Chapter 5: Cookies and Cupcakes

2002 Words
Cyhyara's PoV "Kuya!" pag tatawag ni Mira sa atensyon ng kuya nya na ngayo'y nasa pintuan ng resto. Tumingin muna si prof Adam sa kapatid nya at bumaling sa akin. Hanggang sa nag palipat lipat ang tingin nya sa aming dalawa. Kalaunan ay umupo na ito sa tabi ni Mira. Tumikhim ito at tumingin akin. "I didn't know that you're friends with my little sister, Miss Martinez" sambit nito at humalukipkip. "Actually Sir, kanina ay nasa office mo sya." pagpapaliwanag ko baka mamaya bigla nya akong pagalitan, baka sabihin nya pang itinakas ko ang kapatid nya. Tumango tango muna ito sa akin at nag tawag ng waiter. Nag simula na silang mag order at inalok rin ako ni Mira pero tumanggi ako. Sinabi ko nalang na busog pa ako. Nawalan ako bigla ng gana ng makita ko ang pagmumuka ng impakto at malandi nyang kapatid. Habang kumakain sila ay natatakam na rin ako. Lalo na at favorite ko ang kinakain ngayon ni Mira. Pero kailangang tiisin. Pinanindigan ko ang sinabi kong busog ako kahit hindi naman. Lumipas ang ilang minuto at natapos na sila kumain. Tatawag na sana sila ng waiter para magbayad pero pinigilan ko na sila. "Ah hindi na, treat ko na ito sayo Mira" oh crap andito pala si prof Adam. Lumingon naman ako kay prof Adam at ngumiti. "And Sir Adam. Para na rin sa effort mong turuan ako" ofcourse they were all lies. Ni hindi nga ako tinuturuan ng gunggong na iyan. Nag iiwan lang sya ng libro na may sticky note at wala na, tapos na. Wala na syang papel. "Okay. If that's what you want. I hope maka pag bonding pa tayo ulit" ngiti ngiti na sambit ni Mira. Hinatid ko na sila sa kotse ng kuya nya. "Sa uulitin Cyhyara, bye! See you tomorrow!" pumasok na silang dalawa sa kotse na agad namang pinaharurot ng epal nyang kapatid. Ni hindi man lang nag paalam sa estudyante nya. Unbelievable prof Adam!! Nauna na akong umuwi para ipag bake ng cupcakes at cookies si Samuel. Napangiti ako ng todo ng maalala ko sya. Babawi ako sa kanya, well araw araw naman kami nagkikita sa school, ang kaso hindi na kami nakakapag bonding. So bilang pag hingi ng sorry ay ipag be bake ko sya ng nga ito. At sa hindi mapaliwanag na dahilan ay naalala ko nanaman si prof Adam. Bigyan ko kaya sya? Naalala ko ang pagkain nya ng mga maliliit na cupcakes sa resto ni mama. Napatawa ako ng mahina ng maalala ko ito. Mukha syang bata na sabik na sabik na kumain ng paborito nyang cupcake. Napagdesisyonan kong ipag bake na rin sya. Umabot ang alas otso ng gabi at doon ako natapos mag bake. "Oh anak. Anong ginagawa mo?" narinig ko ang pag tanggal ni mama ng heels nya sa kung saan. Nilingon ko ito at ngumiti, na miss ko na ang mama ko. Kahit na mapag pilit sya eh mahal na mahal ko parin sya. Pinagpag ko ang dalawang kamay ko at mabilis na lumapit sa kanya. "Mama!" sabi ko at niyakap sya. Minsan nalang rin kasi namin nakikita ang isa't isa. "Bakit anak? May problema ba?" naguguluhan nyang sabi at niyakap ako pabalik. Hindi kasi ako ang tipo ng sweet na anak. Kung magiging sweet man ako ay dahil namimiss o kaya naman na tripan ko lang. At napansin ko lang din ngayong araw ay madalas aking ngumingiti. Is this even me? Tinulungan ako ni mama sa ginagawa kong cupcake at cookies. Ang balak kong bigyan bukas ay si Samuel, si Mira at si prof Adam. Dapat nga ngayon ko ibibigay kay Samuel ang mga ito. Ang kaso ay ngayon ko lang naalala. Sana naman magustuhan nya ito. I giggled and enter my room. But before I sleep, I take a half bath first. Pumasok ako sa school na may dalang paper bag. Wala itong design, plain lang at kulay brown. Literal na normal na paper bag. Ngayon ay dumiretso ako sa classroom. Lagi na kasi akong sa office ni prof Adam dumiretso araw araw. "Sam!" pag agaw ko ng pansin nya na parang mag ini sketch sa isang sketch pad. Bigla nya itong isinara at tumingin sa akin. "Yara!" dali dali itong lumapit sa akin upang salubungin ako. Inilabas ko ang isang jar na may lamang cookied at isang tupperware na may lamang tatlong cupcakes. Kumunot ang noo nito at napatingin sa akin. "Is there any occasions? Birthday mo ba? Or ng mommy mo?" gulo nyang tanong bago bumalik ulit ang tingin sa ngayo'y nakalabas ng jar at tupper ware. Mukha tuloy akong nagbebenta, hays. "Wala, peace offering lang, sorry na den. Kasi minsan nalang tayo mag usap diba? Wag ka mag alala babawi ako sayo pag tapos nitong contest" mahaba kong litanya at ngumiti ng abot mata. Kinuha nya ang mga ibinibigay ko sa kanya at inilapag muna iyon sa isang table. "Saan mo ito binili?" napatingin naman aki sa kanya ng masama. "Tss, ako ang nag bake nyan. Hindi ko alam kung masarap ba iyan o ano." sabi ko. Dahil sa sinabi ko ay lumapit ito sa akin at hinalikan ako sa pisngi. A friendly kiss I guess? Nang tuminhin ako sa kanya ay sumilay ang ngiti sa kanyang labi. "Thank you for this, at sa effort. Don't worry hindi naman ako galit sayo. Naiintindihan ko naman" gusto ko oa sanang humaba ang pinag uusapan namin pero dumating na si prof Adam at pinapunta nanaman ako sa office nya. Habang sya ay nagtuturo dahil nga first subject sya every morning. Habang bitbit ko pa rin ang paper bag ay nakasalubong ko si Mira. Mabuti at wala syang kasama. Tinawag ko ito at hinatak sa isang tabi. "Why?" tanong nito. "Here" inabot ko sa kanya ang katulad rin ng ibinigay ko kay Samuel kanina. Magsasalita pa sana sya pero umalis na ako. Baka walang maabutan si prof Adam na estudyante sa office nya. Hinihingal akong napaupo sa couch ng office nya. Daig ko pa ang nakipag race sa sobrang bilis kong makaratung dito. "Anong meron at mukhang pagod na pagod ka, Miss Martinez?" napabalikwas ako ng upo ng marinig ko ang boses ng kanina ko pa iniisip. "Nothing Sir" nauutal kong sabi. Umupo ako ng maayos at kinuha ang libro na malapit sa akin. Tumingin ako kay prof Adam at nakita ko naman syang sumisinghot singhot. Para bang may naaamoy. "Wala naman akong iniwan na cupcake dito kahapon ah." narinig kong bulong nya. Oh s**t!! Naamoy nya ang cupcake. "Sir" pagtawag ko sa kanya. Napakamit ako ng ulo at tumayo saka inabot sa kanya ang paper bag. "Wait, ayan ba ang naamoy ko?" umiwas ako ng tingin at tumango. "Nag bake po kasi ako kagabi. So ayan" bakit bigka bigla nalang ba akong nagiging mabait sa kanya. Kinuha nya na ang inaabot ko sa kanya at tinignan ang laman. I dont know if im just hallucinating or pero nakita ko syang ngumiti habang tinitignan ang laman ng bag. Lumingon lingon muna ako sa paligid hanggang sa tumigil ito sa desk nya. At naalala ko ang paghahalikan nila ni Miss Zwen. Parang gusto ko nalang tuloy bawiin ang binigay ko sa kanya. Mag pa bake sya sa Zwen nya. Bwisit!! At nang ngumiti sya kanina ay feeling ko ibibigay nya iyon kay Miss Zwen. Kaya ba sya ngumitu dahil may ibibigay na sya kay Miss Zwen? At nakatipid pa sya dahil ibinigay ko ito sa kanya ng libre!! Subukan nya lang talagag ibigay yon sa Zwen nya!! "Sir Adam, make sure na IKAW lang ang kaain nyan. Ipapatalo ko ang contest kapag ipinamigay mo iyan kahit kanino." sabi ko rito at umupo na ulit sa couch. Tulala itong nakatingin sa akin na parang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Hindi ko sya pinansin at nagbasa na lang ng tuluyan. Umupo na ito sa swivel chair nya at inilapag sa tabi ang paper bag. Dont tell me ayaw nya? "Sir" tawag ko sa kanya. "Yes?" sagot nya. Bumuntong hininga muna ako bago magsalita. "Pwede nyo namang sabihin kung ayaw nyo. Be honest sir. Okay? Hindi yung sa harapan ko pa ikaw gaganyan" naguguluhan naman syang tumingin sa akin. "Who said that I dont like these?" sabi nito habang magkasalubong ang kilay. "Ako" napailing iling naman ito sa akin. "Just keep thus a secret, okay? Cupcakes are my favorite. Mamaya ko sana ito kakainin.Dessert for lunch." sambit naman nya na ikinagulat ko. Talaga? Bigka akong sumaya sa sinabi nya. After all mali ang hinala ko? But I have one more question left. "Bibigyan nyo ba si Miss Zwen?" mahina kong tanong. Ewan, pero naiinis ako pag naiisip kung hati sila ni Miss Zwen. "Ofcourse not. Bakit ko sya bibigyan eh para sa akin lang ito hindi ba?" seryoso nyang pagpapaliwanag sa akin. Natuwa naman ako. Akala ko bibigyan nya si Miss Zwen!! "Should I eat them now?" pagtatanong nya sa akin at kinuha ang paper bag. Napaiwas ako ng tingin sa sinabi nya. Nang hindi ako sumagot ay narinig ko ang pagbukas ng jar na may lamang cookies. At isinunod ang tupperware na may lamang cupcakes. Lumingon ako sa kanya at nakita ko syang kumuha ng isang cupcake at tinikman ito. Nagulat naman ako ng sumandal pa ito sa swivel chair nya at pumikit. Tila sarap na sarap sa cupcake na kinakain nya. "Thank you, Cyhyara. This is the most delicious cupcake I've ever taste." at sa pangalawang pagkakataon ay nakita ko syang ngumiti. Lumingon ito sa akin kaya gumanti ako ng ngiti. Biglang nawala ang hiya ko at nagpalitan ng saya. "Oh Miss Martinez, susukatan ka pala mamaya. Ng school uniform." sabi ni prof Adam habang may hawak na isang cookie sa kaliwang kamay. Habang nag ta type naman sa laptop ang kanan nitong kamay. "Ah sir Adam. Saan po ako susukatan?" pagtatanong ko. Hindi ko kasi alam kung saan. Dahil nga baguhan lang ako dito sa Morgan University. "Ako nang bahala, sasamahan kita. Hindi naman yata ka aya aya kung makikita ka nilang representative ng school, pero hindi naka suot ng uniform rito." litanya nya habang nakatitig sa laptop nya at kumagat sa cookie. Ang cute ni sir. Haha. Magulo ang buhok, naka salamin at may dumi pa ito sa gilid ng kanyang labi. Na ang dahilan ay ang cookie na binigay ko. Mukha syang stress na bata sa kanyang school assignment. Napatawa ako sa naisip ko at pinagpatuloy ang pagbabasa. Dumating ang lunch at gutom na gutom na ako. Nagulat ako nang kumalam ang tyan ko. "Gutom kana? Wait bibili lang ako sa cafeteria" hindi pa man ako nakakalagsalita ay umalis na sya. Teka hindi ba at gawain ko iyon? Ang umalis at hindi hinihintay magsalita ang kausap? Huwag mong sabihing ginagaya nya ako? Baka naawa na sa akin. Na isip na ba nyang na pe pressure na ako? Mamaya pala ay pasusukutan ako ng school uniform. Ang buong akala ko naman ay forever na akong walang uniform. "Here" nagulat naman ako ng may naglapag ng isang plastic sa harap ko. At nakita ko si prof Adam na sya pala ang nag lapag. "Kumain ka na, may pupuntahan pa tayo mamaya remember?" pagpapaalala nya. I nod my head as an answer. "Good, now eat" bumalik na ito sa kanyang upuan at ginawa ang dapat nyang gawin. At hanggang ngayon ay hindi oa rin nya tinitigilan ang cookies at cupcakes. "Sir, baka naman magka diabetes kayo nyan ha? Kunsensya ko pa." pahayag ko. Lumingon naman ito sa akin at nilunok ang kinakain nya. Ibinaba nya rin ang salamin nya. Ngayon ko lang nakita si prof Adam na walang salamin, ang gwapo nya pala. I was shock when he burst into laughter. "Ang sarap kasi. Huwag kang mag alala Miss Martinez, healthy ako kaya hindi ako agad magkaka diabetes" ngumisi sya matapos iyong sabihin. Parang proud pa syang hindi ya magkaka diabetes, eh sa dami ng kinakain nyang matatamis? Bahala sya, hindi ko na kasalanan pag nagkasakit sya. Healthy sya dba? Ede panindigan nya. Eternity pala ang buhay nya kung ganon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD