Cyhyara's PoV
"C'mon Yara, you can do it." katabi ko si Sam na nagchi- cheer sa akin.
May hawak pa ang itong pom poms na parang cheerleader. Napailing nalang ako at natawa sa ginagawa nya.
"Pupunta ka ba sa oras ng contest ko?" pagtatanong ko. Si mama pupunta daw. Sana maka sama si Samuel.
"Syempre naman, ikaw pa" anito at ginulo ang buhok ko. Tinignan ko nalang ito ng masama at inayos ang buhok ko.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami magksama ngayon ay dahil nasa library ako, buti nga at pinayagan ako ni Sir Adam.
Ang gusto kasi ni Sir Adam ay sa office nya nalang ako mag review, pero ang sabi ko mas maganda kung sa library.
Naalala ko nanaman kung paano ko sya pinilit.
flashback
"Please sir Adam. Aayusin ko sa oras ng contest, basta sa library ako." pagpupumiliy ko.
He glared at me for awhile.
"And what? makikipagdaldalan ka kay Mr. Roman? No way." Huh? Bakit nanaman ba napasok dito sa Sam?
"Si Adam, hindi. I promise I'll study well, mag fo-focus ako." ang hirap nyang pilitin.
Buong maghapon ko syang kinulit ng kinulit at hindi nagtagal ay pumayag rin.
Pero nang payagan nya ako ay minsan nya nalang ako pinapansin. What's wrong with prof Adam?
Nakakailang kasi tuwing magkasama kami sa iisang silid, sa office nya kumbaga.
May tiwala naman ako sa kanya, alam ko naman din sa sarili ko na wala syang gagawing masama sa akin.
Ang kaso ay nahihiya ako sa kanya. Oo kahit papaano ay may hiya ako no.
Ikaw pa namang mag review tapos laging may nakatitig na gwapong prof sayo hindi ba?
Yes I admit na pogi si prof Adam, at habang maaga pa ay dapat itong pigilan. Ayokong makasira ng relasyon no. Baka makaya mag selos si Miss Zwen.
Bigla naman akong nainis nang maalala ko si Miss Zwen.
Ewan ko ba at laging kumukulo ang dugo ko tuwing naaalala ko sya. Naaalala ko ang mga ngiti nyang sobrang sigla, ang itsura nyang mala anghel at ang boses nyang napaka lambing.
Argh nakakainis!!
Hindi ko napansin na nayuyupi ko na pala ang papel na pinagsusulatan ko.
Napakunot namn ang noo ni prof Adam ng makita ako. Yumuko nalang ako at inirapan sya.
Magsama sila ng Zwen nya!!
End of flashback
"Are you okay? You look frustrated." tinignan ko si Samuel na hinawakan ang leeg at noo ko.
"Im fine" simple kong sagot. Magpapatuloy na sana ako sa ginagawa ng may baritong boses ang nagsalita sa likod ko.
"In my office, now. Miss Martinez" idiniin pa talaga ni Sir Adam ang apelyido ko.
Nilingon ko si Sam na parang nawalan ng mood habang nakatingin sa likod ni Sir Adam.
"I'll get going, promise ililibre kita mamaya" aalis na sana ako agad ng hinatak nya ako at mabilis na pinatakan ng halik ang akin noo.
"Study well, silly girl." ayon lang ang sinabi nya at umalis na rin ng library.
Nasanay naman na ako sa biglang pag halik halik nya sa akin.
Nang makalabas ako sa pintuan ng library ay nagulat akong nadoon oarin si prof Adam.
"Are you done talking to your boyfriend now? Can we go now to my office then?" walang emosyon nyang sabi.
Tumango nalang ako at sumunod sa kanya.
Seriously?
What's wrong with you Professor Zachary Adam?
Pumasok na kami ng office nya may ibinilin lang sya sa akin na kaunti at umalis na.
Umupo ako sa swivel chair nya atsimulang mag take down ng notes na kailangang tandaan.
"Hey Cyhyara?"
Here we go again. Plastikan mode on Cyhyara.
Napatitig muna ito sa akin at bumaba sa upuan kong swivel chair ni prof Adam.
"Bakit ka naka upo dyan? Alam ba iyan ni Adam? Ang alam ko ayaw nyang may umuupo dyan maliban sa kanya" nagtataka nyang tanong.
Bawal umupo? Pero mismong si prof Adam ang nagsabing dito nalang ako umupo at mag review.
Nang makita nya ang naguguluhan kong mukha ay iniiba nya nalang ang tanong nya.
"Anyway where is he?" ani nya.
"Nasa Dean's office po Miss Zwen" simple kong sagot sa kanya at ngumiti ng peke.
She said thanks to me and leave the office.
Nakakabwisit na talaga iyang si Miss Zwen.
Oo na at may relasyon sila ni prof Adam, pero hello? Class hours at naglalandian sila?
Napirap nalang ako sa kawalan.
One week nalang kasi at ilalaban na ko. Ofcourse prof Adam will come. Sya ang prof ko duh?
And also my mom will support me.
And I hope Samuel will come too.
Nag uwian na at hindi parin nagpapakita sa akin si prof Adam. Hinayaan ko nalang at umuwi na na.
Its Saturday!!
No classes today.
Pero papasok ako ngayon, kailangan kong mag review, next monday ay contest na.
Nag ayos ako at pumasok na. Nang pag pasok ko sa office ni prof Adam ay nagulat ako ng makitang nakahilata ito sa couch at mukhang nilalamig.
"Sir Adam" bahagya ko pa syang tinapik sa kanyang pisngi upang gumising pero hinilig nya lang ang ulo nya sa couch.
Nang hawakan ko sya ay napansin kong mainit sya.
Hindi yung hot ah? Wag ano.
Mainit sya parang nilalagnat. Kung nilalagnat pala sya bakit pa sya pumasok?
"Cyhyara" nanghihina nyang sabi.
"Don't leave me, please. Cyhyara" nakatulog na sya ulit ng sabihin ko iyon.
Pinatay ko ang aircon na nagpapalamig sa silid na ito.
Lumabas muna ako at bumili ng pagkain na may sabaw. Mabisa raw kasi iyon lalo na sa taong may sakit.
Bumili na rin ako ng gamot dahil halata namang may sakit ang magaling kong professor.
Nang makabalik ako ay naabutan ko itong mahimbing paring natutulog.
Bahagya pang naka awang ang mga labi nya na parang sarap na sarap sa tulog.
Pero kailangan nyang gumaling, lalo nat sa nalalapit na contest.
Ginising ko ito.
"Let me take care of you for now Sir Adam." I said in a calm way.
It can help anyway.
Hindi ko alam kung bakit ko iyon sinabi, bigla nalang itong lumanas sa bibig ko.
Hayaan ko na, sigurado naman akong sa oras na gumaling na sya ay hindi na nya maalala ang sinabi ko.
Kumuha ako ng panyo at inilublob sa maligamgan na tubig.
Wala kasing bimpo kaya panyo nalang.
Sinimulan kong hilamusan ang napaka perpekto nyang mukha.
Umabot ang hapon at imbis na mag review ako ay inalagaan ko lang ang professor ko.
Nagulat naman ako nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Miss Zwen.
"Oh my gosh, what happend to him?!" ang ingay nya kitang may sakit itong katabi ko eh. Agad itong lumapit at pinag aralan ang buong katawan ni prof Adam.
"You can leave now, Cyhyara. I'll take care of him." sumunod nalang ako sa sinabi nya at umalis na.
Pagdating sa bahay ay wala pang tao, tanging ako palang.
Ako at si mama lang kasi ang nakatira.
Simple lang ang bahay namin, kahit na may second floor ito.
Nakakainip naman. Matawagan nga si Alex. Miss ko na din ang bruhang yon.
Teka nasaan ang cellphone ko?
Shit!!
Naiwan ko sa table ni prof Adam. Napatingin ako sa orasan.
Two p.m.palang naman pala. Pwede ko pang balikan iyon habang hindi pa dumidilim.
Mabilis akong nag commute patungo sa school.
Hinanap ko ang office ni prof Adam. Dahil doon ako nag rereview at doon ko rin naiwan ang cellphone ko.
Pagbukas ko nang pinto ay nagulat ako sa nasilayan ko.
Si Miss Zwen at Prof Adam na naghahalikan. Napalingon naman sila sa akin, kaya nagmamdali kong isinara ang pinto.
"Sorry po, naiwan ko po kasi ang cellphone ko" ayan ang huli kong sinabi at umalis. Nag hintay ako sa waiting shed ng school. Malapit ito sa field kaya na tripan ko munang libutin ang buong school.
At para narin makalimutan ang nakita ko kanina.
Lalo lang tumindi ang galit ko kay Miss Zwen sa nakita ko kanina. At kay prof Adam. May sakit na nga lahat lahat at lumalandi parin. Magkahawahan sana kayong dalawa!!
"Hey? You look familiar. Did we met before?" nilingon ko ang boses kung saan ito nanggaling.
Oh kilala ko sya, sya yung nabangga ko dati!!
"Yes, ako yung nakabangga sayo before. Im sorry" I said. Ofcourse Im sincere. First day of school yon tapos trouble.
Ngumiti ito sa akin ng tipid.
"Im Mira, short for miracle" bagay sakanya ang pangalan nya. She's a miracle, anghel na bumaba sa lupa.
"Oh Im Cyhyara by the way" pagpapakilala ko.
"Nice name, anyway bakit nandito ka? Are you one of those geniuses?" pagtatanong nya pa.
"Geniuses?" I asked curiously.
"I mean sa mga sasama na ilalaban sa contest!" masigka nyang sambit.
"Yes kasali nga ako. How about you? Kasama ka rin ba?" sabi ko. Marahan syang umiling.
"Nope, nandito kasi ang kuya ko kaya andito ako ngayong araw. Ay aalis na pala ako, uuwi na kami. Nice meeting you Cyhyara!" pagpapaalam nya. I just waved my hand as she ran away.
Napabunying hininga nalang ako at nag lakad patungo sa office ni prof Adam.
Sana naman tapos na sila maghalikan.
Napairap nalang ako ulit. Tss baka mamaya bumaliktad na ang mga mata ko kakairap.
I knock the door first before entering. Its bad to enter without knocking, that's what my mother told me.
"Come in." And so I come in.
Bumungad sa akin ang ngiting ngiti na si Miss Zwen. Or should I say Zwen the lizard?
Argh naiinis nanaman ako sa kanya, my blood is boiling!!
"Kukunin ko lang po yung cellphone ko Miss Zwen" pagsabi ko.
"Oh ito ba?" ani nya at hindi maalis alis ang ngiti sa labi nya. Gupitin ko yang labi mo eh, nang maka smile kana forever!
I nodded my head as she hand me a cellphone, which is my phone.
"Alis na po ako Miss Zwen" may sinabi pa sya pero hindi ko nalang pinansin, Bakit sino ba sya para pansinin ko? Your professor Cyhyara, your professor.
I sighted and walk towards the gate.
"Cyhyara" I looked at the one who called me.
At kung minamalas ka nga naman si prof Adam pa. Tss.
Sinisira nila ang araw ko. Naiinis ako sa kanilang pagmumuka ni Miss Zwen.
"Sir?" bakit ba at tinawag tawag nya ako?
Bakit hindi ang pinaka mamahal nyang Zwen?
"Sorry about what you witnessed earlier" okay, bat ka nagsosorry? Hiyang hiya ka at nakita ko kayo na naglalandian?
I flashed my genuine smile.
"Its fine Sir. Mukha namang inlove na inlove kayo sa isat isa kaya kahit na may sakit ka ay hinalikan mo ang nobya mo." Pagsasabi ko kasama na ang aking kapani paniwalang fake smile.
Oo kanina totoo yung smile ko, ngayon naman fake.
"Nobya? Girlfriend?" nakakunot ang noo nya ng tinatanong nya iyon sa akin.
"Oo sir, o baka naman mag asawa na kayo?" paninigurado ko pa.
"Nagkakamali ka, Miss Martinez. I dont have a girlfriend nor wife." Weh? Eh ano yung kanina? Fling lang? Fling with feelings?
"Ah okay, sir. Mukha namang magaling kana una na ako" why am I acting like this anyway?
Daig ko pa ang girlfriend kung nag selos.
Wait-- I admit na nagseselos ako?!
Damn no!!
At kanino? Kila Prof Adam at Miss Zwen?
No way!!
Kahit na mag iisang buwan na akong nandidito sa eskwelahan na ito ay hindi ako magkakagusto kay prof Adam!!
Like never!!
Kahit ilibing nyo oa ako ng buhay, never!!
Nagdadabog akong naglakad papasok ng bahay. Magbe bake nalang ako ng cupcakes.
Bibigyan ko si Samuel sa monday. How is he?
Kahapon last kong kita sa kanya. At hindi nya rin ako tini-text.
Tatawagan ko nalang si Alex, maybe a sleepover here will do.
"Alex" I said my hello.
"Yes dear?" Sabi kong huwag nya na akong tinatawag ng ganon. Ayon ang tawag nya sa akin noong kami pa.
"Sleepover tayo dito" at binabaan ko sya ng telepono. Kahit tumanggi sya ay hindi yon uubra sa akin.
Inayos ko na ang mga gamit na gagamitin ko mamaya para sa bake mac. Cookies at cupcake sana ang ibe bake ko kaso bake mac nalang, for dinner na rin.
"Hoy, ang kapal ng mukha mong babaan ako ng telepono kanina!" I chuckled as I saw Alex with her haggard face.