang kaniyang lolo. Two weeks before ay bumili na sila nang kaniyang lolo nang kanilang susuotin sa graduation day kaya naman well prepared na rin sila, halos nasaulo niya na rin ang speech niya dahil siya rin naman ang nagisip noon, tatlong kurso lang kasi ang magtatapos sa araw na iyon dahil hindi kakayanin kung pagsasabay sabayin ang lahat nang kurso, kaya naman binigyan nang oras ang mga c*m laude na makapag speech sa araw na iyon. Maikli lang ang speech niya pero alam niya na lahat nang sasabihin niya ay iyon ang nararamdaman niya. One week before ay kinausap niya si Rey na sumabay na lamang sila ni Celine sa sasakyan niya, ngunit tinanggihan iyon ni Rey, pero dahil sa kaguatuhan ni Adrian talaga na may masakyan ang magpinsan ay nagpadrive na lamang ito nang ibang sasakyan para sa magpinsan at pumayag naman si Rey, ayaw kasi ni Rey na kasabay si Don Roberto dahil alam niya na pagbaba pa lamang nang sasakyan ay kung ano ano na ang maririnig niya, ayaw naman niyang masira ang mahalagang araw na iyon kaya gustuhin man niyanh sumabay sa kaibigan ay tumanggi pa rin siya rito. Masayang masaya naman si Don Roberto nang araw na iyon, hindi niya halos mawari kung gaano kasaya ang puso niya ma magtatapos na ang kaniyang apo, alam rin niya kasi kung gaano nagsikap ang kaniyang apo sa kursong kinuha nito, dahil kita niya rin naman kung gaano magpuyat ang apo para sa mga school projects nito. Lahat nang estudyante na magtatapos sa araw na iyon ay hindi masukat ang saya na nadarama, syempre lalo na ang kanilang mga pamilya. "Lo, you think that's enough?" tanong nito sabay turo sa kahon kahonh regalo na inayos niya magdamag. "I guess so, thank you apo sa pag-aasikaso, hindi ka na nakatulog dahil sa akin," pagpapaumanhin namang sagot ni Don Roberto. "Okay lang lo, gusto ko rin naman ang ginawa ko at isa pa mukhang hindi rin naman talaga ako makakatulog dahil excited ako." Masayang sagot niya. "Sa bagay nga, mag-asikaso ka na at baka ma late pa tayo, ipasasakay ko na lamang iyan kay simon mamaya." "Sige po lo, kayo rin po." Matapos mag-ayos ang mag lolo ay agad na rin naman silang umalis patungo sa university dahil kakausapin pa rin ni Don Roberto ang presidente nang nasabing university. Meanwhile si maging si Rey ay wala rin halos tulog dahil sa sobrang ka excitedan rin nito, kahit ang kaniyang mga magulang ay hindi rin makapaniwala na dumating na ang araw na iyon, ang ama ni Rey ang sasabay sa kaniya sa pag martsa dahil hindi makakapunta ang kaniyang inay dahil sa may check up ito, kasalukuyan kasi itong nag uundergo nang through check-up ayon na rin sa gusto ni Don Roberto. Yearly kasi ay may medical ang mga tauhan niya, nagkataon naman na graduation nila Rey nka schedule ang kaniyang ina, gustuhin man nito pumunta ay hindi pwede dahil hindi naman palaging nandon ang doctor specialista na tumitingin sa kanila. Expected na rin naman iyon ni Rey, mas mahalaga pa rin sa kaniya ang kalusugan nang kaniyang ina bago ang kung ano pa man. Maaga rin silang nag-asikaso nang kaniyang ama dahil maaga rin naman umalis ang kaniyang ina para magtungo sa ospital, nangako naman ang kaniyang ina na pipilitin nito humabol kung kakayanin kaya okay na rin kay Rey. Halos nanlaki ang mata ni Rey nang makita ang ayos nang kaniyang pinsan nang sunduin nila ito, ibang iba kasi ito sa Celine na nakilala niya, mas lalo itong gumanda noong naayusan na, bumagay rin ang suot nitong kulay puting dress na above the knee lang ang haba at doll shoes na may one inch na takong, hindi kasi sanay ang dalaga sa high heels kaya naman mababa lang ang takong na isinuot niya. Bagay na bagay rito ang pagkaka kulot nang laylayan nang kaniyang buhok, at nah compliment ang make up niya sa kaniyang skin tone kaya naman napaka ganda. "Ang ganda natin ah," nakangiting bungad ni Rey. "Sus, naka make up eh,"natatawang sagot ni Lyny. "Huy kahit wala kang make up ay maganda ka, mas lalo ka lang gumanda, bagay sayo." Proud na sabi nito sa pinsan. "Thankyou and congrats, we made it!" "Congratulations talaga sa iyo, c*m laude ka ba naman eh, ano kaya ang regalo ni Adrian sa iyo mamaya." "Ano banh regalo yang pinagsasabi mo, eto nga at pinasundo pa tayo sa driver nila, ito pa lang regalo na kasi malaking bagay na may nasakyan tayo." "Sa bagay nga naman, by the way handa ka na sa speech mo?" "Oo naman, ako naman ang nagsulat kaya saulo ko, hindi ko lang alam kung boring or magiging interested ang mga makikinig," kibit balikat na sabi nito. "Bakit namam hindi, e isa sa pinaka matalinong estudyante nang buong campus ang magsasalita, maniwala ka lahat sila mamaya makikinig at papalakpakan ka." "Salamat, sana nga kasi nag-aalala ako, ngayon lang ako aakyat sa stage sa harap pa nang mga magulang at magtatapos." "Kaya mo naman hindi ba, kapag kinakabahan ka ay tumingin ko sa direksyon ni tito nang sa gayon ay mawala ang kaba mo." "Sa bagay nga, salamat." "Maiba, kanino ka nagpa ayos? at mukhang magaling ah kasi napaganda kayo ni tita," pabirong sabi nito. "Kay ate Chay, yung make up artist sa parlor, nag prisinta kasi siya noong nalaman niya na c*m laude ako, kaya ito at nakaayos kami ni nanay." "Ah, kay ate Chay pala, magaling nga mag ayos yon, natural beauty ang atake," natatawang sabi nito. "Para kang bakla, may pa natural natural beauty ka pa na nalalaman diyan," At nagtawanan sila sa sasakyan, nagtatawanan may ay may kaba pa rin sa dibdib ni Celine dahil sa kinakabahan siya kung ano ang kalalabasan nang speech niya sa harap nang maraming tao, lalo na at kumpleto ang faculty members, school president, at andon rin si Don Roberto na siyang dahilan kung bakit nagsikap rin siya nang husto. Isa si Don Roberto sa inspirasyon ni Celine kaya naman pinagbubutihan niya ang kaniyang pag-aaral dahil malaki ang utang na loob niya rito, dahil kung hindi dahil sa Don ay hindi siya makakapag aral nang kolehiyo at hindi siya makakapag tapos sa kursong gustong gusto niya talaga aralin. Eksaktong alas otso nang umaga ang nagsimula ang seremonya, hindi pa nagkikita si Adrian at Celine dahil sa magkalayo ang pwesto nang upuan niya, hindi na rin siya nagkaroon nang pagkakataon na hanapin ang binata bago magsimula ang seremonya dahil sa kailangan niya na rin pumunta sa kaniyang pwesto para pumila at maghanda para sa martsa kasama ang mga magulang niya. Maganda ang set up nang school kaya naman namangha ang mga magulang nila, dahil unang beses naman iyon na nakarating ang mga magulang nila sa campus kaya naman hindi maitago sa mga mata nito ang pagka mangha sa mga nakikita, hindi rin kasi nila lubos maisip na ganoon pala kaganda ang paaralan na pinasukan nang mag pinsan , habang naka pila ay palinga linga ang mga magulang ni Celine sa paligid nang gymnasium. Sa gymnasium kasi ginanap ang graduation dahil sa malaki ang pwesto at kayang kaya i cater ang ilang libong tao, hindi rin naman mainit dahil fully air-conditioned ang buong gym kaya naman kahit puno ay hindi sila maiinitan sa loob. Sa labas nang gym ang pila, kaya naman mula main gate paikot nang oval ang dulo nang pila, unang pumasok ang faculty members, na sinundan naman nang Management students kung saan kabilang si Celine, hanggang sa matapos makapasok ang lahat. Opening remarks ang presidente nang paaralan kaya naman habang nagsasalita ito ay naka focus ang lahat nang estudyante dahil once in a blue moon lang namam nila nakikita ang school president. "Good morning, to all parents, faculty members, and especially Graduates, Congratulations! You all fought hard to reach your goals, no more sleepless nights, crying moments, and lutang moments, cause finally you are all in the end, and you are all will be facing a new chapter in your life, congratulations for staying strong throughout the year, for doing everything to reach your goal, as a parent and school president, I am so proud of you all. And to all parents, congratulations, you are a big part for their journey, kayo ang naging dahilan nila kung bakit sila nagsumikap at nag aral nang mabuti para makapagtapos sila, maraming salamat sa walang sawang pag supprta ninyo sa inyong mga anak, sa palaging pagpa-paalala nang mga dapat at hindi dapat, sa palaging pagsama kung kailangan nila nang kasama at pagiyak kasabay nila kung kinakailangan. Every hard work will be paid off. Congratulations again and Mabuhay!" Mahabang opening remarks nang school president, sabay sabay naman nagsitayo ang mga estudyante bilang pagbibigay galang. Ang iba ay naiyak dahil alam nila na talagang kasama nila ang kanilang mga magulang sa buong apat na taon na iginugol nila sa kanilang pag-aaral. At ang mga magulang rin nila ang isa sa dahilan kung bakit sila nagsumikap, nagpuyat, umiyak, napagod pero bumangon at hindi huminto para sa kanilang kinabukasan. All their hardworks are paid off, at alam nila na magandang future ang haharapin nila sa pagpasok nila sa bagong yugto nang kanilang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD