Cyhyara's PoV
Habang hawak pa din ni Samuel ang kamay ko ay nakarinig kami ng katok sa pintuan ng aming classroom.
"Excuse me, Sir" napatingin kami sa gawi ng nagsalita.
And we saw a beautiful women, right to the next door.
But I have a bad feeling about her presence.
"Yes, Miss Zwen?" Oh, so Zwen is the name huh?
Napangiti naman ang Zwen ng banggitin sya ng magaling kong prof.
Napairap nalang ako sa kawalan.
Narinig ko kasi sa sabi-sabi ay mailap rin sa babae ang prof ko.
Eh ano to? Prof in disguise? Probably!! A perfect word to describe my dear professor Adam.
"Pwede ba tayong sabay mag dinner sa labas mamaya? You know, nasa business trip ang parents ko at wala akong kasabay kumain. Do you mind?"
Its class hours, at nakikipag kwentuhan kayo sa isat isa?
Just save this story of you two later.
Nagsalubong ang kilay ni prof Adam sa sinabi nya. Tingin ko ay prof din ang Zwen na iyon, well base sa uniform at posture nya.
Nagulat naman ako ng tumingin dito si prof Adam.
Tinaasan ko na lang sya ng isang kilay at pinaglaruan nalang ulit ang kamay ni Samuel.
"I'm sorry, Miss Zwen. But kailangan ko pang ayusin ang nga files ng mga estudyante ko." bigla nitong sabi at nagpatuloy sa pag kalikot ng laptop nya.
Agad namang nabura ang masiglang ngiti ng Zwen sa sinabing iyon ni prof Adam.
Hindi ko alam pero natuwa ako ng hindi sya pumayag.
Umalis na ang Zwen na iyon ng nakabusangot.
I giggled.
"Why?" Napatigil ako sa pagsusulat ng kung ano ano sa notebook ko ng biglang nagsalita sa tabi ko si Samuel.
"Wala, anyway mamaya ha? Sasama kana wala ng bawian" pagsasabi ko sa kanya.
Baka mamaya mag back out eh.
Tumawa naman sya at kinuha ulit ang kamay ko.
"Silly, ofcourse wala ng bawian"
"See you this afternoon" ayon ang huling sabi ni prof Adam at umalis, bitbit ang coat at laptop nya.
"Good morning everyone" napalingon ako sa pamilyar na boses na iyon.
At hindu nga ako nagkamali, narinig ko na nga ito. Kanina.
"Im absent yesterday, kaya hindi nyo ako nakilala kahapon. But Im here now. Im Zwenna Revilla, your English professor"
Ang lambing ng boses nya. Dumating na sa point na sa sobrang lambing nagmumuka na syang kambing. Tss.
Kaya pala hindi ko sya nakita kahapon? So what, wala akong pakialam.
"Okay. Introduce yourself guys. Lets start from here." Magkabaliktad sila ni prof Adam.
Si prof Adam walang paki sa kung anong pangalan namin, first day na first day nga eh lesson agad.
Pero itong si Miss Zwen, second day of school introduce yourself pa.
Ako na pala ang kasunod na magpapakilala kuno.
"Im Cyhyara Nadine Martinez, 17 of age" ayon lang ang sinabi ko at umupo na.
Si Samuel na ang next pala.
Nang matapos itong magpakilala ay nagsunid sunod na lahat. At ng matapos ay nagsimula na rin kaming mag lesson.
Dumating ang uwian ng hapon at naalala kong pupunta nga pala kami sa restaurant ni mama ngayon.
"Tara na Sam" sabi ko at hinatak ang kamay nya.
Sam nalang ang itinawag ko sa kanya, napakahaba namn kasi ng Samuel.
"I have my car right here" Sya naman ngayon ang humatak sa akin at pinapasok sa kotse nya.
Nagulat ako ng dahan dahan syang lumapit naman sya sa akin.
Eto na ba to!!
Hahalikan nya na ako?!
I was about to close my eyes but I heard a click sound.
"There you go" ani nya at bumalik na sa kanyang pwesto?
Akala ko naman hahalikan nya ako, ikakabit nya lang pala ang aking seatbelt.
Im quite dissapointed about what happend earlier.
Pinahinto kona sya sa harap ng resto ni mama. And as usual marami paring customers.
"Wait, this-" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin nya at bumaba nalang ng kotse nya.
Nang makababa sya ay iginaya ko sya sa loob.
Agad naman akong sinalubong ni mama ng mainit na yakap.
Kakakita lang namin kaninang umaga pero miss na miss nya na ako agad?
"Anak, is this your friend?" sinuri nya mula ulo hanggang paa si Samuel.
Ngumiti naman ng masigla si Sam at nagmano sa mama ko.
Oh my heart!!
"Hello po, Im Samuel. Friend po ni Cyhyara" my mom just smiled at him and told him to seat.
"Akala ko trabahador ka dito ng makita kita kahapon, actually this is the first time na makita kita rito. This is my mom and dad's restaurant after all." I was shook of what he said. Well sabagay, isa nga pala akong basagulera. Kaya hindi na nakakapagtaka na ngayon nya lang ako nakita rito. Oh baka naman nagkita na kami rito pero hindi lang namin napapansin.
Pinag serve na nila kami ng pagkain.
"Your mom's chicken wings are my favorite. Delicious as ever." nakakamay na itong kumakain at ninanamnam ang luto ng resto ni mama.
So chicken wings are his favorite hug? Noted.
Kanina ko pa nararamdaman na may tumitingin sa akin. At hindi nga ako nagkamali.
Si professor Adam lang naman kasama si Miss Zwen na kumakain sa restaurant ng nanay ko.
Ang ipinagtataka ko lang.
Hindu ba't tumanggi sya kanina kay Miss Zwen?
Eh anyare? Bat sya nandito? At dito pa talaga sa restaurant ni mama.
Ngiting ngiti na pinapa kilala ni Miss Zwen kay prof Adam ang nga pagkain dito.
Oh pwede pala syang entertainer, masabi nga kay mama. Pero huwag na rin, baka ma bad mood ako bawat araw na punta ko dito at nakikita sya.
"Iho how's the food?" bigla namang sumulpot si mama sa tabi at tinanong si Sam.
"Its good po tita, actually your chicken wings are my favorite" sumilay naman ang ngiti ni mama sa sagot nito.
"You have a great taste bud iho, thats my favorite too." sagot ni mama at humagikgik ito.
"Osya, I'll get going. Yara anak, entertain your new friend okay?" pagpapaalala nya bago umalis.
Minutes has passed at busog na busog na lumabas kami ng resto ni Sam.
May binigay pa ngang pasobra si mama para daw sa parents ni Sam.
"Thanks for today, Cyhayra" aalis na sana ito pero bigla ulit syang lumapit sa akin.
At bigla akong hinalikan sa pisngi.
"Goodnight, sweet dreams" nakatulala padin ako habang nakahawak sa aking pisngi.
Maging sa pag uwi ay hindi ako maka move on sa paghalik nya sa akin.
"Miss Martinez are you listening?" si sir Adam lang pala.
Si sir Adam!!
"Yes, Sir"
Nakatulog kasi ako habang nagka klase sya. Halos four a.m. na ako nakatulog.
"Come with me in my office, later. Miss Martinez." sabi nito at nagpatuloy sa pagtuturo.
Shit!!
Ano nanamang pinasok Cyhyara.
Lagot nanaman ako nito kay mama.
"Miss Martinez, come."
Hays bahala na nga!!
Taimtin akong sumunod kay prof Adam.
At ng tumigil kami sa isang silid ay sinenyasan nya akong pumasok, kaya ginawa ko.
Mapapagalitan ba ako?
"Miss Martinez, I just want to inform you, that you passed my exam yesterday. So every morning ma excuse ka at dito ka sa silid ko." mahaba nyang litanya.
"Eh sir? Aano naman po ako dito? Ano pong connect noon sa pag pasa ko sa exam nyo?" I dont get it. Naguguluhan ako.
"Ikaw ang napili kong ilaban sa science quest, 3 weeks from now ang contest. Study well, Miss Martinez." anito at lumabas na.
Ano?!
Bakit ang bilis yata?!
First month of school, tapos may contest agad? Bakit ang bilis?
Hindi nalang ako nagreklamo at sinumulan ng basahin ang mga libro na nasa kanyang mesa.
May sticky note kasing nakalagay doon na pangalan ko. So I assume na para sa akin nga iyon.
Napatigil ako sa pagbabasa ng may biglang kumatok sa pinto.
At nakita ko si Miss Zwen.
Lihim akong napairap.
"Hi, you're Cyhyara right? Do you know where Sir Zach is?" aba mamalay ko ano ba ako? Tanungan ng mga nawawala?
"No, Miss" simple ko nalang na sabi at pinagpatuloy ang pagbabasa.
"Oh, ilalagay ko nalang itong lunch huh? Paki sabu bigay ko ha? Sige alis na ako" Umalis sya ng may ngiti sa labi.
Feeling ko may gusto ito kay prof Adam.
No may gusto talaga sya.Halata naman.
Narolyo ko nalang ang mata ko sa naisip.
"What's with the eye, Miss Martinez?" nagulat naman ako ng may nakatingin na pala sa akin.
"Nothing, sir. May impakta lang akong nakita kanina" hininaan ko ang sinabi ko sa dulo.
You know, baka magsumbong sa jowa nya. Tss.
"Anyway Sir, dumaan dito kanina si Miss Zwen, dinalhan kayo ng pagkain." sabi ko habang nakatingin parin sa librong binabasa ko.
"Oh really?" tumango nalang ako bilang sagot.
Napatingin ako sa relo ko.
Jusko!!
Lunch na, kaya pala kanina pa ako nakakaramdam ng gutom.
"Eat with me, Miss Martinez."
"Pardon?" syempre naninigurado lang.
"Here" inabot nya sa akin ang isang plastic na puno ng pagkain.
Jollibee.
Nangningning ang mata ko da nakita. Agad ko itong binuksan.
"Lets exchange, you're allergic to mushrooms right?" nadismaya ako sa sinabi nya.
Pero how did he know na allergic ako sa mushrooms?
Nang magpalit kami ng pagkain ay agad ko na itong sinunggaban.
Fried chicken ang nasa akin at may macaroni soup pa.
Nyam!!
"Thank you Sir" pagpapasalamat ko.
"Proceed studying, Miss Martinez" seriously?
Miss Martinez?!
Nakakailang na sya ha? Kanina pa yang Miss Martinez na yan!!
"Sir, just call me Cyhyara." hindi ko na nakayanan.
"Dont tell me what to do woman" tss ede dont.
Napaka formal naman kasi ng tawag nya sa mga estudyante nya.
Daig pa namin business world eh.
"Tss, fine Cyhyara. But call me Adam too. Except when we are in class. Napatango ako sa sinabi nya.
"Okay, Adam." ngumiti ako nang sabihin ko iyon.
"Good, I'll get going now. Y'all see me again this four in the afternoon" ayon lang ang sinabi nya at umalis na.
Napakibit balikat nalang ako at nag take down ng notes na kailangang tandaan.
Unang libro palang ito. Meron pang anim na naka abang. Seryoso? Mag a abogabo ba ako?
Ang daming babasahin.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako ng may bumuhat sa akin at inihiga ako sa couch.
Kinumutan rin nya ako ng coat.
Sir Adam.
Sya ang naglipat at nagkabit ng coat sa akin.
Nakarinig ako ng mga ingay na tingin ko ay mga libro.
"Hey woman. Wake up now, its seven in the evening already." nabuhay bigla ang katawang lupa ko ng marinig ko ang boses na iyon.
"Hmm. Sorry, nakatulog pala ako" sabi ko.
Seven palang naman pala.
Seven in the evening.
Seven in the-- What?!!
Nanlalaking mga mata ko na naka tingin kay Sir Adam.
"What's with the face?" nagtataka nyang tanong.
"Adam, bakit ngayon mo lang ako ginising?!" nakaka frustrate!!
Lagot, isang oras nalang uuwi na si mama.
"Im sorry okay? Ang sarap kasi ng tulog mo kaya hindi na kita nagising kanina." pagpapaliwanag nya pa.
Kailangan ko ng makauwi ngayon din. Ang kaso delikado na sa labas. Sige magpapaka desperada na ako maka uwi lang sa bahay.
"Sir Adam, I mean Adam. Pwede mo ba akong ihatid sa amin? Please? Promise gagalingan ko sa contest." sana pumayag.
"Sige, tara na." Yes, thank you lord at pumayag sya.
Mabait rin naman pala sya kahit papaano.
Itinuro ko ang gate ng bahay namin at agad syang huminto.
I bid my thanks and goodbye as he left.
Mabuti at wala pang tao sa bahay.
Binuksan ko na ang pinto namin gamit ang susi at pumasok na sa bahay.
Ini lock ko muna ang main door namin bago dumiretso sa kwarto ko.
Naglinis ako ng katawan at humiga sa kama.
Ang daming nangyare ngayong araw.
Ang pagtulog ko kanina sa klase.
Ang pag alok ni Sir Adam ng pagkain.
Paano nya nalaman na allergic ako sa mushroom.
Ang contest.
At madami pang iba. Parang noong isang araw lang eh napaka ganda ng araw ko. Ngayon naman nasira.
Bakit kasi binati bati ko pa ang araw na yon. Minalas tuloy ako ng wala sa oras.
What a tiring day we have here.