Chapter 4: Friendly Cyhyara

2027 Words
Cyhyara's PoV "Paki abot nga ng cheese, Alex" sabi ko sa kanya na hanggang ngayon ay nakabusangot ang mukha. Tumayo ito sa kinauupuan nya at pabalibag na inilagay ang cheesa sa harapan ko. Seriously? Ano bang meron at kanina pa ito na babadtrip? Wala naman ang ginawang masama. Well, maliban sa pagbaba ko ng telepono kaninang sinabihan ko syang mag sleepover kami dito sa bahay namin. "What's with you, Alexandra?" kanina pa talaga ako naguguluhan. Tumingin muna ito sa akin at bumuntong hininga. "May date ako ngayon, pero dahil tinawagan mo ako ay pumunta ako dito sa bahay mo. At binabaan mo pa ako ng linya kanina. Girl, jackpot na itong makakadate ko pero sinira mo lang. Akala mo wala tayong pinagsamahan." oh? so iyon ang dahilan. Pagkatapos kong ilagay sa microwave ang bake mac na ginagawa ko kanina at tinitigan ko sya ng ilang segundo. Gaano ba kaimportante ng lakad nya at hindi nya ako mabigyan ng oras? Pero kung iisipin ay lagi nman kami magkasama, kumbaga sa buong year na mula bata ako ay kalahati ay magkasama kami. Wala namang masama kung palayasun ko sya dito ngayon na hindi ba? At isa pa mukha ring napilitan lang din syang pumunta dito dahil no choice sya. "Okay, sige. Umalis ka na" Simple kong sabi at nagsimulang hugasan ang kamay ko. Nanlalaki ang mga mata nitong tumingin sa akin na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Sa dami ng sinabi ko ayan lang ang sasabihin mo? Ibang klase ka rin palang babae ka!" naggagalaiti nyang sambit sa akin at masamang nakatingin. Required bang mahaba rin dapat ang isasagot ko sa kanya? "Tss, basta umalis kana" sabi ko sa kanya. Nakakainis na rin naman ang ingay nya. Nag martsa ito palabas ng bahay namin at narinig ko na ang pag alis ng kotse nya. Mukhang mag isa ako mag di-dinner. Pagkatapos maluto ng bake mac ay umakyat muna ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit. Nagpatong narin ako ako ng jacket sa aking pang itaas dahil mag gagabi narin naman na. Pagkababa ay isinilid ko sa isang tupper ware ang bake mac na iniluto ko. Kumuha muna ako ng kakainin ko at lumabas ng bahay. Balak kong sa malapit na playground ako kakain. Nang makahanap ng pwesto ay umupo na ako agad sa isang bench. Binuksan ko ang tupperware na may lamang bake mac at nilasap muna ang amoy bago ito kainin. Habang kumakain ako ay may napansin akong tatlong bata sa may kalsada. Baka nagugutom na sila. Tumayo ako at lalapit sana sa kanila ng may matanggad na lalaking huminto sa harapan nila at yumuko. Hindi mapanatag ang loob ko dhil baka masamang tao ang lumapit sa mga bata kaya lumapit ako. "Hmm, anong gusto nyo? Ibibili kayo ni kuya"Teka ang boses na iyon, kilalang kilala ko. Pati narin ang amoy nya. Kay prof Adam iyon. Hinding hindi ako magkakamali dahil halos araw araw kong naaamoy ang pabango nyang kinaadikan ko. "Kuya pwede po bang jollibee?" sabi ng batang babae. Tumango naman si prof Adam as an agreement. Parang pumapayag sya. "Sige, Jollibee. Hintayin nyo si kuya dito at babalik ako, okay?" sabay sabay namang tumango ang mga bata. Ginulo muna ni prof Adam ang buhok nila at umalis. Mahigit twenty minutes akong naghintay at nakita ko syang dumating. May bitbit itong plastic na naglalaman ng fastfood. Jollibee. Binitiwan nya ang mga ito at binigay sa mga bata. Hindi ko alam pero napangiti ako sa ginawa nya. May good side rin pala sya. Buong akala ko wala syang pakialam sa mundo. "Miss Martinez?" napatalon ako sa pwesto ko ng marinig ko ang boses nya. Si prof Adam! Paano yan nakita na nya ako. "Sir?" kinakabahan kong sabi. "What are you doing here?" nakakunit nyang sabi at lumingon lingon sa paligid. "Ah, naglibot libot lang ako." sagot ko sa kanya. Ang awkward namin ngayon, Sabag kaming nag lalakad lakad dito. Walang kibuan. "Miss Martinez" "Si Adam" Umiwas kami sa tingin ng isat isa nang sabay kaming magsalita. Ang totoo ay nahihiya ako sa kanya, lalo na at gabi na. At ang nakita ko kaninang hapon. Ang kanilang lovely kiss daw kuno ng not oh so called girlfriend o wife nya. "Sir, baka hinahanap na po kayo ng asawa nyo. Mas mabuti siguro ay umuwi na kayo." sabi ko at ngumiti ng pilit. Naguguluhan nanaman syang tumingin sa akin. Huminto kami sa paglalakad at hinarap nya ako. "Ilang beses ko bang dapat ipaliwanag sayo na wala akong girlfriend o asawa" naiinis nyang sabi. "Sus, weh? Eh bakit pala kayo nag kiss ni Miss Zwen kanina? Akala ko pa naman malala ang sakit mo. Pagkatapos kitang alagaan kanina, pag balik ko sa office mo may kahalikan ka na!' singhal ko sa kanya. Hinihingal naman ako ng sabihin ko iyon ng tuloy tuloy sa kanya. At ngayon ko lang napagtanto ang sinabi ko sa kanya. Ang tanga!! Hindi sya makapaniwala sa sinabi ko, siguro akala nya ay nagsisinungaling ako, dahil wala sya sa sarili nya ng andon ako. At nang magbalik sya sa katinuan nya ay si Miss Zwen ang nakita nyang nag aalaga sa kanya, tama ba ako? "Pero si Zwen ang nag alaga sa akin kanina?" naguguluhan nyang tanong. "Bahala ka sir, paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan, aalis na ako" hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at nagdire diretso na pauwi. Tss, ede paniwalaan nya ang Zwen nya! Ano bang pakialam ko? Dumating ang lunes at bwisit na bwisit parin ako kay sir Adam. Mabuti at napapayag ko sya dati na sa library nalang aki mag re review. At nang lunch time na ay nakita ko si Samuel na naglalakad patungo sa akin. "I miss you, Yara" sabi nito at umupo sa tabi ko. Nakita ko namang nakasunod sa likod nya si prof Adam. At ng walang pag aalinlangan ay niyakap ko si Sam. Nagulat naman ito at kalaunan ay niyakap ako pabalik. "Miss mo din ako no? Oh baka naman wala kang kinukurot kaya bigla mo akong na miss?" sabi nito habang tumatawa. Nang dahil sa sinabi nya ay umalis ako sa yakap naming dalawa. Kahit kailan talaga panira sya. Nilingon ko kung nasaan kanina si prof Adam at nagulat ako ng makitang andon parin sya. Umalis itong umiiling iling sa nakita nya na oara bang hindi nya nagustuhan. Eh ano naman sa kanya? Bakit hindu sya pumunta sa Zwen nya. Baka sakaling matanggal ang inis nya. At mas lalo lang nasira ang araw ko ng makuta si Miss Zwen na papalapit sa akin. Ano magtatanong nanaman ba sya sa akin kung nasaan si prof Adam? Kaya bago pa sya magsalita ay inunahan ko na sya. "Miss Zwen, kung hahanapin nyo po sa akin si Prof Adam, pasensya na pero hindi ko po alam" sabi ko dito habang nakatingin sa librong binabasa ko. Next week na ang contest. Nagulat naman ako ng biglang tumawa ng mahinhin si Miss Zwen. Hindi ko alam na mga baliw pala ang type ni prof Adam. "Hindi ako pumunta rito para tanungin sya sayo, ang totoo nyan ay ipinapatawag ka nya sa office nya" oh, napahiya ako don ah. Sumunod na ako sa kanya patungo sa impyerno este sa office ni prof Adam. Nang makapasok ay nakita namin syang nakatitig ng taimtim sa akin, kaya napalunok ako. "Leave us, Zwen" sabi nito at nakatitig pa rin sa akin. "But-" pagtutol ni Miss Zwen. Sa ngayon ay gusto kong nandito muna si kambing na Zwen. Para na rin sa tensyon sa paligid. "I said leave" tahimik pero ramdam ko ang diin nya sa mga salita nya. Hindi na nagsalita pa si Miss Zwen at lumabas na ng office. "From now on, hindi ka na sa library mag rereview, kundi dito nalang sa office ko. Napag isipan kong mali pala ang desisyon ko na sumang ayon na sa library ka nalang. At isa pa, bawal ka magpapasok rito ng kung sino sino lalo na yang BOYFRIEND mo ng walang pahintulot ko. Kung meron ka mang bisita ay magpaalam ka sa akin" nakatitig lang ako habang sinasabi nya iyon. "Sir naka drugs ba kayo?" bigla kong sambit. Nanlalaki naman ang mata nyang tumingin sa akin. Oh crap! Bakit ko ba sinabi iyon?! "Me? On drugs? Really woman?" sabi nito habang hindi pa rin makapaniwala sa sinabi ko. "Sabi ko nga po hindi eh" nakangiwi kong sambit. Bwisit, daig nya pa ang magulang ko kung mag pa alala sa akin. Dadaan rin ang araw at kakarmahin sya! At hindi na ako makapag hintay sa araw na iyon. Kung hindi ko ba ipinasa ang exam nya mapupunta ba ako rito? Siguro wala ako sa kinalalagyan ko kung hindi ko iyon ipinasa. Oo tama! Tumango tango ako at sumang ayon sa sinabi ng utak ko. "Miss Martinez are you alright?" nabitin naman ang pag tango ko sa sinabi nya. "Aalis muna ako" he said. And so what? Do I look like I care? Umirap nalang ako habang nakatingin sa pintuan ng office nya. Habang nag rereview ay nawala aki sa focus ng may kumatok sa pintuan. Sino nanaman ba iyon? Si Miss Zwen? Napabusangot ako ng maalala ko sya. Panigurado magkasama nanaman sila ni prof Adam. Pero natigil ako sa pag iisip ng may pumasok na anghel. Muntik pa akong mahulig sa upuan ko kung hindi ako naka kapit. "Oh Cyhyara right?" gulat nyang sabi at lumapit sa akin. "Yes, and Mira? Miracle?" bakit sya nandito. Napangiti ito ng banggitin ko ang pangalan nya. "Why are you here pala Cyhyara?" eh? "Oh dito ako nags-study" simple kong sabi. Totoo naman ah? "Dont tell me ikaw yung student ni kuya sa science class?" kuya? Dont tell me rin na si prof Adam ang kuya nya. "Mira, ano nga kasi ang surname mo" this is the only way so I can find out the truth. Ngumiti ito ng malapad sa harapan ko. "I am Miracle Shan Hernandez" Hernandez?! So kuya nga nya ang pesteng professor? "Ay hala sige, mag aral ka na, hihintayin ko nalang si kuya dito." umupo sya sa kaharap kong couch at naglabas ng rubics cube at sinimulang guluhin. Nang nag four o'clock ay wala parin si prof Adam. Nilingon ko si Mira na naka tingin sa relo nya. "Ang tagal naman ni kuya, tara kumain muna tayo sa may resto dyan Cyhyara" di pa man ako nagsasalita ay hinatak nya ako palabas. "So saan mo gusto?" pagtatanong nya sa akin. Teka bakit sa akin? KKB ba kami? "No my treat" huh? "Saan nga?" pagtayanong nya ulit. "Ikaw bahala" sya nalang ang papiliin ko, baka mamaya ayaw nya sa pipiliin ko. Nag jeep kami at huminto sa pamilyar na resto. Hindi pala pamilyar, dahil halos lagi ako nandito. Ang resto ni mama. "Ayos ba dito? Favorite resto ito ni kuya, at ako rin. Lagi kami nagpapadeliver ng mga pagkain galung dito" favorite ng kuya nya? At sya? Una ang parents ni Samuel at ngayon itong magkapatid? "Tara na!" binuksan nya ang pintuan at napatingin roon si mama. Hays. "Anak!!" bigla itong pumunta sa akin at niyakap ako. Napatingin naman ako kay Mira na nakatingin rin sa akin. Hindi nya nga pala alam. "Oh anak mabuti naman at pumunta ka rito. At ng kaibigan mo" ngiting ngiti nyang sabi. "Ma, eto nga pala si Mira. Mira eto ang mama ko" pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. "Ay hello po" pagbati ni Mira. Umalis na si mama dahil tinawag sya ni tita Mitch. "Mama mo pala ang may ari nito?" sabi nya habang inaayos ang bag nya sa upuan. "Ah oo" sagot ko nalang. "Kaya pala, mag katunog ang resto na ito sa pangalan mo" nakangiti nyang sabi at tumingin sa labas. Biglang may nag beep sa phone nya at agad nya namang tinignan. "Cyhyara, pupunta raw dito ang kuya ko. Ayos lang naman hindi ba?" Ano?! Pupunta rito ang kuya nya? Si prof Adam?! Sana pala hindi ko nalang nabangga si Mira noong araw na iyon. Napapalapit lang ako ng sobra kay prof Adam at hindi ko ito nagugustuhan. Hindi ko alam kung bakit ako nababalisa tuwing malapit sya sa akin. Oh kahit marinig ko lang ang boses nya. Ayaw ko nitong pakiramdam na ito. Ayoko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD